Prologue

922 5 0
                                    

Cherima was already bored to death. Nasa kasal kasi siya ng isa sa kanyang mga pinsan at sawang-sawa na siyang makipagplastikan sa mga kamag-anak nilang walang ibang ginawa kundi magpayabangan ng kani-kanilang yaman. Kung hindi lang talaga siya malalagot sa kanyang Daddy at Kuya, ay naku! Doon na lang siya sa bahay at maglalagi sa kusina, probably baking or cooking something.

Habang abala sa pagjujudge ng mga pagkain sa catering na inarkilahan sa kasal, nabitin ang pagsubo niya ng marinig ang pangalan niyang tinatawag ng emcee sa harapan. Wala naman siyang alam sa nangyayari sa program, at wala na rin siyang nagawa kundi pumunta sa harapan. Nang makarating siya roon, it's too late to realize na pare-pareho pala silang mga dalaga ang nandito and they're here for bouquet catching!

Inis na inis siya nang masanggi ng mga kasama niya roon. Paano ba naman ay humahanap ang mga ito ng magandang pwesto para sila ang makakuha ng bouquet na ihahagis ng bride. Pero siya? The hell she care! Hindi pa nga siya nakakawala sa kulungang ginawa ng Daddy at Kuya niya para sa kanya, tapos isusurrender na naman niya ang sarili para sa panibagong kulungan? No way!

Cherima just crossed her arms, clearly showing disinterest sa pangyayari. She can hear that all of the guests are already counting down, and they seem to be very excited about it. Three... two... one...

OMG, NO!

AS IN NO TO THE NTH POWER!

She grunted. Punyeta. Hindi na nga niya tinanggap with open arms ang mga pangyayari, pero kusa pa ring napunta ang bouquet sa kanya? Everybody was clapping and cheering dahil daw sa wakas! May chance nang maikasal ang kamag-anak nilang 25 years old but still NBSB, which is her, pero siya ay sinamaan lamang ng tingin ang kanyang pinsan. Base sa ngiti nito, alam niyang sinadya nito na sa kanya mapunta ang bouquet. Gaga talaga! Kung hindi lang nito kasal ngayon, malamang sa malamang e nasabunutan na niya ito ngayon.

Inanyayahan siyang umakyat ng stage at harapin ang mga tao. Gusto na niyang ingudngod sa baklang emcee ang nasambot niyang bouquet dahil sa inis na nararamdaman. Well, alam naman niyang hindi porket siya ang nakasalo ay required na siya ang susunod na magpakasal. But seeing her father's face right now... alam niyang nagkaroon ito lalo ng dahilan para i-push ang plano nito.

At iyon ay ang ipakasal siya sa kumag na karibal niya sa ranking sa eskwelahan noong nasa highschool siya.

Naku, hindi siya papayag! Kailangan na niyang gumawa ng paraan para itigil ang evil plan ng kanyang Daddy kahit hindi pa man ito naisasagawa.

Pero una sa lahat, sisiguraduhin niyang pagkarating niya ng bahay ay gagawin niyang Ginisang Rose at Lavender ang hawak niyang bouquet! Grr.

Δ•Δ•Δ

The Temporary Engagement
Romance | Humor
•Dulce Serendipia•

Start: July 15, 2019
End: -

The Temporary Engagement [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon