"Hey. " Josefino said as he was poking the girl's cheek to waken her up. Akala niya ay umuwi na ito, pero hindi pa pala. "Ms. Zaldarriaga. " he called out again.
Nakailang tawag na siya rito ngunit hindi pa rin nagigising ang dalaga. Naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang mukha.
The girl has fair skin, pointed nose, small, thin lips and slightly chubby cheeks. At dahil nakapikit ito, kitang-kita na mahahaba ang pilikmata nito. A few strands of her curly, dark brown hair was blocking her face. Kung pagbabasehan ang itsura nito, he can say that this girl is no ordinary—maybe she's from a rich family. Pero kung aanalisahin ang sitwasyon nito sa ngayon, mukha itong taga-probinsya na naghahanap ng swerte sa siyudad.
"Cherima. " panggigising niya muli rito. Sa wakas ay idinilat na nito ang mga mata. Kinusot nito ang mga iyon at saka napahikab. Pupungas-pungas pa ang dalaga. Cute.
Wait, did he just say something? Ah, wala naman, right?
Nang maging okay na ang babae, she greeted him. "uy, Doc! Okay ka na po? "
He nodded. "yes. Thanks for your help. "
"Sus. Walang problema. Happy to serve—ay, sa kalaban pala namin na mall 'yon. " Josefino wasn't able to hear the last words from the lady. He just let it pass by dahil mukhang hindi naman ito mahalaga.
"Nga pala, why are you still here? It's already midnight. Baka hinahanap ka na sa bahay ng mga magulang mo... or maybe your boyfriend or husband? "
Cherima waved her hand in disapproval. "naku, single lady po ako, 'no! At... at wala naman pong naghahanap sa akin ngayon...siguro? " she answered, sounding unsure.
Josefino nodded. Then suddenly, naisip niya ang kanina niya pa gustong gawin. He really wanted to repay this woman's kindness to him. Bibihira na ngayon ang may mabubuting kalooban katulad ng babaeng kaharap niya. "well, Miss Zaldarriaga, what can I do for you para makabawi ako sa'yo? "
He saw that Cherima's eyes lit up, as if she hit the jackpot. Maya-maya ay sumagot ito. "Doc, I think this is too much to ask, pero pwede niyo po ba ako tulungang maghanap ng bahay na matitirhan? Wala po kasi akong masyadong alam sa lugar na ito. Saka 'Far From Home' po kasi ang drama ko ngayon. "
A house to live in? Paano naman sila maghahanap ngayon gayong madaling araw na? He can let the girl stay in a hotel for this night, pero mukhang hindi naman pang-isang araw lang ang hinahanap nitong matutuluyan. So, saan naman kaya pupwede?
Then he thought of his two-storey house with four bedrooms, and felt how empty it is. Bukod kasi sa kanya, wala nang nakatira rito.
"You can stay in my house. " sabi niya without thinking twice. Medyo nagulat nga rin siya dahil.. talaga bang hahayaan niya na may isang estrangero siyang makakasama sa iisang bubong?
"Po? Ano po ulit 'yon? " medyo malakas na tanong sa kanya ni Cherima, halatang nagulat sa narinig.
"I said, you can stay on my place. "
"Isn't it too much... po? " the woman replied na mukhang nag-aalangan pa sa pagpo-po sa kanya. "baka naman po nabibigla lang kayo? I mean, you barely knew me. Sa totoo lang, we know each other by our names lang, tapos hahayaan mo po akong tumira kasama ka? "
He looked straight into her confused face. "Ah... I think so? " hindi niya siguradong sagot. Nagugulat din siya sa mga sinasabi niya ngayon.
"For free po ba? "
"For free. "
"Ay, mas lalo po akong hindi papayag. " Cherima stated. "pero..."
He waited for the next words that she will say.
"...charot lang, papayag na rin po ako, magpapakipot pa ba ako e gipit na gipit na ko? Basta po, maninilbihan ako sa'yo. "
His eyebrows creased. "what are you saying? "
"Gusto ko po sana mag-apply as kasambahay niyo na stay in, para may silbi po ako at hindi lang magiging pabigat sa inyo. Saka kung libre niyo po kasi akong patitirahin, baka magtaka ang asawa mo."
He was taken aback because of her last words. His mood suddenly shifted and he felt something inside him—longing. "wala akong asawa. "
"Ay... Sorry po, Doc. " Cherima apologized at saka nag-peace sign. "akala ko po kasi pamilyado na kayo. "
"It's okay. " he answered. "so, okay lang ba talaga sa'yo na maging ganoon ang arrangement natin? Are you really sure of what you are saying? "
"Yes na yes po! Kailangan ko lang talaga ng matitirhan. "
"Sige. Suswelduhan din kita. " tamang-tama lang din talaga ang timing nito. Actually, earlier this day, he thought of hiring someone na magbabantay at maglilinis ng bahay kapag wala siya rito. And as if the heavens heard his wish, ito na nga at ibinigay na sa kanya ang sagot sa kanyang problema.
"Talaga po, Doc? OMG, may trabaho na ko! " Cherima exclaimed. The girl rummaged her bag. Maya-maya ay inilabas nito ang isang long brown envelope with a folder inside it, at inilabas niya mula roon ang isang pirasong papel. "resumé ko nga po pala, baka po gusto niyong alamin ang info tungkol sa sarili ko. "
Wow, she's prepared! Umangat ang gilid ng labi ni Josefino while accepting the paper Cherima's handing him. He scanned the resumé at nakita niyang mukha naman itong harmless. She's 25 years old and lives in the province of Excelsi.
"Doc, may NBI clearance din po ako rito. Gusto niyo po ba makita?"
Josefino's eyes became wide in amusement. Kakaiba talaga ang babaeng 'to!
He chuckled lightly. "no need. This is enough, Cherima Aster. "
"Mahaba po ang Cherima Aster, Doc. Cherima na lang po. " the girl suggested. "pero wala na pong mas hahaba sa pangalan mo. Ano po bang pwede kong itawag sa'yo na pangalan? "
"Kahit ano sa tatlo kong pangalan. "
"Ganoon po? Magd-draw lots na lang po ako at doon ko isasaalang-alang ang pangalang itatawag ko sa'yo. Josefino, Graciano o Calixto? Ano ang magwawagi? "
It's already 1:30 AM but she's still energetic. Napakaunpredictable ng babae at patuloy pa rin siyang nasusurpresa nito as the time goes by.
"I think we need to go home. " he announced.
"Tapos na po trabaho mo, Doc Josefino? "
"Dumating na ang kapalit kong doktor, at saka sabi ng aming direktor, magpahinga na raw muna ako. "
"Ah, okay po, Doc Graciano. "
He stood up slowly. Medyo masakit pa rin ang tinamaang binti niya kanina, but the pain was now tolerable dahil na rin sa nilapat na lunas kanina. Nagulat naman siya nang maramdaman niyang kinuha ni Cherima ang kanyang braso at ipinatong iyon sa balikat nito.
"Kaya ko na, Cherima. "
"Tutulungan ko na po kayo. Iika-ika ka pa rin, e. " pilit ng dalaga. "nga po pala, paano tayo uuwi? Commute or may kotse ka po? "
"I have a car. "
"Ako na po magd-drive, Doc Calixto! May driver's license din po ako kaso nasa bag ko po, e. Kaya po hindi ko maipapakita ngayon sa'yo. " ani Cherima. Mukhang nahihirapan na ito sa pag-aakay sa kanya and holding her bag at the other hand, but she insisted na keri niya ito at hindi niya kailangang mag-alala.
Nang tulungan na maisakay siya nito sa kotse ay nagtungo na ito sa driver's seat. Ibinigay niya ang susi rito.
And now he's letting someone to drive his car? Ganoon na ba talaga kalaki ang tiwala niya sa babaeng nasa tabi niya?
Isn't he too comfortable with this woman he just met a while ago?
"Lead the way, Doc. Ako na ang bahala sa pagd-drive! " she started the car's engine. "but wait, nakalimutan kong magseatbelt! Safety first! "
Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiling.
BINABASA MO ANG
The Temporary Engagement [EDITING]
RomanceNang maramdaman ni Cherima Aster na ipapakasal na siya ng kanyang Daddy sa isang lalaki that she despises that much, nagpasya na siyang umalis sa poder nito and live independently. Habang naghahanap ng matutuluyan, sakto namang nakatagpo niya ng lan...
![The Temporary Engagement [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/195224164-64-k71038.jpg)