Chapter 5

266 13 0
                                        

Cherima was smiling from ear to ear. Kaya niya rin palang gumawa ng mga household chores! From washing the dishes, sweeping and mopping the floor and dusting off the furnitures, alam niyang nagawa niyang maayos ang lahat ng ito. Growing up from a rich family, hindi niya naranasang gawin ang mga bagay na ito... not until now. Mabuti na lamang ay mahilig siyang mag-obserba sa ginagawa ng kanilang mga kasambahay dati. Nakatulong ito para maisagawa niya nang maayos ang mga gawain.

Tinungo niya ang sofa sa sala, ibinagsak ang kanyang katawan, at napapikit. She's very tired, but happy na naging productive ang first half of her day.

"Tired? "

Bigla siyang napamulat nang makarinig ng malalim na boses. Of course, it was Doc Delos Santos. Nasa kaharap niyang sofa ito naupo.

"Sobra. " she lazily answered. Maya-maya, a smile plastered on her face. "pero masaya ah! "

"Ngayon lang ako nakakita ng taong naging masaya sa paglilinis kahit sobrang napagod ito. " Doc said.

"Syempre, sino bang hindi magiging masaya kung nakagawa ka ng isang produktibong gawain? " well, this is an achievement for her!

"So... Cherima Aster Zaldarriaga... "

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "ah... yes? "

"...daughter of the billionaire Carlitos Zaldarriaga, owner of Zaldarriaga Group of Companies. Kasama sa mga properties niyo ang 22 Goldenleaf Mall branches nationwide, at iilang private schools sa Excelsi. Your family is the richest in your province, or siguro sa buong rehiyon niyo, and you didn't even bother to tell me. "

Wow, nagresearch ah! "FYI po, Doc. Ang Daddy ko lang po ang mayaman at hindi ako. If bilyon ang halaga ng mga ari-arian niya, ako naman ay five thousand lang! "

"Bakit kailangan mo pang pumunta rito sa Jusean para makipagsapalaran? Sa yaman ng pamilya niyo, hindi mo na kailangang magtrabaho para mabuhay. "

"I went here to follow my dreams. Kung hindi ako aalis sa poder ng Tatay ko, forever na akong magiging sunud-sunuran sa kanila ng magaling kong Kuya. "

"Wait, so you're saying na naglayas ka sa inyo? "

"Yep! "

"25 years old, naglalayas? "

Hindi makapaniwalang tiningnan niya si Doc. "bakit, may age requirement po ba ang paglalayas? As far as I know, wala naman. "

"Cherima, baka hinahanap ka na sa inyo. Your Dad and your brother must be worried about you. "

"Sila, worried? " Cherima asked then gave a bitter laugh. "sus, baka tuwang-tuwa pa ang mga 'yon kamo! Alam kong matagal na nila akong gustong paalisin sa mga buhay nila, pilit na ipinakakasal na nga nila ako sa isang kumag na lalaki para hindi na sila maging liable sa akin! " pagkatapos noon, pailang ulit siyang huminga ng malalim. Inhale, exhale.

Mababakas ang gulat sa mukha ng lalaking kanyang kausap. Pagkatapos ng ilang segundo, tumikhim ito at saka nagsalita. "sa tingin ko'y hindi nila gagawin 'yon sa'yo. They're family. Panigurado'y nag-aalala sila sa'yo. "

"Family? " napatungo si Cherima. "pasimula nang pinanganak ako, ipinamukha na nila na ayaw nila sa akin. For the past twenty-five years, wala silang ibang ginawa kundi ipamukha at isisi sa akin ang isang bagay na hindi ko naman kasalanan... siguro? " she kept her tears at bay. "dahil sa inis at galit nila, buong buhay ko ay hinadlangan nila ang bawat bagay na gusto ko. At iyon ang dahilan kung bakit ako umalis sa amin... dahil gusto kong maging masaya nang walang pumipigil sa akin. "

Doc Josefino just stared at her. Makikita sa mga mata nito ang awa sa kanya... at ayaw niyang makita iyon.

She raised her head and looked at him with a smile. "it's good that even though my life's been full of negativities and sadness, lumaki pa rin akong maganda. Hindi nastress ang beauty ko. " tumayo si Cherima sa kinauupuan. "pasok lang muna po ako sa kwarto ko. I need some rest. Nakapagluto na rin po ako ng pagkain kung gusto mo maglunch. " hindi na niya hinintay ang magiging tugon ng lalaki and went straight up to her room.

Well, even though she always remained positive, nasasaktan pa rin naman siya kapag nao-open up ang topic about her family. She need time to pacify herself. And think.

Δ•Δ•Δ

Alas dos y media na ng tanghali nang bumaba siya para kumain. She was heading to the kitchen to get some food ngunit natigilan nang makita si Doc Josefino sa sala. He was cleaning his wounds na natamo nito kagabi, wait, was that even last night or it's just kaninang madaling-araw? Oh, it doesn't really matter, anyway.

Lumapit siya sa kinauupuan ng lalaki and squatted in front of him. "need some help, Doc? " napansin niya kasing medyo nahihirapan ito sa paglolocate ng kanyang mga sugat, lalo na sa bandang siko.

Ibinigay sa kanya ng doktor ang bulak na may antiseptic, must be Betadine. "thank you. " he murmured.

Dahan-dahan niyang dinampian ang bawat sugat nito. Medyo napapangiwi pa siya dahil medyo may kalaliman ang iba. Her anger resurfaced dahil sa nakabundol sa lalaki. "bwisit talaga ang motorcycle driver na 'yon. Kasalanan niya 'to. "

A thought suddenly popped out on her head. So, ang isang aspiring chef ay ginagamot ngayon ang isang doktor. Then maybe, the doctor can cook for her someday? She silently laughed .

"Cherima? "

Iniangat niya sandali ang ulo at sinalubong ang tingin ng lalaki. 'Masyado naman kaming close ngayon! Well, literally. ' "hmm? "

"Despite all of your problems, how can you still smile and stay positive? Paano mo nagagawang tumawa pa rin even though you are hurting? " the doctor seriously asked.

She answered his question while looking straight into his eyes. "wala namang ibang magpapasaya sa akin, Doc. It is for me to decide whether I should be happy or not. Kung walang ibang kayang gawin sa'yo ang mundo kundi ang paiyakin ka, e 'di Ikaw na lang ang natitirang may kakayahan upang pangitiin at patawanin ang sarili mo. "

The Temporary Engagement [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon