Chapter 12

719 16 2
                                        

Magmula nang marinig ang balita mula kay Cherima ay hindi na mapakali si Josefino. Bawat minuto ay inililibot niya ang kanyang tingin, nagbabakasakaling makita ang babaeng matagal na niyang hinihintay na makitang muli.

"Doc... okay ka lang po ba? " Cherima asked him with worry. " kanina ka pa hindi mapakali. Para kang aso na hindi maka-jebs. "

Nilingon niya ang kasamang nakatingala sa kanya. Seeing her reaction, he suddenly felt sorry. Imbes na magrelax at mag-enjoy from their trip ay binibigyan niya pa ng alalahanin ang dalaga.

"Napagod lang ako mula sa biyahe. Sorry if I'm ruining your mood. " pagsisinungaling niya. Agad niyang inalis ang tingin sa dalaga at inilipat ito sa pinong buhangin na kanilang tinatapakan.

"Ay, sus. Iyon lang pala, e!" Cherima said then sighed in relief. "tara, umupo muna tayo roon. " aya nito sabay turo sa duyan na nakapagitan sa dalawang puno ng niyog.

Naunang tinungo ni Cherima ang duyan, na sinundan naman ni Josefino. Nang makarating ay agad na naupo ang dalaga habang siya ay nanatiling nakatayo.

"Doc, umupo ka na rito, oh. " pag-anyaya sa kanya ni Cherima habang tinatapik ang katabing espasyo nito. "kasya ka pa naman dito sa tabi ko. Hindi rin naman tayo tutumba kung iyon ang ipinag-aalala mo. "

"Okay. " sagot niya at saka naupo sa tabi ng dalaga. Pagkaupo niya ay lumundo ang parteng kanyang inupuan, dahilan naman upang umangat ang parte ng kay Cherima. Hindi sinasadyang napausod sa kanyang gawi ang dalaga. He felt their arms brushing with each other.

Cherima tried to move away from his direction, but she always ended up sliding again onto his side. Sa huli ay tumigil na rin ito marahil sa pagod.

"Sorry, Doc. Naging sideway slide tuloy ang dating ng duyan na ito. " Cherima stated, still pouting. "baka nasisiksik na kita riyan, ha. Saka baka nabibigatan ka na sa akin, sabihin mo lang. "

Sa liit ng katawan ng dalaga kumpara sa kanya, tila wala lamang ang bigat nito. He shook his head. "ayos lang ako. Ikaw ang magsabi kung hindi ka na komportable. "

Both of them silently stared at the clear, blue sea ahead of them. Pinapanood nila ang paulit-ulit na paghampas ng alon sa dalampasigan, at ang unti-unting paglubog ng araw. Kanilang dinama ang marahang kiliti na dala ng hangin mula sa dagat.

"Doc, alam kong ilang beses na kitang tinanong nito ngayong araw. Alam ko ring makulit ako... at paninindigan ko na iyon. "

He looked on Cherima who was already looking at him. From their close proximity, he can see Cherima's concern and sincerity coming from her eyes.

"Okay ka lang ba talaga? " maingat na pagtatanong ng dalaga. Nang saglit siyang hindi makasagot ay nagsalita muli ito. "obviously, you aren't. "

He chose not to speak.

"Pero hindi naman kita pipiliting magkwento kung hindi ka pa komportable na sabihin sa akin ang problema mo. But if the time comes that you really need my help, don't hesitate to ask me. " Cherima said to him with a gentle smile on her lips. He found comfort on her words, lifting up some burden in his chest.

"Salamat." he replied. "thank you for being a good friend to me. Hindi ko inaasahan na makikilala kita, but I'm really glad I did. The unexpected ones are really the best, huh? "

Cherima's smile turned into a wide grin upon hearing him. "so... best friend mo na ako? "

He diverted his gaze back to the seashore. "I guess so. " he answered.

"Wow, mayroon na akong unang kaibigan. " hindi makapaniwalang sabi ni Cherima. "at dahil ikaw ang aking first friend, ipo-promote na agad kita bilang aking BFF. "

The Temporary Engagement [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon