She already made up her mind. Maglalayas na siya sa pamamahay ng magaling niyang Ama! Tama ang kanyang hinuha dahil the day after the wedding, inanunsiyo ng kanyang Daddy na ipinagkasundo na siya nito sa bwisit na si Nigel Pelovello. She swear na never in her life niya ito pakakasalan! Duh!
At ngayon nga, pagkatapos ng kanyang trabaho sa kumpanya ng kanyang Tatay ay tumungo na agad siya sa bus station. Mula Batanes ay pupunta na siya ng Jolo... charot! Diyan lang naman ang punta niya sa Jusean City. Mas marami kasi ang job opportunities doon kaysa roon sa lugar nila. Saka maglalayas na lang din siya, aba e layu-layuan na niya para mas maging exciting ang paglalaro nila ng hide and seek ng kanyang tatay.
Ayon sa konduktor ng bus na kanyang sinakyan, it takes 5-6 hours para makarating sa nasabing siyudad. Medyo malaki rin ang pamasahe, infairness! Mabigat rin sa bulsa ang 435 pesos na ticket, ha. Kailangan pa naman niyang magtipid dahil 5,000 pesos lang ang nawithdraw niya sa kanyang bank account kanina. Nalaman niya kasing kinuha ng Kuya niya ang iba pang laman nito, siguro ay nahulaan ang kanyang gagawin. Napaka-advance talaga mag-isip ng lalaking 'yon!
Habang nasa byahe, nagmasid-masid lamang si Cherima habang nag-iisip kung ano ang mga susunod niyang hakbang pagtapak sa Jusean. Wala naman kasi siyang konkretong plano kung paano ang magiging pamumuhay niya pagkatapos nito. Basta ang alam niya lang, she really wanted to be free from her father and brother's grip. Masyado na siyang nasakal for the past 25 years of her life, at ayaw na niyang madagdagan ang panahong hindi siya nakatatamasa ng kalayaan.
It's already 11:30 PM when she arrived to her destination. Kahit nakarating na siya nang ilang beses sa siyudad, 'di niya pa rin maiwasang magulat sa kaibahan nito sa probinsyang tinirhan niya. Pansin niyang napakabilis ng buhay dito, kapag papatay-patay ka, hindi ka makakasurvive. 'This is a real challenge', she thought to herself. Pero, keri lang!
The first thing she need to do is to find a place to stay in. Kaso ang problema, gabing-gabi na. Paano pa siya nito makakahanap ng matutuluyan? Hindi naman niya pwedeng gamitin ang pera niya para mag-check in sa isang hotel. Kailangan niyang magtipid! And also, ekis sa kanyang possible choices ang motel. Ayaw niya roon, 'no!
Habang bumubuo ng desisyon sa kanyang isip, tumambay muna siya sa isang lugawan at kumain. Hindi pa kasi siya nakakapagdinner at sobrang gutom na siya. Swak sa budget ang pagkain dahil 15 pesos lang, unli lugaw na! Hindi na masama ang lasa nito, actually masarap nga dahil lasang beef broth ito.
Nang matapos kumain, nakonsensiya naman siyang magstay doon. Kahit kasi magmamadaling araw na, marami pa rin ang kumakain sa lugawan. She decided na lumipat na lang ng lugar. Pwede naman siguro sa 7/11, 'no? Kaso tatambay lang siya at hindi bibili. Nakikita niyang ginagawa rin iyon ng mga estudyante sa lugar nila, so okay lang naman siguro?
Ay siya, sige. Kakapalan na niya ang mukha niya! Doon muna siya hanggang sa sumikat ang araw. Or pwede namang i-charge na lang niya muna ang lowbat niyang phone doon para hindi naman masyadong nakakahiya.
Nasa pedestrian lane na siya at naghihintay ng tamang tiyempo para tumawid. Sa kabilang side ng daan, namataan niya ang isang lalaki. He was about to cross the road when...
"Shit! Ang tanga! " Cherima said aloud. Paano ba naman e nabundol ito ng isang rumaragasang motor!
At dahil isa siyang concerned citizen of the Philippines, agad niyang dinaluhan ang lalaking ngayon ay nakasalampak sa kalsada. Pero syempre, she made sure na tumingin muna siya sa kaliwa't kanan niya bago tumawid. Ayaw niya namang magkaroon ng part two ang bundol incident.
Nang makalapit sa lalaki ay tinulungan niya itong gumilid. Napakawalanghiya ng nakabundol na driver, hindi man lang itinigil ang motorsiklo para tulungan ang nabunggo!
BINABASA MO ANG
The Temporary Engagement [EDITING]
RomansNang maramdaman ni Cherima Aster na ipapakasal na siya ng kanyang Daddy sa isang lalaki that she despises that much, nagpasya na siyang umalis sa poder nito and live independently. Habang naghahanap ng matutuluyan, sakto namang nakatagpo niya ng lan...