Chapter 6

247 10 0
                                    

Pagkaalis ni Cherima, hindi maiwasan ni Josefino na makaramdam ng guilt. He felt stupid for opening that topic. Pero malay ba niyang it was too sensitive to talk about?

Ni pagkain ng lunch ay hindi niya nagawa dahil iniisip niya pa rin ang pag-uusap nila kanina. He took a bath to freshen up and he hoped that it may wash off his worrying thoughts. Napapangiwi pa siya dahil kumikirot ang kanyang mga sugat kapag nababasa, at ang kanyang mga pasa sa paggalaw ng kanyang katawan. Mabuti na lang talaga na walang nangyaring mas malala pa sa mga ito.

Pagkababa niya, kinuha niya sa kanyang medicine cabinet ang mga kakailanganin sa paglilinis ng kanyang mga sugat. He was in the middle of cleaning his wounds nang maramdaman niya na nakatayo sa kanyang harap si Cherima. After this, the woman squatted para pantayan siya na nakaupo naman sa sofa. Nagulat siya nang alukin siya nito ng tulong na siya rin naman niyang tinanggap... but he was more surprised because of their proximity.

Nilinis ni Cherima ang mga sugat niya isa-isa. Bawat galaw na ginagawa ng dalaga ay kanyang sinusundan. Nakita niya ang biglang pagngiti nito, as if she was thinking of something funny. He was curious on how the girl still managed to smile despite of her difficulties, so he asked. Hindi naman siya binigo ni Cherima sa naging sagot nito sa kanya.

"Kung walang ibang kayang gawin sa'yo ang mundo kundi ang paiyakin ka, e 'di Ikaw na lang ang natitirang may kakayahan upang pangitiin at patawanin ang sarili mo. "

Hearing her answer, napaisip bigla si Josefino. For the last eight years, he lived a life full of self-pity. Hindi na niya na-enjoy ang sarili niyang buhay because he was too immersed with the thought of being rejected and thinking that he wasn't good enough. Nabuhay siyang mag-isa at pinanindigan ang pagiging kaawa-awa. But this woman right in front of him... ipinamukha nito sa kanya na nabuhay siya for the past eight years sa maling paraan. Instead of sulking, sana ay gumawa na lang siya ng paraan to make himself feel better.

"I wish I have your personality. " saad niya habang nakatingin pa rin kay Cherima.

"Ano, puro kalokohan? "

Umiling siya. "no. Full of positive outlooks in life. " pagkatapos nito ay nginitian siya ng kausap at saka muling ipinagpatuloy ang paglilinis ng kanyang sugat.

"Okay na. " Cherima declared.

He said his thanks afterwards. Akmang aalis na si Cherima nang pigilin niya ito sa pamamagitan ng pagtatanong. "nga pala, are you okay? Pasensya na sa naging pag-uusap natin kanina. "

Hinarap siya nito muli at saka ikinumpas ang kanang kamay. "ano ka ba, okay lang ako. Nag-emote lang ako saglit pero ayos na ang pakiramdam ko. Naisip ko rin na dapat mo nga rin pala malaman iyon since kailangan mong kilalanin ang kasama mo sa bahay which is... ako. " anito at saka itinuro ang sarili.

Now, he felt at ease. Mabuti na lang at okay lang ang dalaga. Bringing the medicine kit in his hand, he stood up from his seat. "isasauli ko lang 'to, pagkatapos sabay na tayo kumain. I haven't eaten lunch yet, and I'm sure na ikaw din. "

"Ay, sige po. Iinitin ko lang saglit ang pagkain at iseserve ko na rin. " Cherima replied bago tumakbo papuntang kusina. "nagugutom na ako! " he heard her shouted.

Josefino lightly chuckled. 'She really is a ball of sunshine.'

Δ•Δ•Δ

After eating their lunch, Tinolang Asuos and rice, nagpresinta si Josefino na maghugas ng pinagkainan pero nagpumilit si Cherima at sinabing siya na raw ang gagawa nito. It seems that the girl really liked doing the household chores. Katulad ng nababasa ng doktor sa social media, sana all masipag sa gawaing bahay.

Nang matapos ito ay dumiretso na ang babae sa kanyang kwarto para raw maligo. He also went to his own room para naman manuod ng series sa Netflix. He was too engrossed on watching when he heard a knock. He clicked the pause button bago buksan ang kanyang pinto.

Bumungad sa kanya si Cherima na may towel pa sa kanyang buhok. He smelled the scent of vanilla and flowers na sa tingin niya'y galing sa shower gel na ginamit ng dalaga. Sweet.

"Uh... Doc? "

Oh, shoot. Natulala na naman ba siya sa dalaga? He asked himself what is his problem recently. Pasimula nang makita niya si Cherima ay madalas na siyang nagz-zone out. "w-what do you need from me? "

The woman smiled widely. "may laptop po ba kayo, Doc? "

He nodded. "bakit? "

"Pwede ko po bang mahiram? Makikigamit lang po sana ako to open my email account. Titingnan ko po kung may mga job openings at kung mayroon, maga-apply po sana ako online. "

"Ah, sure. Wait, kukunin ko. " tinungo niya ang kanyang desk at saka kinuha ang laptop. "nakaconnect na rin 'yan sa Wifi. "

Cherima gladly got the laptop from his hand. "ayon, thank you po! Pasensya na rin sa abala. Hindi ko kasi pwede buksan ang phone ko sa ngayon. Mas mabilis kasi akong mat-track ng Daddy ko kung gagawin ko iyon. "

Oh. "uh... sorry to ask you again, pero ayaw mo ba talagang kausapin man lang ang Daddy or Kuya mo? Kahit hindi mo ipaalam kung nasaan ka. Just inform them na nasa mabuting kalagayan ka. "

"E, gagamit pa rin ako ng gadget to communicate with them. They can still track me with it, you know? Kahit hindi cellphone ko ang gamitin. " Cherima said. "pero... saka na siguro kapag okay na ang lahat. "

Sumandal si Josefino sa hamba ng pinto and crossed his arms. "ipapaalam mo talaga? "

"Promise! " pahayag ng dalaga habang nakataas ang kaliwang kamay. "sorry hindi ko magamit ang kanang kamay ko dahil hinahawakan ko itong laptop. Pero I swear deep in my heart na I'll inform them when the right time comes. "

"Okay. " Josefino straightened up. "good luck sa paghahanap ng trabaho, Cherima. I hope you'll find a good job as soon as possible, at sana ay ito na rin ang maging simula para maabot mo ang pangarap mo. "

Cherima grinned. "sana nga. Thank you, Doc! "

God bless you, little one.

The Temporary Engagement [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon