Pagkabalik ni Josefino sa hospital ay pinaulanan siya ng maraming tanong mula sa mga nurse at kapwa niyang doktor. Everyone was curious kung sino ang babaeng kasama niya noong lunch break. Naalala ng iba na ito ang kasama niya nang araw na mabangga siya ng motor. Some speculated na mayroon na raw siyang girlfriend na ikinatuwa nang karamihan. Matagal-tagal na ring naghihintay ang kanyang mga katrabaho kung sino ang babaeng makabibighaning muli sa kanyang puso. But of course, sinabi niyang hindi niya nobya si Cherima at kaibigan niya lamang ito na siyang ikinadismaya ng mga nakarinig nito.
"Bagay pa naman kayo, Doc! "
"Oo nga, Doc. Pero malay niyo, siya na pala ang the one para sa'yo. "
Napailing si Josefino. "I just consider her as my friend and younger sister. We're better off that way. At saka may kalakihan din ang age gap namin so... I think hindi niya rin naman gugustuhin, if ever. Mas maganda nga namang maghanap ng lalaking halos kaedaran mo lang. "
"Sus, Doc, wala naman po sa edad 'yan. Yung iba mags-senior na nga lang, nagpapakasal at nagkakaanak pa! Love knows no boundaries naman po. Saka sabi nga po sa kanta, 'kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito'. " kinanta pa ng mga nurse ang huling parte ng pahayag.
He admits that he finds Cherima beautiful, attractively beautiful. But he just appreciates her beauty, no more, no less. Oo, napapatulala siya minsan sa ganda nito and he can't deny na busilak ang kalooban ng dalaga, but still... he thinks that he is not capable of loving someone at the moment. Maybe, not yet?
"Hay, naku. Oras ng trabaho ngayon so we need to work. Kayo talaga, ako na naman ang nakita niyo. " saway niya sa mga nurse.
"Naexcite lang naman kami, Doc. Ngayon ka lang kasi namin nakitang may kasamang babae. "
"Not once, but twice! "
"Pero sana talaga, Doc, siya na! Mukha namang mabait yung babae, saka maganda pa. "
"Basta kapag na-in love ka, Doc, ligawan mo agad! Huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano pa. Just follow your heart. "
Sabay-sabay na nagsitanguan ang mga nurse na kanyang kausap at saka nagpaalam sa kanya. Siya naman ay naiwan na nag-iisip.
May posibilidad nga bang mahalin niya ang dalagang kasama sa bahay? Is he capable of loving someone apart from his first love?
Δ•Δ•Δ
Kinabukasan, it's Josefino's free day from work. He woke up seeing a note from Cherima, saying that she already went to work at nakapaghanda na rin ito ng breakfast for him. Bigla niyang naalala na 7 AM nga pala ang pasok nito, at natapat na sa first shift ito napunta. He silently prayed na sana ay maging maayos ang first day of work ng dalaga.
Pagkabukas niya ng takip na nasa lamesa, nakita niyang mayroong 2 triangular slices of San Bernardino Sandwich sa pinggan. Nagtimpla siya ng tsokolate to match with it at syempre, kinain niya rin ang assorted sliced fruits na hinanda ni Cherima.
Pagkatapos hugasan ang kanyang pinagkainan, dumiretso siya sa sala upang manood sa TV—well, not really. He just used it as a "background " sound so he'll doesn't feel alone. Ang ginagawa niya talaga ay magbrowse sa kanyang social media accounts. He was busy checking out some new posts from those people na pinafollow niya sa Instagram. Bigla siyang natigilan nang makita niya ang isang photo of a familiar white sand beach. It has a caption 'Coming back soon. See you. ' with a Philippine flag emoji on the end.
Paulit-ulit niyang tiningnan ang picture, and read the caption. Hindi siya makapaniwala dahil after eight years, she'll finally come back in the country.
It was none other than her ex-fiancee, Syene Cierluan.
Δ•Δ•Δ
At 4 PM, dumating si Cherima with a wide smile plastered on her face. She seems so happy, contrary to what he is feeling right now.
"Hi, Doc! Musta? " masiglang bati sa kanya ng dalaga at saka inilapag ang gamit sa isang tabi. Pagkatapos ay tumabi ito sa kanya. "oh, bakit parang ang tamlay mo po yata? May problema ba? "
He didn't answer her question. Instead, he asked her. "kumusta ang first day ng trabaho mo? "
"Ayon, sobrang pagod... pero masaya! Grabe yung experience sa loob ng kitchen. Medyo nakakapressure, pero kinaya naman. Mukhang okay naman ang naging performance ko dahil hindi ako napagalitan. Mababait din ang mga katrabaho ko kaya magaan ang trabaho. Saka nakakatuwa, ah, ang dami palang kumakain sa Around the World in 80 Plates lalo na ngayong weekend! Puno yung restaurant lalo na noong lunch time, mukhang mahaba pa ang nasa waitlist. " marami pang ikinuwento ang dalaga sa kanya. Naririnig ito ng kanyang mga tenga, ngunit mukhang hindi ito napoproseso nang maayos ng kanyang isipan. His brain was too occupied with the shocking news na nalaman niya kanina. "...ahm, hello, Doc, are you with me? "
Napamulagat siya bigla nang ikaway ni Cherima ang kamay nito sa harap ng kanyang mukha. "sorry, may iniisip lang ako. "
"Naku, kung may problema ka po, Doc, sabihin mo lang, ha? Mahirap na isinasarili 'yan. " Cherima said with a hint of concern on her voice. "nga pala, kumusta yung niluto kong breakfast at lunch para sa'yo? Nagustuhan mo po ba? Mabilisan ko lang na ginawa 'yon kaninang umaga kaya iyon lang ang naprepare ko. "
"Masarap yung sandwich... pero 'di ko pa natitikman yung niluto mong lunch dahil hindi pa ako kumakain. "
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "ha?! Doc, past 4 PM na pero hindi ka pa rin kumakain? Nalipasan ka na niyan! " tumayo ang dalaga at saka kinuha ang kamay niya. Hinatak siya nito patayo. "hala, kain na po kayo roon. Sayang naman yung niluto kong Chicken Teriyaki at Buttered Vegetables kung hindi mo kakainin! "
Nagpatianod na lang siya sa pagkakahila ng dalaga. Pinaupo siya nito sa isang upuan sa dining table at saka kumuha ng kanyang pagkain. Kahit nasa kusina ito, patuloy pa rin ang naging pangangaral nito sa kanya. Kesyo Doctor daw siya pero siya mismo ang walang pakialam pagdating sa kalusugan niya, and other things. Sa ngayon, naisip niya na parang mas matanda pa si Cherima kaysa sa kanya.
"Oh, kain na po. Binudburan ko 'yan ng pampasaya para naman ngumiti ka na ulit at hindi mawalan ng gana. " ani Cherima pagkalapag ng plato ng pagkain sa kanyang harapan. "eat well! Pero, huwag mo po masyadong bibiglain ang tiyan mo dahil baka sumakit 'yan. "
Tumingin siya sa dalaga. "Salamat, Cherima. "
It's good na mayroon siyang nakakasama sa mga oras na ito to keep him from insanity. And thank God it was Cherima, the girl who can make him smile and accompany him amidst serious problems.
BINABASA MO ANG
The Temporary Engagement [EDITING]
RomanceNang maramdaman ni Cherima Aster na ipapakasal na siya ng kanyang Daddy sa isang lalaki that she despises that much, nagpasya na siyang umalis sa poder nito and live independently. Habang naghahanap ng matutuluyan, sakto namang nakatagpo niya ng lan...
![The Temporary Engagement [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/195224164-64-k71038.jpg)