"So... we're here. "
Kumabog ang dibdib ni Cherima nang marinig iyon kay Doc Josefino na nasa driver's seat. Nandito sila ngayon sa tapat ng Around the World in 80 Plates, ang restaurant na paga-apply-an niya.
It was yesterday when she received an email, informing her na mayroon siyang interview this day at 8 AM. Sobrang galak ang kanyang naramdaman when she saw the mail. Malakas ang kutob niya na ito na ang magiging simula ng career niya as a chef.
"Gosh, kinakabahan ako, Doc! Sa tingin mo, matatanggap ako? " aniya habang marahang pinupukpok ang dibdib.
"Oo naman, ikaw pa. Kaya mo 'yan. " sagot sa kanya ng lalaki at saka siya binigyan ng encouraging smile. "akala ko ba sure ka na makakapasok ka? Sabi mo pa nga kahapon, destined ka para sa restaurant na 'yan. "
Napangiwi siya. "e syempre, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. "
"Don't be. "
"Okay! " pahayag ni Cherima at saka inunat ang kanyang suot na damit. "keri ko 'to. Sige, Doc, bababa na po ako. Maraming salamat sa paghahatid mo sa akin dito. Nakakatouch po ang walang sawa niyong pagsuporta at pagmomotivate sa akin. "
Tumango si Doc. "you're welcome. Basta, galingan mo ha? "
"Oo naman, yes! " binuksan na ni Cherima ang pinto ng kotse at saka bumaba. Pagkasara niya rito, she waved good bye. "ingat po, Doc! "
Mabuti na lang din talaga on the way ang restaurant na kanyang paga-apply-an sa Flaviano Hospital kaya nagawa pa siyang idaan ng doktor. Menos gastos dahil nakatipid siya ng pamasahe.
Hawak niya ang isang long brown envelope na naglalaman ng kanyang resumé sa kanyang kaliwang kamay. She walked towards the restaurant's entrance at nang marating ito, hinawakan niya ang handle ng glass door para pumasok with her right hand. Natigilan siya nang maramdamang another hand was holding it.
"Sorry. "
"I'm sorry! "
Nagkatinginan sila ng lalaking kasabay niyang humawak sa handle. Agad silang bumitaw pareho mula sa pagkakahawak. It was really awkward lalo na nang magkasabay silang nag-apologize. She gave the man a slight smile. 'Ang gwapo ni Kuya! ' sabi niya sa kanyang isip.
"You go first, Miss. " anito sa kanya with an angelic voice. Hulog ng langit!
The man opened the glass door for her. She murmured her thanks at saka pumasok sa loob ng restaurant. Muntik na niyang mabatukan ang sarili dahil naging pabebe siya all of a sudden. Nakakita lang ng gwapo!
'Pero gentleman siya at mukhang mabait din! You can't blame me! ' depensa ng isang parte ng kanyang utak. Now she's having an internal debate!
Pagkapasok niya at pagkasabing mayroon siyang interview, she was directed into the HR room. Ilang minuto lamang ang hinintay niya at tinawag na rin siya upang pumasok.
And thank heavens, the interview went well! She was hired as the Prep Cook na siyang tutulong sa mga Line Cooks sa paghahanda ng pagkaing lulutuin. Hindi man ito mataas na posisyon, ay malaki pa rin ang pagpapasalamat niya dahil sa wakas ay nalinya na ang kanyang trabaho sa kanyang pangarap at gusto. Very urgent ang paghahanap ng pupunan sa job position kaya hindi na pinatagal ang announcement kung tanggap ba siya o hindi. Ngunit oobserbahan pa rin ang kanyang performance sa trabaho in the mean time.
Pagkatapos nito, inorient na rin siya sa mga gagawin niyang trabaho and she was toured in the kitchen, and also on the whole restaurant to familiarize. Nakilala na rin niya ang mga magiging katrabaho niya and she was warmly welcomed. Ibinigay na rin sa kanya ang kanyang uniform and she's informed na bukas na bukas din ay magsisimula na siyang magtrabaho.
BINABASA MO ANG
The Temporary Engagement [EDITING]
RomanceNang maramdaman ni Cherima Aster na ipapakasal na siya ng kanyang Daddy sa isang lalaki that she despises that much, nagpasya na siyang umalis sa poder nito and live independently. Habang naghahanap ng matutuluyan, sakto namang nakatagpo niya ng lan...
![The Temporary Engagement [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/195224164-64-k71038.jpg)