Chapter 4

264 9 0
                                        

The next day, Josefino woke up na mataas na ang araw. Noong tiningnan niya ang orasan na nasa itaas ng kanyang bedside table, it said that it's already 10:30 AM. Kaya pala kumukulo na ang tiyan niya.

Pagkatapos ayusin ang kanyang kama at kanyang sarili, he went down at dumiretso sa kitchen. Sa bungad pa lamang nito, he smelled something delicious. Mas kumalam ang tiyan niya.

"Ang lakas ng tunog no'n, ah! " he saw Cherima na nasa tapat ng stove at nagluluto. "good morning, Doc! Saglit na lang po itong niluluto ko, matatapos na rin ako. "

He just nodded at tumungo sa dining table. While waiting for his food, pinagmasdan niya ang dalaga since he can see her from where he is right now. Mukha talagang kabisadong-kabisado na nito ang bawat gagawin and she seemed to be too focused about it. Ngayon ay nakikita niya nang maayos ang itsura ni Cherima because her hair was tied into a bun. Nakakunot pa ang noo nito ngayon habang nilalagay ang isang unfamiliar yellow sauce sa itaas ng ginawa nito.

"Tapos na!" she announced. Tinanggal nito ang suot na apron, pagkatapos ay pinunasan ang pawis sa kanyang noo at leeg. Tinanggal din nito ang pagkakatali ng kanyang buhok, revealing her dark brown, wavy hair. Napalunok si Josefino and didn't peel off his gaze at the lady.

With the dish on her hand, lumapit na sa kanyang kinapupwestuhan si Cherima at inilapag ang pagkain sa kanyang harapan. "this is Tapa Benedict, Filipino style. Kain na po, Doc! " she presented. Napansin ni Cherima na nakatingin lamang sa kanya ang lalaking kaharap. "ahh... Doc? Yuhoo! Okay ka lang ba? " she asked him while waving her hand sa harap ng mukha ng lalaki. "ayaw mo ba ng pagkain? "

Josefino came back to his senses. 'Damn. Nakita niya ba akong nakatulala sa kanya? ' he asked himself. He cleared his throat and averted his gaze. "o-okay lang ang pagkain. Thank you. "

"Ayon! Sige po, kain ka na! " Cherima cheerfully said. Mapaumaga, mapagabi, hindi ba talaga nauubusan ng energy ang babaeng ito?

He sliced a portion of the Tapa Benedict. Sa taas ng pandesal ay mayroong tapa, poached egg, and the yellow sauce na inilagay kanina ni Cherima. "ano itong sauce? " he inquired.

"Hollandaise sauce po 'yan. It is made of egg yolks, melted butter and lemon juice. "

Hmm, sounds delicious. Akmang isusubo na niya ang pagkain ngunit natigilan siya nang maramdaman na nakatitig sa kanya nang mainam si Cherima. "why are you staring at me? "

"Syempre po. Titingnan ko yung magiging reaksyon mo sa niluto ko para malaman ko kung pasado ba sa panlasa mo. Tititigan ko ang mga mata mo at aalamin kung manlalaki ba ito sa gulat dahil sa sarap, aalamin ko kung ngunguyain mo ba ng matagal ang pagkain just to savor its taste. Basta, I'll observe you. "

"Can you just... can you just look away? Sasabihin ko na lang sa'yo kung okay ba or what. " pero base sa looks at amoy ng pagkain, he can already tell that it's delicious.

"Bakit po, nahihiya ka? "

"What?! " he exclaimed. "uhm... no. I'll just eat. Ikaw din, kumain ka na. "

"Nakakain na po ako kanina pa. " she said. "ay! Oo nga pala, I brewed some coffee. May nakita po kasi akong kapeng barako diyan sa kitchen cabinet. Wait, ikukuha po kita. Bagay 'yan sa kinakain mo, pampatanggal umay. "

Nang makaalis ito, he finally had the freedom to eat nang walang nakatingin. God, ang sarap. Ngayon lamang siya nakatikim ng Tapa Benedict, and it's now his favorite food.

"Masarap po, 'di ba? Nagustuhan mo po, 'di ba? "

Nabitin sa ere ang dapat sana'y isusubo niya. All this time, pinagmamasdan lang pala siya ni Cherima from the kitchen!

Wala na siyang ibang nagawa kundi tumango. Well, masarap naman talaga.

Bumalik na si Cherima at dala na ngayon ang isang tasang kape. The smell of the coffee filled the whole room. He suddenly felt relaxed.

"Thank you for preparing the food. "

"Well, that's my job! " ani ng dalaga. "nga pala, ipinaghiwa po kita ng fruits, inilagay ko lang muna sa ref. Puro protein kasi at carbs ang pagkain. "

"Okay. " he answered. Ibinaba niya muna saglit ang kanyang utensils sa plato before asking. "mahirap bang gawin 'tong Tapa Benedict? "

"Naku, basic pa po 'yan! Marami pang pagkain ang mas matrabahong iprepare. "

Basic pa lang ito but it already tastes good. So ibig sabihin, mayroon pang kayang lutuin ang dalaga na mas masarap pa kaysa rito?

If that's so, baka isang buwan pa lang silang magkasama e tumaba na siya agad.

Δ•Δ•Δ

After his late breakfast, Josefino went to his room at iniwan si Cherima na sinabing maglilinis daw muna ng bahay. He opened his laptop, clicked the Google icon, and typed something on the search bar.

'Cherima Aster Zaldarriaga'

A few seconds later, maraming resulta ang lumabas. He opened some sites na sa tingin niya ay may reliable information. Bumungad sa kanya ang pangalan ng dalaga with her picture. Ibang-iba ang dating nito roon dahil sa magarang damit na suot nito which is really different from what she is wearing right now—very simple and ordinary.

He scrolled down. Base sa article, anak ito ni Carlitos Zaldarriaga, isa sa mga pinakamayaman sa probinsya ng Excelsi.

Sunod naman niyang sinearch ang tatay ni Cherima.

And he was shocked on what he saw.

The Temporary Engagement [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon