"Ang bongga ng bahay mo, Doc! Sure ka po bang ikaw lang mag-isa rito? E kahit sampung tao kakasya rito! "
Hindi naman sa kanyang pagmamayabang, pero Doc Delos Santos' house was smaller than theirs ngunit hindi niya mapigilang mamangha. It's very simple, yet elegant. Okay naman sana, kumpleto sa gamit at very comfy ang dating kaso parang may kulang pa rin.
"Walong taon na akong mag-isa na nakatira rito. Ang mga magulang ko kasi ay sa probinsya nakatira. "
"Hindi ka po ba nalulungkot na ikaw lang ang nandito? Iba pa rin po na may kasama sa bahay. "
"Nasanay na ako."
"Pero malay mo po, Doc, all this time may kasama ka po pala talaga dito sa bahay mo. Palagi kang pinagmamasdan, binabantayan ang lahat ng galaw mo... " Cherima said the words slowly "...nararamdaman mo siya pero hindi mo nakikita... in short, isa siyang multo! Awoooo~"
"I don't believe in ghosts, Cherima. " Doc answered her. "follow me. I'll take you to your room. "
Nagtungo sila sa may hagdan pero bago sila umakyat, namataan ni Cherima ang kitchen. This is heaven! Mayroon itong range, mixer, microwave oven at iba pang utensils and equipment. Kumpletong-kumpleto! At pak na pak dahil double-door ang refrigerator nito at hula niya ay puno ito ng supplies. She squealed in delight. Excited na siyang magamit ito!
"Why do you look so happy? "
"Doc, ang ganda po ng kitchen mo! Pwede naman po ako magluto roon, 'di ba? "
Sinagot siya nito ng tango. "of course, you may. Do you know how to cook? "
"Yes na yes! Nagtapos po ako ng Culinary Arts. Sanay din po ako magbake. " Cherima proudly stated. Aba, noong nag-OJT nga siya ay muntik pa siyang i-absorb at pagtrabahuin sa pinasukan niya dahil sa galing niyang magluto. Kundi lang siya hinarang ng Kuya at Daddy niya ay malamang na hanggang ngayon ay doon pa rin siya nagtatrabaho.
Nang makaakyat ay kumanan sila. Tumigil sila sa isang pinto na siyang binuksan ni Doc Delos Santos at pagkatapos ay ibinigay nito sa kanya ang susi. "here's your room. Ikaw ang pinakaunang gagamit niyan. "
Kahit ilang taong walang gumamit nito, masasabi niyang well-maintained ang kwarto. Hindi man lang kumupas ang kulay ng dingding at napakalinis, walang trace ng alikabok o agiw. Mayroon din itong sariling bathroom. Ayos!
"Okay ka na ba rito? "
Pailang ulit na tumango si Cherima at saka nag-thumbs up. "okay na okay po, Doc. Salamat! "
"Basta if you need something, nandoon lang ang room ko sa left side na kahanay nitong kwarto mo. " he paused at saka tumingin sa relo nito. "it's almost 3 AM. Magpahinga ka na, Cherima. I'll go to my room. "
Tinungo na ni Doc ang pintuan, ngunit bago ito makalabas ay tinawag ito ni Cherima.
"Doc Josefino Graciano Calixto! "
Nilingon siya nito.
"Good night po. Thank you, thank you! "
For the first time since they met, she saw Doc Delos Santos smile. "good night, too, Cherima. Thank you, thank you rin. " then after this, he closed her room's door.
Inilapag muna ni Cherima ang kanyang mga gamit sa isang sulok at napagpasyahan na bukas na lang ayusin ang mga ito. She's dead tired! Tinungo niya ang kama at nahiga rito. Naramdaman niya ang lambot nito at naamoy niya ang bango from its sheets. Mas naramdaman niya ang pagod nang mahiga siya. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pagbigat ng kanyang mga talukap. Kaunti na lang ay magsasara na nang tuluyan ang kanyang mga mata pero...
"No, no, no! Bawal pa ako matulog. Kailangan ko muna magpalit ng damit at maghilamos. Napakaraming dumi ang kumapit sa damit ko na 'to for the whole day!"
Kinuha niya sa kanyang bag ang dala niyang damit-pamalit at saka nagtungo sa banyo. Nang maghihilamos na siya ay bigla siyang natigilan.
"Shet. Nakalimutan kong dalhin ang
mga skin care essentials ko. Paano na ang aking clear skin? "
In the end, naisip na lang niya na iyon ang bilhin sa kanyang magiging unang sweldo kasama ang mga bagong damit.
BINABASA MO ANG
The Temporary Engagement [EDITING]
RomanceNang maramdaman ni Cherima Aster na ipapakasal na siya ng kanyang Daddy sa isang lalaki that she despises that much, nagpasya na siyang umalis sa poder nito and live independently. Habang naghahanap ng matutuluyan, sakto namang nakatagpo niya ng lan...
![The Temporary Engagement [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/195224164-64-k71038.jpg)