"ZIMZALABIM, ZIM-ZIMZALABIM, ZIM-ZIMZALABIM, ZIM-ZIM~"
Five consecutive days nang naririnig ni Josefino ang KPOP song na iyan na ipinapatugtog ni Cherima sa YouTube ng kanyang Smart TV sa sala. Sa tuwing dumarating siya mula sa trabaho, ang bumubungad sa kanya ay ang dalaga na naglilinis habang nakikinig o kaya naman ay nakikisabay sa kanta, katulad ngayon.
He can't understand the lyrics, but he can say that it is a feel good song. He tried asking Cherima what is the meaning of the song but she only answered, "pwede po bang i-search mo na lang sa Google? Type mo po, 'Zimzalabim Lyrics English Translation' "
At doon na siya nagsimulang magtaka.
If it was a normal day, Cherima would tell and explain it to him in the most detailed way with enthusiasm. But now, he can sense that there's something wrong with the girl.
Nasa kalagitnaan ito ng pagpupunas ng mga non-existent na alikabok sa mga furnitures nang kinalabit niya ito. Cherima turned to him with an asking look on her face.
"Okay ka lang ba? " he asked. "ilang araw ko nang napapansin na may iba sa'yo. Is there something bothering you? "
She was about to answer his question nang marinig nila ang pagtunog ng doorbell. Titingnan na niya sana kung sino ang nasa labas nang unahan na siya ni Cherima.
"A-ako na! Ako na magbubukas, Doc. " ani ng dalaga at saka patakbong lumabas.
Walang inaasahang bisita si Josefino, so that means na it was Cherima who's expecting someone?
Sumunod na siya sa paglabas upang sumilip. Mula sa pintuan ng bahay ay natanaw niya na mayroong isang lalaki on a black suit na nasa labas ng gate.
"Kuya, tinotoo mo talaga ang pagpunta? " mahinang sabi ni Cherima ngunit may diin. She didn't have to whisper if he can still hear it, anyway. "Kuya, nakita at nalaman mo na po kung saan ako nakatira. Hindi ka pa po ba aalis? "
"No. " the man sternly said. "gusto kong makita ang lalaking kasama mo rito sa bahay. I want to talk to him. "
That became his cue para magpakita sa lalaking bisita ni Cherima. Binigyan siya ng dalaga ng isang tingin na tila ba'y pinapabalik na siya sa loob ng bahay, pero hindi niya ito pinansin. "Cherima, bakit hindi mo papasukin ang bisita mo? " that was meant for Cherima, pero the whole time he said it ay nakatingin siya sa lalaki. Upon hearing this, Cherima immediately opened the gate.
Inayos ni Josefino ang kanyang tindig at hinarap ang lalaki. Base sa itsura nito, mukhang mas bata ito sa kanya, ngunit hindi siguro nagkakalayo ang kanilang mga edad. Masusi rin siyang tiningnan ng lalaki bago ito nagsalita. "Cherima, baka gusto mo akong ipakilala sa kasama mo? "
"Ah... o-opo, " nauutal na sabi ni Cherima. "Doc, siya po ang Kuya ko, si Chardone Asher Zaldarriaga. "
So this man in front of him is Cherima's older brother. Ito pala ang kinukwento ng dalaga sa kanya. Mukha nga itong strikto at parang ipinaglihi sa sama ng loob.
"Kuya, siya po si Doc Josefino Graciano-"
"Alam ko. " pagpuputol ng Kuya ni Cherima sa pagpapakilala sa kanya. So, nagresearch na ang lalaking ito tungkol sa kanya? "hindi niyo ba ako iimbitahan na pumasok sa loob ng bahay? Napagod ako sa byahe. "
Napakunot ang noo ni Josefino. Ilang minuto pa lamang niyang nakakasama ang Chardone na ito ngunit gusto na niya ito agad paalisin sa bahay niya. But he can't.
Tumingin sa kanya si Cherima, as if asking kung papayag siya sa gusto ng Kuya nito. He just nodded.
"Kuya, tuloy ka po. "
BINABASA MO ANG
The Temporary Engagement [EDITING]
RomansaNang maramdaman ni Cherima Aster na ipapakasal na siya ng kanyang Daddy sa isang lalaki that she despises that much, nagpasya na siyang umalis sa poder nito and live independently. Habang naghahanap ng matutuluyan, sakto namang nakatagpo niya ng lan...
![The Temporary Engagement [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/195224164-64-k71038.jpg)