Cherima and Josefino were now heading to the apartelle na pansamantalang tutuluyan nila—well, mostly pag-iiwanan lamang nila ng gamit for the meantime. Uuwi din kasi sila before midnight dahil may pasok pa kinabukasan sa ospital si Josefino. Mula sa Andrada Airport ay kinakailangan nilang sumakay ng jeep patungo sa bayan ng Canossa, ang sentro ng lugar. Magkatabi ngayon ang dalawa sa isang makulay na mini jeep.
"Ang cute naman ng jeep na 'to! Punggok. " pahayag ni Cherima habang binibilang sa kanyang isip kung ilan ang pasaherong kaya isakay ng dyip. Sampu, kasama sila.
Nang matapos ay nilingon niya ang kanyang kaliwa kung nasaan si Josefino. Nakita niya itong abalang-abala sa paglalaro sa cellphone nito. "Doc, Candy Crush Saga? Kasama ka talaga sa Titos of Jusean, e! Alam mo bang 'yan ang nilalaro ng mga Tita ko? " bulong niya sa katabi.
Ini-swipe ng lalaki ang isang red striped candy at ito ang nagpanalo rito. Nakita niya sa screen ang mga salitang sweet, tasty, delicious at divine. "so anong sinasabi mo, pang-matanda ang laro na 'to? " tanong sa kanya ni Doc Josefino habang pinaninigkitan siya ng mata.
Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti. "hehe. Joke lang naman! Ikaw naman, 'di mabiro. " 'kapag naasar sa'yo 'yan, baka hindi ka na ilibre niyan! ' isip-isip ni Cherima.
Makalipas ang sampung minuto, narating na nila ang apartelle. Walang mga hotel sa nasabing bayan kaya doon na lamang nila napagdesisyunan na manuluyan. Tila isang bahay na rin ito dahil mayroon itong kitchen, sala, comfort rooms at dalawang kwarto.
Inilapag at inayos lamang nila ang kanilang mga gamit at nagpahinga saglit bago naisipang lumabas upang kumain. Nagtungo sila sa isang sikat na Bulalohan sa lugar. They have ordered plenty of foods aside from Bulalo at maraming natira, kaya ipinabalot nila ito para may kakainin na rin sila mamaya. After they ate, Cherima asked Josefino where they will be heading next.
"Doc, saan tayo? "
"Diretso na tayo sa Marina. Pupunta na tayo ng port upang makasakay ng bangka patungo roon, " Josefino answered. "balita ko, maganda raw ang sunset doon. Kailangan na nating tumungo roon para maabutan natin ang simula ng paglubog ng araw. Alas dos na rin naman ng tanghali. "
Cherima slightly raised her eyebrow. Duh! Base sa nabasa niya from the internet, it only takes an half an hour para makapunta sa nasabing isla from where they are right now. So, alas dos y media pa lamang ng hapon ay nandoon na sila. E alas singko o alas sais pa ang sunset, 'no!
'Siguro ay may nil-look forward lang 'tong makita roon. ' hinuha ng dalaga, pero hindi niya maisip kung ano talaga ang sadya roon ng Doktor.
Naantala ang kanyang pag-iisip nang humampas sa kanyang mukha ang sariling buhok dahil sa malakas na hangin. Halos makain na niya ang ilan sa mga ito. "pwe! Ano ba 'to? " inipon niya ang kanyang kulot na buhok gamit ang kamay at saka hinayaang dumantay ito sa kanyang kaliwang balikat.
Mula sa paglinga-linga sa paligid, bigla siyang hinawakan sa braso ni Josefino na siyang ikinagulat niya nang bahagya. "tara doon sa may tindahan. " anito sa kanya at saka siya hinatak.
Nagtataka man ay nagpahila na lamang si Cherima. When they reached the store, binitawan siya ng lalaki. Josefino was searching for something at hindi niya alam kung ano ito since hindi naman nito nabanggit sa kanya. Upang malibang, inilibot niya ang tingin sa bawat item sa store. Kung may sapat lang siyang pera ay bibilhin niya ang isang cute Andrada T-shirt, kaso ay next week pa bago niya makuha ang una niyang sweldo.
"Babalikan kita next time, " mahinang sabi ni Cherima habang unti-unting inaalis ang tingin sa shirt.
"Cherima. " dinig niyang tawag sa kanya ni Josefino na pumukaw ng atensyon niya. Pagkalingon ng dalaga ay nasa likuran na niya ang Doktor. Ipinakita nito sa kanya ang isang blue green na panali sa buhok na mayroong maliliit na kabibeng disenyo. "gamitin mo para hindi na masyadong liparin 'yang kulot mong buhok. " anito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/195224164-288-k71038.jpg)
BINABASA MO ANG
The Temporary Engagement [EDITING]
RomansaNang maramdaman ni Cherima Aster na ipapakasal na siya ng kanyang Daddy sa isang lalaki that she despises that much, nagpasya na siyang umalis sa poder nito and live independently. Habang naghahanap ng matutuluyan, sakto namang nakatagpo niya ng lan...