Chapter 9

227 9 0
                                        

Abala si Cherima sa paga-assist sa kanilang Line Cook when someone called out her name.

"Cherima, pinapatawag ka ni Sir Kalyke sa labas. "

Biglang nilukob ng kaba ang kanyang dibdib. Bakit naman siya ipapatawag ng kanilang GM? Inalala niya bigla ang mga ginawa niya sa trabaho, starting from the first day of her work. Sa tingin niya'y wala naman siyang ginawang kapalpakan.

Kahit hindi mapakali, agad na rin siyang sumunod at lumabas ng kitchen. Hinanap agad ng kanyang mata ang kanilang General Manager. She found him near the reception area at nilapitan niya ito.

"Sir, pinapatawag niyo raw po ako? "

"Yes, Ms. Zaldarriaga. "

"B-bakit po? May nagawa po ba akong mali? " she nervously asked. "sisisantihin niyo na po ba ako? "

The GM smiled and shook his head. "of course, not. Sa totoo lang, maganda ang feedback sa'yo ng mga katrabaho mo. Very effective ka raw sa kusina. " he paused then continued. "kaya kita pinatawag dahil may naghahanap sa'yo na isang customer. His table number is 23, the one on the corner near the window. He is wearing a black suit, looks like a businessman. "

Sino naman kayang naghahanap sa kanya? Hindi kaya si... ipinilig niya ang kanyang ulo. It's not him, right? "a-ah, sige po. Pupuntahan ko na lang yung customer. "

Tinanguan lamang siya ng kanyang boss. And just what like she said, naglakad na siya patungo sa table number 23. Mula pa lamang sa malayo ay natanaw na niya kung sino ito.

She expected na ang Daddy niya ang naghahanap sa kanya, pero hindi iyon ang nadatnan niya. Hindi niya alam if it's a good thing or a bad thing na ang Kuya niya ang naririto ngayon.

She called out his brother's name the moment she came where he is. "Kuya Don. "

Nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang kanyang mata. "so, you work here? "

"Hindi mo man lang po ba ako kukumustahin? " she inquired.

"Kailangan pa ba 'yon? Seeing you now, I can say that you are fine. "

"Hindi mo po ba ako pauupuin muna? "

"Whatever suits you. " walang emosyong sagot ng kanyang Kuya. Naupo siya sa upuang nasa harap nito. "I should be the one asking questions, not you. "

"Ano po bang gusto mong malaman? At paano mo ako nahanap? "

"Magtatago ka na lang kasi, dito pa sa lugar kung saan balak itayo ang new branch ng Goldenleaf. Hindi ba't alam mo ang mga plano ng kumpanya? " uminom ang kanyang Kuya ng tubig mula sa baso at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "oh, I forgot. Hindi mo nga pala alam iyon dahil three days ago lang naapprove ang project na iyon. Wala ka na nga pala sa kumpanya dahil nagfile ka na ng resignation at naglayas ka. Running away from your responsibilities? So immature, Cherima. "

"Kuya... I can't take it anymore. Sa totoo lang po, masyado na akong nasasakal sa inyo ni Daddy. You practically planned out everything in my life to the point na I don't have the freedom to decide for myself. Ni minsan po ba ay tinanong niyo ako kung gusto ko po ba ang mga pinapagawa niyo sa akin? " malumanay na sabi ni Cherima kahit sa totoo lang ay nanggigigil na siya. Naikuyom niya ang palad niya. "dalawampu't limang taon na po akong naging sunud-sunuran sa inyo kaya po please, ibalato niyo na sa akin ito. Let me live my life the way I want it to be. "

"Hindi pa ba sapat na sinuway mo ang gusto namin ng Daddy na kumuha ka ng Business Administration noong kolehiyo ka? Sinayang mo lang ang pera ng pamilya natin para kumuha ng isang kurso na hindi mo naman magagamit para sa kumpanya natin! " halata na rin ang panggigigil sa boses ng Kuya niya. "Daddy's waiting for you to come back. Huwag ka na magpasaway pa, Cherima. Sumama ka na sa akin pauwi ng Excelsi. "

The Temporary Engagement [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon