Missed 3

321 4 0
                                    

Reality ~

MISSY's POV

"Ugghh!!!" Hinga ng malalim, Sisa. Kaya mo 'to.

"Uuaaaggghh!!!" Bumilis ang paghinga ko dahil sa unti-unti ko nang naaabot ang goal ko. Konti nalang.. konti nalang..

"WAAAHHH!! I DID IT!" Nagtatalon-talon pa ako sa tabi ng dumble na nasa harapan ko.

Tagaktak na ang pawis ko kakabuhat ng dumbles na ang bibigat! 20 Kilos! Waaahhh!! Ang bigat talaga! Kasi naman, napag-tripan kong mag-gym kahit na pisngi ko lang naman ang mataba sa katawan ko, bored na bored na bored lang talaga ako dahil sa wala na akong ginawa sa loob ng isang buwan kundi ang tumambay sa kwarto ko.

"You're sweaty." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. In fairness, gwapo, matcho at mukhang mayaman. Ang ganda ko talaga dahil napapansin ako ng mga gwapo! Ahihihi.

"Ah, yeah." Syempre, hindi dapat maging aggressive dahil baka sadyang friendly lang si kuyang Pogi.

"I'm Derek, by the way."

"Derek Ramsay?" Nakangiti kong tanong na ikina-iling niya. Syempre hindi, Sisa, mas hot ata kaysa kay Derek ang isang 'to eh.. ma-ala Chris Evan ang datingan!! Sharap pisilin ng pisngi!!

"Nah, Derek Avelino." Tumango-tango pa ako habang nakikipag-shake hands sa kanya.

"Mga gwapo pala ang mga Avelino no?" I joked. Kasi naman, ang gwapo kaya ni Paulo Avelino! Tapos joke rin yun!

"I'll take that as a compliment, yeah?"

"You should." Geez, dahil sa kagwapuhan ni Derek eh pinagtitinginan na kami ng mga class A bitches dito sa gym. Parang mga lamok lang na naghihintay ng timing para mangagat. O hindi kaya mga langaw na naghihintay ng 'coast is clear' bago dumapo. Jusme!

"Yeah. Sige, mauna na ako." "

"I still haven't got your name!" Napahinto ako sa paglalakad tsaka hinarap ulit si Derek not Ramsay but Avelino. I smiled at him tapos ay kinindatan siya. Bawal ang name! Awwiii!!

NAPAYAKAP ako sa sarili kong makalabas ako ng gym. Cold wind enveloped me with open arms kaya mabilis kong inayos ang scarf na suot ko. Ang ginaaawww!!

Pa-sway-sway pa ako habang naglalakad papunta sa PINOY's, a Filipino restaurant here in Korea. Maliit lang siya at hindi lang mga Pilipino ang kumakain rito, pati mga Koryano tsaka mga dayuhan nakiki-food adventure din. Puro Filipino dishes ang niluluto dito like Adobo, Pakbet, Pansit, Ginataan, Bicol Express tapos may mga pares rin like tapsilog, longsilog, hotsilog and many more. Pero kung trip mong mag kimchi at kimbap, pwede rin naman dahil meron din sila nun.

"Hello! I'm back mga kapatid!!" I cheered as I entered the restaurant. Agad na napatingin sa gawi ko ang ilang mga costumers pati na ang staffs na puro pinoy.

Kilala na ako ng mga staff dito, eh sa araw-araw ba naman na pagkain ko dito, hindi nila ako makilala?

"Hi, Sisa! Usual pa rin ba?" Tinanguhan ko si Loren. Tumutulong siya dito. Mabait siya, maganda, at asawa niya ang may ari ng lugar na ito. Korean yung si Samuel at gwapo, pinatayuan niya pa ng negosyo si Loren dito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang order ko. Usual order ko. Dalawang oder ng rice, isang piraso ng pritong tuyo at ginataang monggo. My yummy pair! Mabilis ko iyong nilantakan kahit na may nakatingin sa akin. Bahal sila sa buhay nila, gutom na ako.

I was in the middle of eating when my phone suddenly rang. Sandali akong napapikit bago ko tuluyang kinuha mula sa bulsa ko ang cellphone ko.

Bestfriend👭 calling.....

Samaniego Side Story 3: Missed Miss MissyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon