Missed 24

142 2 0
                                    

Epilogue ~

We belong~

(Waahh!! We're so happy for you, Missy!) Napangiti ako sa sinabi ni Heidi, Maurice's wife. Naka-videocall kasi kami ngayon dahil ibinalita ko sa kanila ang masayang nangyari kagabi.

(Kailan ang kasal?!) excited na tanong ni Sia na ikinailing ko lang. Wala pa kaming napag-usapan ni Agust sa date pero magpapakasal kami. Yun ang mahalaga sa akin.

"We haven't talk about it. I just told you because I think you should know." Para na rin hindi na nil ako itulak-tulak sa sakit sa ulong si Vairel. Nasaan na naman kaya ang hinayupak na yun?! Hindi man lang sinasagot ang mga tawag ko, bwisit.

(Syempre, dapat alam namin!! Yieeeh! Basta invited kami, a!!) Malamang. Sasabihin ko ba sila kung hindi?!

"Syempre naman. Ninang kayo, ha?" I joked, making the two of them frown. Biro lang naman. Tsaka ayaw ko silang gawing ninang sa kasal dahil wala naman silang maipapayong maganda.

"Hindi pa rin siya nagpapakita?" naitanong ko nang mapunta kay Vairel ang usapan namin. The hardheaded guy hasn't shown himself. Nandun lang naman daw sa restaurant niya ang kaso hindi nila makausap. Kung hindi busy ay lasing. Seriously, ano bang ginagawa ng lalakeng yun sa buhay niya?!

(Yep. But he already stopped looking for Fely. Ang sabi naman ni Reggie ay talagang busy lang siya sa negosyo niya, idagdag pa ang kumpanya.) I nodded. Kung ganun ay sana umayos na rin siya. Vairel might be hardheaded but he's soft. Alam kong nami-miss lang nun si Fely. I wonder where she is. That witch!! Lagot talaga sa akin ang bruhang yun! I can't believe she just suddenly disappeared!!

"Kakausapin ko na lang din siya. Uuwi rin naman ako sa susunod na buwan." Nag-usao pa kami tungkol sa kung-anu ano. Yana and Mara, as well as Guia joined us. I'm glad that can now smile even though Comet has already passed away. She's pregnant with her second child with Zander at masaya ako dahil sa wakas, magkakaroon na sila ng happy ending. Our call ended eventually. Gustuhin ko mang maka-usap pa sila ng mas matagal ay hindi na rin pwede dahil busy rin sila. Heidi runs a café called Heirs. Ang alam ko ay kasosuo niya run ang iba pang mga babae kaya maganda. Dadalaw rin ako dun minsan.

I zipped my sport's bag and went to the gym near my apartment. Medyo matagal na rin akong hindi nakakapag-gym dahil na rin wala akong time. Nung naglalakbay pa ako, wow sa naglalakbay. Manlalakbay ka, Sisa? Basta, nun... Nung gumagala pa ako worldwide, wala akong time mag-gym. Nakakapag-exercise lang ako kapag nasa London ako. Tapos, nang makabalik naman ako ng Korea ay naging busy run ako kay Agust, syempre, uunahin ko yun dahil kung hindi, baka hindi na ako tanggapin.

"Sisa!! Wow, I thought I won't see you again." Nginitian ko lang si Grace, nakilala ko siya noon dito sa gym rin dahil lagi siya dito. Akala ko rin hindi ko na siya ulit makikita.

"Me too! How have you been?" bumeso ako sa kanya dahil na-miss ko rin siya. Mabait kasi si Grace at ilang beses na rin siyang pumaroo't pumarito sa Pilipinas. Gaya ko, gala rin siya, ang pinagkaiba lang namin ay ako, worldwide ang map, siya naman, Asia lang.

"I've been good! I got married!" She announced making my eyes widen.

"Oh my. Really? Congratulations!" Doon magsimula ang kwentuhan namin. She accompanied me with my routine, dada lang siya ng dada habang ako paminsan-minsan ay nagkukwento rin. She's very talkative but in a positive way, hindi siya pilit. She's a natural talker.

Samaniego Side Story 3: Missed Miss MissyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon