Missed 15

142 4 0
                                    

Our path~

Mabilis ang naging takbo nang panahon. Two years had past and I am now living my life to the fullest.

"Sisa!! I saw a hotdog stand nearby!! Let's go!" nilingon ko si Xiao Mei na siyang sumigaw. Agad akong tumayo tsaka naglakad papunta sa kanya. Xiao Mei is a Chinese national whom I met in my vacation in China a year ago. Naging close kami kasi kamuntikan niya na akong masagasaan nung una kaming magkita. Lutang na lutang kasi ako nun habang binabaybay ang gilid ng kalsada at hindi ko na napansin na nawala na pala ako sa daan.

"I'm so sad!! I'm going home already!!" Maktol niya habang naka-angkla sa braso ko ang braso niya. Xiao Mei is a sweet and clingy type of person. Kapag magkasama kami ay kung hindi naka-akbay ay naka-angkla siya sa akin which I don't actually mind. I like this kind of gesture ang kaso ay ang bigat niya lang talaga habang tumatagal.

"Extend your stay, then!!" natatawa kong sabi kasi alam kong hindi naman niya iyon gagawin. This little munchkin loves her bestfriend so much that she can't stay with me even though she wants to.

"Ara's gonna be alone because her parents are leaving for Singapore." nakanguso niyang sabi kaya nangiti na lang ako. Ara is her bestfriend. Sa pagkakaalam ko ay sandali pa lang silang magkakilala pero nag-click sila agad. Nacu-curious nga ako sa Ara na kaibigan niya dahil bukambibig niya iyon palagi at parang ang bait-bait.

Bumili kami ng hotdog tsaka naglakad-lakad na muna. Nagbakasyon kasi siya dito sa Florence few weeks ago and I was here. She was suppose to stay here for 2 weeks only pero nag-extend pa siya ng dalawang linggo dahil nga nandito ako.

"You can always visit me in the Philippines. I think I'm going there next month." I said while eating my hotdog.

For the two years, wala akong ginawa kundi ang mag-travel. I always dreamt to travel the world. Isa iyong pipi'ng pangarap na ngayo'y naisakatuparan ko na. I visited the Eiffel tower in Paris because I really wanted to see it in person. I also went to the Louvre Museum in Paris as well when I was there. Nung nagpunta naman ako sa Greece ay pinuntahan ko ang Parthenon tsaka ang Acropolis of Athens in Athens. Kasama ko nun si Andrea na siyang nagyaya sa aking mag-Greece dahil gustong-gusto niya na iyong makita noon pa man. We were still in college when she said she wanted to go there even just once in her life. Nung nagpunta naman akong Netherland ay pinuntahan ko ang Van Gogh Museum at ang Anne Frank House sa Amsterdam. I would stay in one place for days or a weeks then I would move to another.

Napadpad rin ako sa Vienna where I visited the Schönbrunn Palace. The Prague Palace in Prague which I went with Christian. Christian was also in a vacation during that time kaya sumabay na lang din ako sa kanya. He stayed there for two weeks tsaka siya bumalik ng Canada para magtrabaho. He works as a cruise ship captain at sa Canada ang base niya. Vatican City was one of my favorites because I was able to visit Sistine Chapel and St. Peter Basilica with my sister Jessy, together with her son, Justine. Justine is just 5 and he's so cute. Nun lang ako nagkataon na makasama sila dahil busy si Jessy sa trabaho tsaka business niya. Her husband is also busy kaya naman ay hindi nakakasama. Noon lang din kami muling nakapag-kita ni Jessy dahil busy talaga siya sa business at ako naman ay nabaliw. Literaly nabaliw.

Nung nagtungo naman ako sa Turkey ay ang una kong pinuntahan ay ang Grand Bazaar sa Istanbul. Ang daming mga pwedeng bilhin tsaka ang gaganda at unique ng mga paninda. I was there with one of my friends from high school, Shiena. She was there for a business matter pero nag-extend siya ng isang linggo nang malamang nandun ako. Ilang beses ko ring binalik-balikan ang Big Ben sa London tuwing umuuwi ako doon. There is just something in Big Ben that keeps me going back. Most of the time, kapag medyo napapagod akong mag-travel, bumabalik ako sa London at doon nagsi-stay tsaka ako ulit aalis.

Samaniego Side Story 3: Missed Miss MissyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon