Missed 12

139 2 0
                                    

With~

"Thank you ng marami." Ginawaran ko ng ngiti ang isa sa mga staff ko sa resort ko. I saw her simply nodded before taking her leave.

"Akala ko next week ka pa babalik ng Korea?" Nilingon ko si Mae Ann na siyang kasama kong nag-aagahan. Mae Ann was my college friend, kaibigan namin siya ni Andrea but we weren't that close but we were close enough for me to make her my resort caretaker.

"May pupuntahan pa ako sa Manila, e. May kakakitain pa ako." I said while taking a sip from my coffee.

"May boyfriend ka na?" Nailing ako dahil sa sinabi niya. Mae Ann doesn't know anything about my love life. We're just... friends. Casual friends. Hindi rin ako kumportableng magkwento sa kanya.

"Nah. Just a friend." Tumango-tango naman siya bago nagsimulang kumain. I arrived two days ago. Dumiretso ako dito dahil chineck ko ang status ng resort. So far, maganda naman ang takbo ng negosyo. Thanks to my team.

Ngayong araw naman ay nagdesisyon akong pupuntang Manila. Vairel hs been pestering me about visiting him kaya pupuntahan ko nalang. Baka na-miss na ako nun. Matagal na rin kaming hindi nagkikita, e.

"Good morning!! How's your stay, po?" Nakangiti kong sabi sa isa sa mga bisita namin habang nilalagay ko sa mesa ang juice na hinihingi niya.

"Wonderful! I'm having a wonderful time here!" Nakangiting sabi ng magandang babae na nakahig sa lounger.

"I'm glad to hear that, ma'am. Enjoy your stay!" Iniwan ko na rin siya agad at bumalik sa may restaurant.

Ganun ang naging araw ko hanggang mag alas dos na. I left for the airport around 2:30 and arrived in Manila around 4 pm. Dumiretso ako sa condo ko doon tsaka ko tinawagan si Vairel na magkikita kami. The grumpy hooman was in a middle of a meeting when I called pero sinagot pa rin niya. How thoughtful is he? Hahaha.

"Mabuti naman ay naisipan mong magpakita." Walang ganang saad niya habang naglalakad-lakad kami dito sa mall. Hindi ko rin maintindihan ang lalakeng 'to, bakit sa mall pa niya naisipang makipagkita sa akin?

"Na-miss mo lang ako, e." I teased making him frown. Hahaha. He's really grumpy. Ang bilis mainis ng lalakeng 'to.

"Yeah. Yeah. Whatever. Let's go." Magtatakang sinundan ko naman siya ng tingin nang mauna na siyang maglakad keysa sa akin. Nakakatuwa siyang tignan. Who would wear a tuxedo inside the mall in day time? Hindi ba siya naiinitan?

"Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya tsaka patakbo siyang hinabol. Vairel just looked at me with a bored look before entering a mens botique. Oh.

"Help me pick some clothes." Tumango-tango ako tsaka nagsimulang maghanap ng masusuot niya. Vairel has clear white skin, as in lang, maputi talaga siya, mas maputi pa sa akin. Pareha lang silang dalawa ni Agust eh. Pati mukha. Sa napansin ko sa kanya, kadalasang mga damit niya ay itim at puti. I think he loves the color.

"What about this?" sabay pakita ko sa isang FG shirt na kulay green. His face immediately turned frown kaya napangisi na lang ako.

"I know. I know. I was just joking. Here, I think you'll like this." I showed him a dirty white FG shirt. Vairel nodded in agreement as he put the shirt inside the basket. Kumuha pa ako ng ilang FG shirts na iba-iba ang kulay.

"Yellowwww!" I chirped nang makita ko ang mga dilaw na damit na nakahilera sa isang tabi. My eyes just sparkled because I really love yellow.

"Tss. You like yellow that much?" Parang timang akong tumango-tango sa tanong ni Vairel. I put some yellow shirts which re for me in the basket, ganun din na para kay Vairel. Akmang magpo-protesta pa siya pero hindi ko siya hinayaang mgreklamo. He will definitely look good in yellow.

Samaniego Side Story 3: Missed Miss MissyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon