September 27, 2018
4:12 amDear Nay at Tay,
Kamusta na kayo? Ako heto ayos lang naman. Namimiss ko na kayo. Dalawang taon nalang inay, itay matatapos ko na ang kolehiyo ko. Matutupad ko na ang pangarap natin, ang pangarap ko. Pasensya na ho ah lagi kayong updated sa pag-aaral ko. Mahal na mahal ko po kayo nay, tay.
Lubos na nagmamahal,
Arya T.ARYA'S POV
Agad niyang itinabi ang kanyang talaarawan ng matapos siyang magsulat.
Muli siyang napahikab ng makaramdam ng pagkaantok.
Gustuhin man niyang bumalik sa kanyang higaan ay hindi na maaari pa sapagkat marami pa siyang dapat gawin.
Lumabas na siya sa kanyang munting silid na makikita lamang sa loob ng kusina para simulan ang panibagong araw ng kanyang buhay.
Naglakad siya sa may lababo at nagmadaling maghilamos.
Mabilis ang paggalaw niya para makapagluto na ng almusal. Kailangan niyang magmadali para magawa ang lahat ng gawaing bahay at ng hindi mahuli sa kanyang klase.
Habang nakasalang ang kanin at ulam na kanyang niluluto ay inayos na niya ang lamesa at naglinis na rin ng bahay.
Iksaktong ala-sais ng matapos niya ang lahat gawaing bahay maliban lamang sa paglalaba na ginagawa niya tuwing gabi.
"Anong niluto mong ulam Arya?" Boses iyon ng kanyang tiyahin.
Napalingon siya dito. Muntik na siyang napasigaw dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.
"Ma..magandang umaga tiya. Adobong manok tiya. Nagprito rin ho ako ng bangus na dinaing ko kagabi." Ninenerbyos sagot niya.
"Tss! Anong maganda sa umaga? Gisingin mo na ang mga pinsan mo ng makakain na sila at nang hindi mahuli sa klase." Masungit na utos ng kanyang tiyahin.
Ngumiti siya ng matamis sa kabila ng matalim nitong mga tingin sa kanya.
Sanay na siya sa ganoong turing ng nag-iisa niyang kamag-anak na kumupkop sa kanya mula noong maulila siya labing-limang taon na ang nakakaraan.
Pitong gulang siya ng sabay mawala ang kanyang magulang dahil sa malagim na aksidenti na ikinasawi ng maraming tao. Ang tiya Rosie niya ang kumuha sa kanya ng matapos mailibing ang kanyang magulang.
Malaki ang utang na loob niya sa taong kumukupkop sa kanya. Kaya ginawa niya ang lahat para pagsilbihan ang pamilya nito kahit madalas ay apihin siya ng mga ito.
Sabi ng matalik niyang kabigan, para raw siyang si Cinderella. Paborito niya ang naturang karakter na iyon dahil noong bata pa siya, madalas ikwento iyon sa kanya ng kanyang ina bago siya matulog sa gabi.
Nasisiyahan naman siya sa kwentong iyon ngunit hindi katulad ni Cinderella, wala siyang hinihintay na Prince Charming para sumalba sa kanya.
Konting panahon na lamang ang kanyang hinihintay. Ang pagtitiyaga at pagsisipag niya ang susi para maihahon niya ang kanyang sarili sa kahirapan at matupad ang kanyang mga minimithi.
Naputol ang pag-iisip niya ng maramdaman niyang may kung anong matigas na bagay ang tumama sa kanyang kaliwang balikat.
"Ano ba Arya?! Tutunganga ka na lang ba diyan bata ka?!" Malakas sigaw ng kanyang tiyahin.
"Ay! Oho nga pala. Heto na tatakbo na ako!" Masiglang sabi niya.
Yumuko-yuko siya bago umalis sa harapan nito.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampireAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...