"Aryang paano na? Sila mader kasi eh. Kainis!" Mahaba ang ngusong sabi ni Patty sa kanya.
Kanina pagtapak pa lamang niya sa entrada ng school ay sinalubong agad siya nito at nagsusumbong na hindi raw pinayagan ng magulang nitong sumama sila sa magaganap na okasyon sa mansyon ng mga Riferio.
Ayos lang naman sa kanya iyon dahil una sa lahat wala naman siyang gagawin doon bukod sa panunuod lamang ng mga sayawan.
"Paano na? Eh 'di wala. Alangan namang pilitin mo silang isama tayo?" Nangingiting sabi niya.
"Haist pangarap ko pa naman makapasok sa mansyon ng mga Riferio."
Lahat ata ng nakakausap niya halos pangarap makapasok doon. Hindi niya itatangging gusto din niyang makapasok doon pero hindi naman niya pangangarapin pa iyon.
"Hintayin mo nalang na open to public na ang imbitasyon nila doon Pat." Natatawang sabi niya.
"Hmp! Never mangyayari iyan."
Malakas siyang natawa sa sinabi nito.
"Aryang gusto ko talagang pumunta doon! Bakit naman kasi pabebe pa sila mama eh!" Pumapadyak ang paang sabi nito. "Pero.. baka... pwede naman. Tama! Tama! Makakapunta pa rin tayo roon Arya!" Nagliliwanag ang mga matang sabi nito.
"Nangyari sayo? Ayos ka lang?" Nawewerduhang tanong niya sa kaibigan.
"Pupunta tayo Arya! Matutupad ang pangarap nating makapasok roon." Siguradong-sigurado na sabi nito.
"Para kang tanga diyan. Ano mag-aala akyat-bahay gang tayo, ganoon?" Natatawang sabi niya.
"Exactly Arya! Ang talino mo rin pala." Nakangiting sabi nito.
"Nagka-amnesia ka ba ha babae? Nakalimutan mo ba kung gaano kataas ang pader ng mga Riferio?"
Parang nanghihinang sumandal ito sa kinauupuan nito sabay bugtong-hininga na animo'y natalo sa pagbibinggo.
"Gusto ko talagang magpunta roon Aryang. Dalawang araw nalang sana oh." Malungkot na sabi nito.
"Hayaan mo na. Marami pa naman ang next time eh. Malay mo sa dami ng next time isa roon ay swertehin ka." Biro niya.
Bigla siya nitong hinampas. Imbes magalit siya sa lakas ng hampas nito ay tumawa siya ng malakas.
"Aryang naman eh! Hmp! Diyan ka na nga lang. Kailangan kong mag-isip pa ng mabisang paraan kung paano tayo makakapunta roon."Naniningkit ang mga matang sabi nito.
Muli siyang tumawa at kumaway rito ng tumayo na ito para umalis.
Naiwan siyang patuloy pa rin sa pagtawa. Hanggang sa matigilan siya ng may kung anong mabilis na bagay siyang nakita mula sa di kalayuan.
"Ano 'yon?" Takang tanong niya sa hangin.
Sobrang bilis lang ang pagdaan ng bagay na 'yon. Hindi niya masabing ibon iyon dahil wala namang pakpak.
Napailing na lamang siya at naisip niyang baka guni-guni lamang niya iyon.
Tumayo na rin siya at lumakad para pumunta sa susunod niyang klase.
"Miss Torres!"
"Ay kabayo!" Gulat na sabi niya. "Si..sir kayo lang pala. Ibig ko hong sabihin..bakit po?"
Pinaningkitan siya nito ng mga mata.
"Kung aantukin ka lang dito sa klase ko mas mainam nang lumabas ka nalang ng silid." Medyo pagalit nitong sabi.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampirosAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...