Chapter 4

128 22 0
                                    

Arya's POV

"Si..sigurado ka ba sa ginagawa natin? Naku baka mahuli tayo." Kinakabahang sabi niya habang inaayos ang kaparehong uniporme ng mga tagapagsilbi sa mansyon ng mga Riferio.

Bilib na siya sa kanyang kaibigan dahil nalaman pa nito ang kasuotan sa mga tagapagsilbi sa mansyon ng mga Riferio. Noong isang araw raw ay nagtungo raw ito dito para magmanman at hayun nga may nakita itong taga-pagsilbing naglabas raw ng basura. Agad nitong kinuhan ng larawan ang babae ng may maisip na ideya.

May tiyahin itong gumagaw ng mga damit. Pinagaya nito ang naturang damit. Hindi man ganoong nakuha ang desinyo ng bestidang nasa larawan ay hindi na mapupuna iyon maliban na lamang kung ito'y tititigan.

Para silang naninilbihan sa isang palasyo dahil sa suot nila na hindi mo aakalaing kasuotan ito ng mga taga-pagsilbi. Itim at puti ang kulay ng mahabang bestidang suot nila. Nakasuot din sila ng puting gwantis at sombrero. Pakiramdam niya para siyang prinsesa sa kasuotan nila.

"Oo naman. Huwag ka ngang nega diyan Cinderella. Dapat positive tayo lagi huwag lang sa p.t."
Pabirong sagot nito.

Sanay na siyang Cinderella ang tawag nito sa kanya.

"Pat uwi agad tayo baka maya maunahan pa ako nila tiya." May pangambang sabi niya.

"Oo na. Huwag kang mag-alala sa tingin ko bukas pa ng umaga matatapos ang okasyong ito. Hayaan mo Cinderella bago mag-alas dose nasa bahay na po ninyo tayo." Natatawang sagot nito.

Naimbitahan ang pamilya ng tiyahin niya na dumalo sa okasyong ito. Nalaman niyang, isa sa mga kompanya ng mga Riferio nagtratrabaho ang tiyuhin niya, asawa ng tiyahin niya.

Ang buong mag-anak ay dumalo. Nais siyang isama ng tiyuhin niya para raw maranasan din niya ang ganitong uri ng okasyon paminsan-minsan, ngunit agad siyang tumanggi ng titigan siya ng masama ng kanyang tiyahin.

Saka may usapan na sila ng kanyang kaibigan.

"Halika na Aryang." Sabik na sabik na sabi ni Pat sa kanya.

Normal lamang ang kanilang paglakad gaya ng mahigpit na bilin ni Patty sa kanya kahit na sobra-sobra ang kaba niya.

"Oh saan kayo?" Tanong ng isang gwardiya sa kanila.

Napalunok siya.

Hindi niya alam ang kanyang isasagot. Parang gusto niyang magtatakbo palayo.

"Malamang sa loob. Patabi! Marami pa kaming gagawin sa loob." Matapang na sagot ni Pat sa guwardiya.

"Ganoon ba? Kung bakit naman kasi dito pa kayo dumaan. Masasagasahan pa kayo ng mga sasakyan."Sabi naman ng gwardiya.

Mukhang wala namang pagdududa ang gwardiya sa kanila kaya agad silang nakadaan papasok sa loob.

Nabawasan ng konti ang kaba niya ng makalayo sila ng konti.

"Hala! Bakit ang daming puno?" Narinig niyang sabi ni Patty.

"Oo nga noh." Sang-ayon niya ng makitang puros mga puno ang nasa harapan nila.

Wala silang makitang mansyon. Isang daan na may mga poste ng ilaw sa gilid lang ang nakikita nila.

"Mukhang tama 'yong gwardiya ah, nagkamali tayo ng dinaanan. May ibang daan pa ata bukod dito. Pabayaan na nga, nandito na tayo. Tara na lumakad na tayo tiyak sa malapit lang iyan. Saka tignan mo naman may mga sasakyan ding nagdaraan."

Tumango na lamang siya bilang sagot.

Nagsimula na silang maglakad. Mabuti nalang sementado ang daan at may mga ilaw ang mga poste kaya hindi masyadong nakakatakot maglakad. Isa pa may mga sasakyan ding nagdaraan. Sinundan na lamang nila ang mga sasakyan.

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon