Graciana's POV
"My dear cousin wala siya oh. Mukhang natakot sa atin." Natatawang sabi niya.
Malapit ng mag-ala diyes ng gabi ngunit wala pa rin ang mortal na hinihintay ni Timothy.
Ito ang unang beses na nagkaroon ng estudyante ng pang gabi na hindi nila kauri.
Hindi sumagot si Tim. Nakatingin lamang ito sa malayo. Kilala niya ang pinsan pero sa pagkakataong ito ay parang may nagbago na dito.
"I saw her first." Muling ungot ni Rafael sa tabi niya.
Kanina pa ito nagngingitngit dahil nalaman nitong nagkaroon ng interes si Timothy sa babaing nagugustuhan nito.
Nilingon niya si Juno. Tahimik lang din ito habang abala sa pagbabasa.
Napangisi siya. Ayon sa impormasyong nakalap niya sa tsismosong kapatid ni Tim na si Sandro, may something din daw si Juno kay Arya, ang pangalan ng babaing kinahuhumalingan ng mga ito.
"Shut up Raf." Sabi ni Sandro na abala sa paglololipop.
"You shut up Sandro! This is all your fault." Naiinis na sabi ni Rafael dito. "She's mine Timothy! I don't really care if you're the king." Sabi nito sa tahimik pa ring si Tim.
"When that happened?" Tanong ni Juno habang ang mga mata ay nasa libro pa rin.
"Since the first time I saw her dude." Nakangising sagot ni Rafael dito. Nakipaghigh-five pa ito kay Sandro.
"Where are you going Tim?" Tanong niya sa pinsan ng makitang paalis na ito.
Hindi niya naramdaman ang pagtayo nito dahil sa ingay ng mga lalaki sa paligid niya.
"I'm thristy." Tipid-sagot nito.
Tumayo siya at humabol dito.
"I'll go with you." Nakangiting sabi niya.
"There she is!" Turo niya kay Arya na abala sa paglalagay ng lupa sa mga paso.
Tinignan niya ang pinsan. Mataman lang itong nakatingin sa dalaga. Napangiti siya ng maalalang imbes na nanghuhuli sila ng mababasik na hayup sa kagubatan ay heto sila't naligaw dito.
"Tara puntahan natin siya." Nakangiting yaya niya sa pinsan.
"No. Just leave Graciana."
Napangiti siya sa sagot nito. Mukhang gusto nitong masolo ang dalaga.
"Sabi na nga ba nandirito kayo."
Muli siyang napangiti ng marinig si Rafael. Hula niya nasa itaas ito ng puno. Naamoy rin niyang nasa paligid lamang sila Sandro at Juno.
"Pinagliban niya ang pagpasok para magtanim sa gabi? Weird." Narinig niyang sabi naman ng kapatid ni Tim na si Sandro.
Ganoon nalang ang gulat niya ng makitang naroon na si Juno sa tabi ng abala pa ring si Arya. Hindi man lang nararamdaman ng dalaga ang presensya ng lalaki sa tabi nito.
Nakatunghay lamang si Juno dito.
Nakaramdam siya ng hangin sa kanyang balat senyales na nawala na sa tabi niya si Timothy.
Hindi na siya nagulat ng makitang naroon na rin ito sa tabi ni Juno.
Doon na siya sumunod ng makitang nagpapanik na si Arya.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampireAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...