Chapter 11

94 18 2
                                    

Timothy's POV

"Siya ang magiging sanhi ng kamatayan mo Timothy!" Nanlilisik ang mga matang sabi ni Sandro sa kanya.

Tinignan lamang niya ang kapatid. Kasama nito si Felix na tahimik lamang sa tabi nito.

"Siya ang nakatakda para pumatay sayo Tim..."

"You're being paranoid." Putol niya sa kapatid. "Masyado kang nagpapaniwala kay Graciana."

"Alam mo at alam nating lahat na hindi pa nagkakamali ang mga pangitain niya."

Tama ito. Hindi pa nagkamali si Graciana sa mga pangitain nito at lahat ng mga iyon ay nangyayari. Ngunit ayaw niyang isipin na si Arya ang nakatakdang tumapos sa kanyang buhay. Walang sinumang kauri nila ang nakapantay sa kapangyarihang mayroon siya. Siya ang pinakamakas sa kanilang lahi. Kaya gusto lang niyang pagtawanan ang sinabi ni Graciana na si Arya raw ang tatapos sa kanya, na isa lamang tao.

Bumaling ang pansin niya sa natutulog na dalaga. Walang gabi na hindi ito nakakatulog sa klase nila na tila'y pagod na pagod sa maghapon.

"Are you really sure that you're in..."

"Yeah. She's different." Putol niya kay Juno na nakalapit na pala.

"Of course she's different! She's human! And you're insane." Sabi ni Sandro.

Bumaling siya sa kapatid. Umatras ito at nagtaas ng kamay na para bang suko na sa pakikipagdebatihan sa kanya. Tumalikod na ito at bumalik sa kinauupuan nito kasama ang tahimik lamang na si Felix.

"Kapag nalaman ng mga Vasquez ang tungkol sa kanya baka gamitin siya laban sayo King."

Tumingin siya kay Juno. Mataman itong nakatingin kay Arya kaya ibinalik niyang muli ang tingin sa dalaga.

Isa sa mga mahigpit nilang kalaban ang angkan ng mga Vasquez. Sa paglipas ng mga panahon ay hindi nawawala ang paghahamon ng mga ito sa kanilang angkan. Dahil ang angkan nila ang nangunguna sa pinakamalakas na bampira sa buong mundo at marami ang gustong magpabagsak sa kanila.

"Malalagay sa kapahamakan si Arya, Tim. Isa lamang siyang mortal. Kung nakataong malaman ng mga Vas.."

"That will never happen Juno. Hindi siya magagawang lapitan ng mga dagang iyon."Putol niya dito.

Para sa kanya, mga daga lamang ang mga Vasquez na nagtatago sa kung saan-saang maruruming sulok ng mundo. Nagpapakita lamang ang mga ito kung may bagay lang silang naaamoy at ginagawang pagkakataon para umatake.

"Sila ang mga sinasabi mong daga na basta-basta na lamang sumusulpot Tim. Wala silang pinipiling lugar o panahon. Basta-basta na lamang silang sumasalakay kapag alam nilang may makakain sila." Dagdag nito.

Napangisi siya sa mga sinabi nito. Wala siyang pakialam sa mga Vasquez. Wala siyang kinakatakutan.

"Huwag mong kalilimutan si Arya king."

Natigilan siya.









Arya's POV

Napakibit-balikat nalang siya ng makitang bigla muling umiwas sa kanya ang pinsan na si Robert. Para itong nakakakita ng multo sa tuwing nagkakasalubong sila. Namumutla ito at hindi makatingin sa kanyang mga mata.

"Nandito ka lang pala."

Natigilan siya sa paglalampaso ng sahig at tumingin sa nagsalita.

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon