Rafael's POV
"Absent siya. Ito ang pangalawang beses siyang umabsent sa klase." sabi niya.
Alas-onse na ng gabi ngunit walang Arya ang dumating sa kanilang klase tuloy mainit ang ulo ng kanilang hari. Nasa pintuan lamang ito na animo'y gwardiya kung makapagbantay. Ilang beses na itong tinatawag ni Miss para umupo na ngunit hindi nito pinapansin.
"Lahat nalang ng pumasok at lumabas diyan sa pintuan ay sinisinghalan niya. He's hopeless." Sabi naman ni Graciana.
"Bakit kaya wala siya ngayon?" Tanong naman ni Juno.
"Aba malay natin. Lahat naman tayo narito at hindi siya nakausap." Sagot niya. "Baka naman tinamad siya." Dagdag pa niya.
"Tatamarin pa siya? Eh lagi naman siyang tulog matapos ang isang oras nitong pakikinig kay Miss." Sabat naman ni Sandro na nasa likuran na pala nila.
Kanina lamang ay nasa harapan ito at kinukulayan ang mansanas na ginuhit ni Miss sa blackboard.
"Sandro kelan pa naging kulay blue ang mansanas!"
Natigilan sila ng sumigaw si Miss. Kulay pula ang mga mata nito at naglilitawan ang mga ugat malapit sa mga nito habang nakatingin sa pwesto nila.
Napakamot ng ulo si Sandro at tagilid ang ngiting sumagot ito. "Para cool?"
Binato ito ni Miss ng chalk at saktong tumama ito sa noo ni Sandro.
Umugong ang tawanan at tuksuhan sa paligid.
Napapailing na nagtaas siya ng kamay para magvolunteer na palitan ang kulay ng mansanas.
"Okay Rafael." Nakngiti nang sabi ni Miss.
Taas-noong naglakad siya papunta sa may harapan at dumampot ng chalk sa gilid ng blackboard.
Nang matapos niyang palitan at kulayan ang mansanas ay umugong ulit ang tawanan at tuksuhan.
"Ang ganda! Ako ba'y pinagluluko mong damuho ka?!" Nagagalit na tanong ni Miss.
Kumunot ang noo niya. Tinignan niya mabuti ang kinulayan niya.
"Tama naman Mis..."
Hindi niya natapos ang sinasabi niya ng malakas siya nitong sinipa. Lumipad siya pabalik sa likuran dahil sa lakas ng sipa nito. Sakto siya sa kandungan ni Sandro.
"Kailan pa naging itim ang mansanas?" Galit na galit na tanong ni Miss.
"Gabi na kasi Miss kaya dapat itim na." Katwiran niya ng makatayo.
Muli siyang napatumba ng may matigas na bagay ang tumama sa noo niya.
"What the hell is wrong with you man?! Ang lampa mo naman."Narinig niyang pagrereklamo ni Sandro ng tumamba muli siya rito.
Pakiramdam niya may lumilipad na ibon sa uluhan niya dahil sa tindi ng pagkahilo niya.
Felix's POV
Tahimik na pinagmasdan lamang niya ang mga kasama niya sa loob.
"Ang bobo mo!" Narinig niyang sabi ni Sandro.
"Sino ang bobo sa'tin? Kailan pa naging kulay asul ang mansanas aber?!" Sabi naman ni Rafael.
Nagsukatan ng tingin ang dalawa.
"Boring ka kasi kaya hindi mo alam ang mga cool!" Hindi pa rin papatalong sabi ulit ni Sandro.
"Oo tama ka! Hindi ako cool dahil gwapo ako! Gwapo!!" Hindi ring papatalong sabi ng isa.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
Про вампировAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...