Arya's POV
"Aba'y mabuti ngang pang gabi ka na pumapasok, nakakatulong ka pa dito sa bahay. Hindi 'yong puro lang lakwatsa gagawin mo sa umaga. Hay parang gusto ko tuloy matuwa diyan sa ibinalita mo." Sagot ng tiyahin niya ng ibinalita niya ritong sa gabi na ang pasok niya.
Napayuko siya.
Ang gabi sanang pahinga niya ay nawala na. Sa gabi lang niya nahahanap ang katahimikan na gusto niya na ngayon ay nagulo na.
"Hindi porket pang gabi ka na babae ka, eh gigising ka na ng gusto mo ha?! Hoy! Hindi ka prinsesa dito! Hindi libre iyang pinapalamon namin sayo." Pag-uumpisang sermon ng kanyang tiya.
Tumango-tango na lamang siya bilang sagot.
"Sige na maglaba ka na. Palitan mo na rin iyong mga kurtina sa salas saka sa itaas. Umalis ka na sa harapan ko. Nasusuya na ako sa pagmumukha mo."
"Pero ho.. kakapalit ko lang po ng mga i..."
"Ang dami mo pang dada! Sa napapangitan ako sa kulay! Ilaba mo 'yon! Baka naman itiklop mo agad? Ihahampas ko sa mukha mo' yon kapag nakaamoy ako ng alikabok sa mga kurtinang iyon!"Bulyaw nito.
Tumango nalang muli siya at agad na tumalima.
Tinignan niya ang oras sa malaking orasan na nakasabit sa may dingding. Nakasisiguro siyang madaling araw na siya matatapos sa paglalaba. Wala naman siyang reklamo kahit nahihirapan na siya. Inaamin niya sa sarili niyang nahihirapan na siya at napapagod na rin pero wala pa siyang magagawa. Kailangan talaga niyang magsikap para maiahon ang sarili.
Dumiretso siya sa may salas para tanggalin ang mga kurtina. Kahapon lang niya pinalitan ang mga iyon. Matatagalan talaga siya sa paglalaba dahil makakapal ang tela ng mga iyon at hindi kaya sa washing machine. At isa pa kailangan 'yang unahin ang mga damit ng mga ito.
Matapos niyang kunin ang mga kurtina sa salas at dalhin sa laundry area ay pumanik na siya sa itaas para kuhanin ang iba pang kurtina at mga damit labahan ng mga ito.
Una niyang kinatok ang silid ni Rebecca. Wala ang kanyang pinsan dahil ang gabi nito ay parang umaga. Sanay lamang siyang kumakatok sa pintuan bilang respeto na rin. Pumasok na siya at kinuha ang mga pinagbihisan ng kanyang pinsan.
Pangalawa ay kay Robert. Nagdadalawang-isip siya kung kukunin pa niya ang mga damit nito dahil sa mga naririnig niyang ingay mula sa loob ng silid nito.
"Ro..bert..." Mahinang tawag niya sa pangalan ng pinsang lalaki.
Sinamahan na rin ng pagkatok ang pagtawag dito.
Tumagal ng ilang minuto bago bumukas ang pintuan nito at iniluwa ang pinsan niya.
"Bakit?!" Pabalang nitong tanong.
Napalunok siya. Ramdam niyang lulong na naman ito sa pinagbabawal na gamot.
"I..iyong labahan mo sana kukunin ko." Kinakabahang sagot niya.
Bigla itong ngumisi at tinignan siya pataas-pababa.
"Lika kunin natin." Nakangising yaya nito.
Akmang hahawakan nito ang kamay niya ng mabilis siyang nakaiwas.
"Hi..hintayin ko na lamang dito." Nanginginig na sabi niya.
"Pumasok ka na. Bakit natatakot ka ba?"
Marahan siyang umiling dito.
"Alam mo Arya ang ganda-ganda mo. Magpinsan lang naman tayo, 'di ba? Wala namang makakaalam kung ga.."
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampireAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...