Timothy's POV
Napatingin siya sa dalagang mahimbing ng natutulog sa tabi niya.
Ito ang pang-apat na gabing kasama niya ang dalaga.
" Tunaw na 'yan king." Narinig niyang sabi ni Rafael sa kanya. "Ang daya talaga, dapat a.. haist wala na akong sinabi pa."
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Naiiling na napangiti siya ng maalala niya kung saan niya unang nakita ito. Ito ang babaing muntikan na nilang mabangga.
" Putulin mo na ang anumang nararamdaman mo sa kanya Tim.."
" Shut up Graciana. " Putol niya sa babae.
"Siya ang magiging.."
" Hindi 'yan mangyayari." Sabat niya.
" Pero king hindi kayo.."
Hindi na niya pinatapos ang sinasabi nito dahil hinawakan niya ang leeg nito.
Nanlalaki ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Hinigpitan niya ang paghawak sa leeg nito. Kita niyang unti-unting namumutla ang kulay ng mukha nito. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang takot sa mga mata nito kaya mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagsakal dito.
Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng may humampas ng kung anong matigas na bagay sa kanyang ulo dahilan para mabitawan niya si Graciana.
Lumingon siya sa salarin.
"A..ano kuwan.. Mapapatay mo na kasi siya.. tapos... kasi babae siya. Ba..bakla ka ba?" Nauutal na sabi ni Arya sa kanya. May hawak itong makapal na libro na sa tingin niya ay ginamit nitong pang hampas sa kanya.
Tinitigan niya ito ng masama pero agad din niyang binago ang titig niya ng makita ang takot sa mga mata nito.
"I'm sorry.." Hinging-paumanhin niya dito.
Umiling-iling ito pagkuwan ay itinuro si Graciana na panay ang ubo.
"S..sa kanya ka dapat humingi ng ta..tawad."
Hinawakan niya ang kamay nitong nakaturo kay Graciana. Nanlalamig ito. Ramdam niyang medyo nanginginig ang katawan nito.
Humarap siya kay Graciana.
"Patawad." Maikling sabi niya bago muling humarap kay Arya.
Huling-huli niyang nakatitig ito sa kanya. Hindi ito nagbawi ng tingin. Nanatiling nakatitig lamang ito sa kanya.
"I like her." Narinig niyang sabi ni Miss.
Alam niyang nasa kanila ang atensyon.
"Arya.."
"Ba..bakit?"
Napabugtong-hininga siya. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay nito. Tumayo siya at hinila ito patayo.
"Te..teka. May pupuntahan ba tayo?"
Napangiti siya.
Lumingon siya kay Miss. Nakangiting tumango ito sa kanya.
Muli niyang hinila si Arya para lumabas sila.
"Teka may klase pa tayo. Hindi ko pa tapos kulayan iyong mga shapes na iginuhit ko."
Pilit tinatanggal ni Arya ang kamay niyang nakahawak dito pero walang nangyayari dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Magagalit si Miss sa..."
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampireAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...