Timothy's POV
"I'm Timothy..my love." Walang emosyon bulong niya sa dalaga bago ito mawalan ng malay.
Kinarga niya ang babae saka siya lumabas ng silid.
Nagsinungaling siya sa dalaga na doon ang kanyang silid.
Bakanteng kwarto lamang iyon na paminsan-minsa'y pinagtatambayan niya sa tuwing gusto niyang mapag-isa.
Buhat-buhat pa rin niya ang dalaga habang patuloy sa paglalakad sa may pasilyo.
"Hindi ko alam na interesado ka pala sa isang mababang uri ng nila.."
Hindi nito natapos ang sinasabi nito ng tapunan niya ito ng tingin.
"Nagbibiro lamang ako Tim. Mag-uumpisa na ang pagdiriwang. Kailangan mo nang pumili sa mga panauhin na nar..."
"I've already found one.." Putol niya sa kapatid.
Dumako ang paningin nito sa babaing karga niya.
Bigla itong ngumisi.
"Juno will be mad."
Tinitigan niya ito kung nagsasabi ba ito ng totoo.
"And Rafael too." Dugtong nito.
Hindi siya nagsalita.
"Papatayin mo ba siya?" Tanong nito.
Nagbaba siya ng tingin para pagmasdan ang babaing karga niya.
"No. Never. Not even thinking drinking her blood." Sagot niya habang ang mga mata'y nasa dalaga pa rin.
"Insane." Sabi nito bago mabilis na naglaho sa kanyang harapan.
"Sandro.." mahinang sambit niya sa pangalan ng kanyang kapatid.
Mabilis ang naging paggalaw niya para pumunta sa itaas, kung saan naroon ang kanyang silid ng maramdaman niyang may mga paparating.
Nang makarating siya sa kanyang silid ay agad niyang inihiga ang dalaga.
Mahimbing pa rin itong natutulog. Hinaplos niya ang pisngi nito pababa sa mapupula nitong mga labi.
Dinig na dinig niya ang pagtibok ng puso nito. Maging ang paghinga nito ay kanya ring naririnig. Naamoy niya ang sariwa nitong dugo na dumadaloy sa mga ugat nito.
Parang may kung anong bagay siyang hindi maipaliwanag ng kanyang halikan ang dalaga kanina.
Naglakbay ang kanyang mga mata sa katawan nito. Matangkad ang dalaga ngunit may kapayatan. Pero hindi naging kabawasan iyon ng kagandahang taglay nito.
Muli niyang hinalikan ang mga labi nito bago siya nagpasyang umalis para kumuha ng damit para ipalit sa suot nito.
"Graciana..."
"Oh Timothy.. sabi ni Sandro..."
"I need a dress." Putol niya sa pinsan.
"Oh."
"For her."
"I see. Can I see her first?" Nakangiting sabi nito.
"No. Just give me a dress. She's petite."
"Ano ba 'yan? Paano natin malalaman kung kakasya sa kanya?"
"Just give me a damn dress! She's sleeping. Gusto ko lang maging komportable siya sa kanyang kasuotang pantulog." Nagtitimping sagot niya.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampireAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...