Chapter 9

137 16 4
                                    

Arya's POV

Kinakabahan na isinuksok niya ang kanyang i.d sa may machine na nagve-verify na siya'y estudyante nga sa unibersidad na ito.

Bagong-bago ang i.d niya na naibigay sa kanya noong magpunta siya sa may main office para kumpirmahin kung pang gabi nga ba siya.

Mabagal siyang naglakad patungo sa gusali kung saan ang simula ng klase niya.

Mas lalo nadaragdagan ang kaba niya sa tuwing may nakakasalubong siya, na sa tingin niya ay mga estudyante ring katulad niya. Ang sama ng tingin ng mga ito na parang kakainin siya. Sabagay, hula niyang hindi normal ang mga ito. Sa putla ng mga balat ng mga ito at kakaibang kulay ng mga mata ay masasabi niyang iisang uri lamang ang mga ito. Mga bampira.

"Arya.."

Halos lumabas ang puso niya sa gulat ng may magsalita mula sa kanyang likuran.

Dahan-dahan siyang lumingon. Sumalubong sa kanyang paningin ang maamong mukha ng kanilang librarian.

"Sir Jun!"

Agad siyang lumapit dito at kumapit sa braso nito.

"Mabuti ho't nakita ko kayo dito. Natatakot po ako." sabi niya habang lumilinga-linga sa kanilang paligid.

"Huwag kang mag-alala wala namang mananakit sayo dito."

Tumingin siya sa mabait na librarian. Nakangiti ito sa kanya kaya medyo napanatag ang kanyang kalooban.

Biglang may pumasok sa kanyang isipan kaya lumayo siya dito.

"What's wrong Arya?" May pay-aalalang tanong nito.

"I.. isa rin ba kayong bampira?" Nauutal na tanong niya.

Marahan itong tumango sa kanya.

"Diyos ko! Paa..."

"I won't hurt you Arya." Putol nito sa kanya.

"Hindi ko na alam kung matatakot ba ako o mababaliw na? Pero paano ho nangyaring hindi kayo nasusunog sa araw? Hindi ba dapat na..."

Tumigil siya sa pagsasalita ng tumawa ito.

"We're full blooded vampires.. Hmm? Hard to explain Arya. Isipin mo nalang special powers nalang namin iyon kaya hindi kami nasusunog sa umaga." Nakangiting sagot nito.

"Special powers?"

Nakangiting tumango ito.

"Tara na mahuhuli na tayo sa klase." Yaya nito.

Wala naman siyang makapang takot mula rito kaya sumabay na lamang siya. Saka isa pa, sa tingin niya kaya niyang magtiwala sa kanilang librarian dahil mabait talaga ito sa kanya.

"Kayo ba ang titser namin sir Jun?" Tanong niya habang naglalakad sila.

Umiling ito. "Klasmeyt tayo."

Tumigil siya sa paglalakad at napatingin dito. Tinitigan niya ang mabait na librarian kung binibiro ba siya nito.

"Classmate tayo." Ulit nito sabay pakita ng i.d nito sa kanya.

"Estudyante ka talaga sir? Nahuli ka bang mag-aral sir? Sabagay.. working student ka siguro sir sa umaga..."

"Nope..basta. Lika na baka mahuli pa tayo sa klase. Magagalit si Miss."

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon