Arya's POV
"Saan ka ba nagpunta babae ka? Naku katakot-takot ang nangyari sa akin. Buti nalang nakaeskapo ako."
Hindi siya sumagot. Kung alam lang din nito ang nangyari sa kanya.
"Hoy Aryang! Nakikinig ka ba? Naku nagkanda-hilo-hilo na ako sa pagseserved sa mga tao." Patuloy na pagkukwento ni Patty.
Kasalukuyan silang naglalakad sa may pasilyo. Halos maraming estudyante ang nagtatambay sa paligid.
"Na.. Nakita ko kasi sila tiya." Pagsisinungaling niya.
"Hay nakakatakot nga 'yan day! Nakita ka rin ba nila?"
"Hi.. Hindi naman, kasi mabilis akong na..nakapagtago. Dali-dali na akong umalis noong makita ko sila sa takot. Pasensya na Pat kung nakalimutan kita." Dagdag kasinungalingan niya.
Nagpapasalamat siya dahil naglalakad sila. Hindi nito makikita sa mga mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
"Ikaw na talaga si Cinderella bestfriend! Pfft! Iyon nga lang napaaga ka sa alas-dose." Tumatawang sabi nito.
Napapailing na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya gugustuhing maging si Cinderella. Kung alam lang talaga nito ang nangyari sa kanya. Talo niya si Cinderella dahil nakapag-overnight pa siya.
"Miss Arya Torres?"
Bigla silang napahinto sa paglalakad ng may magsalita mula sa kanilang likuran.
Magkasabay na lumingon sila ni Patty sa kanilang likuran. Weird ang salitang agad na pumasok sa kanyang isipan ng makita ang itsura ng taong nagtanong sa pangalan niya. Nakasuot ito ng damit na sa tingin niya ay nakikita lamang niya sa mga fairytales. Damit iyon ng pangkawal. Hindi niya alam kung ano ba ang trip nitong lalaki sa kanyang harapan.
Pasimpleng inilibot niya ang tingin sa paligid, halos nasa kanila ang atensyon ng mga tao.
"Miss Arya To..."
"Siya nga si Arya at ako naman si Patricia ang kanyang bestfriend." Nakangiting sabat ng kanyang kaibigan.
Napatampal siya sa kanyang noo ng maunahan siya ng madaldal na kaibigan. Masama pa naman ang kutob niya sa lalaki. Plano niyang itanggi na siya ang hinahanap nito.
Siniko niya ang kaibigan saka pinandilatan.
"Ghorl naman don't tell me pa-famous ka pa?" Umiikot ang mga matang sabi ng madaldal na kaibigan.
Pinigilan niya ang sariling sabunutan ito.
Muli siyang tumingin sa lalaki. Akmang magsasalita na siya para sagutin ito ng bigla siyang hilain ni Patty at bulungan nito.
"Bestfriend nakikita mo ba ang costume ni kuya guard? Ganyan na ganyan ang suot ng mga guard sa mala-palasyong mansyon ng mga Riferio." May sabik sa boses na bulong ni Pat sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata at bigla siyang natakot. Wala na siyang balak bumalik sa palasyong iyon at makita ang halimaw na lalaking kanyang nakilala doon.
"Hi..hindi maaari.." Umiiling na sabi niya.
Tumingin siya sa lalaki. Mataman itong nakatingin sa kanila. Hindi ito kababakasan ng pagkainip kahit natatagalan na siyang sagutin ang tanong nito.
"Anong hindi? Sige na tanungin mo na si kuyang guard kung anong kailangan sa... shocks! Naku baka naman hinahanap tayo dahil nalaman na nila ang pagpapanggap natin? Naku Aryang huwag kang aamin!"
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampireAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...