Chapter 2

117 18 4
                                    

October 12, 1568
23:54pm

"Blood is my life."

"Please mister.." nanginginig ang labing pakiusap ng babae sa kanya.

Matinding takot ang nakikita niya sa kulay asul nitong mga mata. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. At malinaw niyang naririnig ang tibok ng puso nitong napakalakas dahil sa sobrang takot.

"Please I'm begging you." Nagmamakaawang sabi nito kasabay ng pagluhod nito sa kanyang harapan.

"Just the taste of your blood.." walang emosyong sabi niya.

Dinilaan niya ang kanyang ibabang labi habang nakatingin sa babaing nananatiling nakalunod sa kanyang harapan. Ang totoo niyan ay gutom na gutom na siya. Matagal bago niya natagpuan ang ganitong kasariwang nilalang sa kanyang harapan, na isang birhen.

"I.. I want to li..live.. please." umiiyak na muling pagmamakaawa nito.

Isang sampal ang kanyang iginawad dito sanhi ng pagkakasadlak nito sa may gilid.

Walang higlap-mata niya itong nilapitan.

"Your blood.."  bulong niya.

Natutulalang tumango ito habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

Napangisi siya dahil alam niyang nasa ilalim na ito ng kanyang kapangyarihan.

"Don't ki..kill me." nanghihinang pakiusap nito.

Bahagya siyang lumuhod para maabot ang baba nito at kanyang itinaas.

Hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang sarili. Naamoy na niya ang natural nitong amoy na walang halong kung anong kemikal. Mas lalo siyang nanabik na masagaran ng kanyang mga labi ang balat nito.

Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo para abutin ang leeg nito. Para siyang mababaliw habang papalapit sa naturang balat na kanyang kakagatin.

"Mister.." narinig niyang tawag nito sa kanya.

"Do you want me to bite you?" he teased.

"Uhmm..."

Muli ay napangisi siya.

"Can I taste you lady?" Sabi niya sabay dila sa leeg nito.

"Yes." Walang pag-aalinlangang sagot nito.

Naglakbay ang kanyang mga labi papunta sa mga labi nito. Pinalalim niya ang mga halik na ginagawad niya sa babae. Ang laway nito ang mas nagpatindi ng kanyang pagkagutom para matikman ang sariwa at pulang likido mula sa katawan nito.

Pinutol niya ang mga halik at pinaglandas pababa ang kanyang dila pababa sa leeg. At doon....

"Aacckkkkk...."

"Timothy!"

Arya's POV

"Ano ka ba naman Aryang? Sa library mo pa talagang mapiling magcolapsed." Panenermon ni Patty sa kanya.

Napakamot siya ng kanyang ulo. Kanina pa siya nag-iisip kung ano ang nangyari sa kanya. Pakiramdam niya kasi may nakalimutan siya. Sabi sa kanya ng school nurse, nahimatay raw siya dahil baka daw sa pagod o gutom o sa init ng panahon.

Ayaw na niyang kausapin 'yong nurse dahil medyo masakit na rin ang kanyang utak sa kakaisip kung bakit siya nahimatay at napunta rito dahil pakiramdam talaga niya may nakalimutan siya.

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon