Arya's POV
"Lets go home Arya."
Mga salitang paulit-ulit nalang nag-e-echo sa mga tenga niya. Pakiramdam niya may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya.
"Hindi ka makatulog?"
Magugulat sana siya pero naalala niya kanina pa niya ito kasama.
"Paano ako makakatulog eh umaga palang naman?" Sagot niya. Gusto sana niyang idagdag na naninibago pa siya.
Ito ang pangalawang beses siyang nakapasok sa mansyon ng mga Riferio.
Humikab ito at humiga sa kamang kinauupuan nila. Kagabi pa siya nagproprotesta dito dahil nasa iisang silid lamang sila. Sabi nito wala na raw bakanteng kwarto para sa kanya. Duda siya dito dahil sa laki ng mansyon ng mga ito ay wala man lang bakanteng silid?
At isa pa, hindi siya makakatulog sa kakaisip sa mga naganap kagabi. Nag-aalala din siya sa pamilya ng kanyang tiyahin. Wasak ang bahay ng tiyahin niya tiyak nagwawala na iyon ngayon. At hindi rin malabo na sa kanya isisi ang lahat lalo na't wala siya roon.
"Hindi ka natulog kagabi kaya magpahinga ka na. May pasok pa tayo mamayang gabi." Narinig niyang sabi ni Timothy.
Nilingon niya ito. Tuwid na tuwid itong nakahiga pero ang dalawang kamay ay nakaipit sa likod ng ulo nito. Hindi talaga maitatangging ang gandang lalaki nito. Wala pa siyang nakakasalamuhang bampirang pangit. Bawal ata ang salitang pangit sa mga bampira dahil puros naggagandahan ang mga ito.
"Paano ako makakatulog kung..kung may katabi akong lalaki." Totoong sagot niya.
Biglang itong umupo at kinunutan siya ng noo. Ngunit ganoon nalang ang hiyaw niya ng humiga muli at isinama siya.
"A..ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong niya.
"Natulog na tayong magkasama. Wala ng bago kung matutulog ulit tayong magkatabi."Sagot nito.
Sasagutin sana niya ito ng bigla siya nitong niyakap. Ang ulo niya ay nasa dibdib nito. Wala siyang marinig na pintig sa dibdib nito pati hangin na pumupuno sa baga nito ay wala rin. Gusto niyang magtanong dito kung may mga organs ba ang mga ito?
Bigla siyang kinabahan at hindi niya malaman kung bakit? Hindi naman na siya takot dito dahil sanay na siya sa presensiya nito maging ang mga kasama nitong madalas niyang makasalamuha.
"Timothy.."
"Ang lakas ng pintig ng puso mo. Kay init ng hangin na ibinubuga ng bibig at ilong mo Arya. Ramdam na ramdam ko ang dugo na dumadaloy sa ugat mo."
Sukat sa mga sinabi nito ay bigla siyang lumayo rito. Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ito.
Tinawanan lamang siya nito.
"Kidding. Wala akong balak kagatin ka dahil hindi naman ako nagugutom." Nangingiting sabi nito.
"Anong sabi mo?! Paano nalang pala paggutom ka na?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa bampira. Napalunok siya at pasimpleng hinawakan ang kanyang leeg. Kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa kanyang isipan.
Malakas na tumawa ito. "Seriously? You think too much. Come here, let's sleep first. Maya ka nalang magpakaparanoid diyan."
Nang hindi pa siya gumagalaw ay muli siya nitong hinila pahiga sa kama.
Bubuka pa sana ang bibig niya para sagutin ito ng muli siya nitong ikinulong sa mga bisig nito.
Naalimpugatan siya ng may maramdaman siyang kumikiliti sa kanyang leeg.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember
VampirosAnother MayWard Story.. She's just an ordinary person. He's an extra ordinary creation. Her life depends on him. His life depends on her. She's running.. He's hiding.. And A Night to Remember...