Chapter Five
Promise
The sky was dark and gloomy when I woke in the morning. Mukhang uulan yata kaya nag-isip ako ng activity na pwedeng gawin kapag umuulan. Wala akong maisip kaya mabuti na lang dumating si Tanya para mambwusit muli, may napagtanungan ako.
"Huh? Ano ang magandang gawin kapag umuulan?" Tanya asked, confused.
Tinapos ko ang pagsusuklay ng buhok at nilagay muna ang Chanel hair clip bago ako lumabas sa closet at pinuntahan si Tanya para sumagot.
"Yes."
Lumabi si Tanya. "Bakit ka nagtatanong?"
"At bakit ka rin nagtatanong?" Tinaasan ko ito ng kilay. "Sagutin mo ako. Bilis."
"Hm? Ano na nga ba maganda gawin kapag umuulan." Tumingin ito sa itaas. "Magkape?"
"Aside from that, that's completely boring, you know? Iyong activity na may thrill at excitement. Iyong kahit umuulan, pareho silang pagpapawisan."
"Sex?"
Bigla akong natapilok kahit nakatayo at nakasandal lang naman sana ako sa cabinet. Pero kaagad naman akong naka-recover.
"Omg!" I grinned at Tanya. "Omg! That's it! Sex! Oh my god! That's so beautiful! Brilliant! Impressive, Tanya! Very impressive!"
"Ha?" ngumiwi ito tapos napalunok. "Hoy! Makikipag-sex ka? Kanino naman? Kay Spencer? Hoy, Kaia! Baka bumangon ang Lolo niyo sa hukay niyan. Maghunos dili ka. Kahit hindi kayo magkadugo, hindi pa rin maganda pakinggan. Pero kung hindi niyo talaga mapipigilan... 'e 'di go. Nasa tamang edad naman kayo."
"What the fuck?" inis ko itong nilapitan at hinila ang dulo ng buhok.
"Aray! Kaia naman! Bastos ka talaga! Walang modo! Nakakainis! Tsk!"
"Anong pinagsasabi mo, ha? What the hell? Anong sex with that..." My face turned very sour. "Oh my god! No way! No way! Silang dalawa ni Amber ang pinaplanuhan ko ng gano'n! Hindi kaming dalawa!"
"Ay ganoon ba?" Kinamot nito ang leeg. "Sorry naman. Malay ko ba naman kasi kung na-develop ka na kay Spencer."
"Damn! No way! That would never happen! I still hate that guy and forever will be!"
"Sus! Kunwari ka pa. Ano pala ibig sabihin nang narinig ko na tsismis sa bayan kanina?"
Tumaas nang dahan-dahan ang kilay ko sa narinig.
"Anong tsismis? Pinagtsi-tsismisan ako? Ako na perfect pinagtsi-tsismisan? What the heck? Sino ang mga iyan!? Ipatawag mo at paluhurin sa harapan ko!"
"Duh! Hindi ko kilala pero interesting ang tsismis. Pre-nuptial daw ang drama ng senyorita at senyorito kahapon doon sa palayan. Wow, ha? From mortal enemies to lovers? Real quick!"
Muli kong hinila nang mahina ang dulo ng buhok nito.
"Aray!"
"Ikaw, ha?" Dinuro ko ito. "Ayos-ayosin mo iyang bibig mo dahil baka hindi na ako makapagpigil at matahi ko na iyan!"
"Bakit ba? Siguro totoo, ano? Mahal mo na si Spencer!"
"Walang ibang mahal dito, babae ka, kundi itong pagkatao ko lang at presyo ng paki ko!" Humalukipkip ako saka umayos ng tayo. "Anong mahal? Iyong Spencer Lagdameo na iyon mamahalin ko?" I laughed loudly. "What the hell? Cringe!"
"Sigurado ka?"
Tinaasan ko ng kilay si Tanya saka ngumisi. "Bitch, I am Kaia Isabelle Elizondo and I love no one."
Tanya rolled her eyes. "Whatever. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Mabait naman talaga si Spencer."
"Mabait?" Humalakhak ako nang nakakainsulto. "Oh my god! Kahit nga siguro kapag natutulog demonyo pa rin ang lalaking iyon."
BINABASA MO ANG
Blooming Rose in the Dusky Night
Художественная прозаKaia Isabelle Elizondo is not one of those helpless creatures waiting for prince charming to appear on her doorstep, sweep her off her feet and bring meaning to her life. She doesn't need a natural hero with six-pack abs and whose skills ensure he'l...