Chapter Seven

6.7K 394 141
                                    

Chapter Seven

Confession

It's early morning, and I'm already pissed and irritated. Spencer Lagdameo ordered me to join him at the dining table. Like I'd like to! Napilitan ako dahil hindi niya ako pinaakyatan ng pagkain sa kwarto.

Nang makababa at umabot sa dining hall, nakita ko na siya na nakaupo sa dulong bahagi ng mesa kaya napaikot ako ng mga mata bago padabog na umupo.

This isn't part of my schedule today. At kahit noon pa man kahit nabubuhay pa ang mga Elizondo, hindi ako bumababa para rito kumain. Napipilitan lang ako kapag may ipapaalam itong mga desisyon at bagay-bagay na dapat kong nalaman. I never guessed that Spencer Lagdameo would follow in his grandfather's footsteps.

Pinababa niya ako dahil may gusto siyang sabihin sa akin-hindi sabihin, may inuutos na gawin. Hindi talaga halatang Elizondo ang lalaking ito. Pareho na pareho sila ng lolo niyang mahilig mangdikta.

Libing daw pala kasi ngayon ng ina ni Amber. Doon lang pala pinaglamayan sa States ng isang linggo tapos dito sa Sta. Lucia ililibing at wala talaga akong pakialam. If only he didn't require my presence. Damn him. I am not in the mood to go out and see people now.

"Why do I have to be there pa ba, ha? Pupunta ka naman. Bakit pa ako kailangang sumama? Ayokong makakita ng mga tao ngayon! I only want to see my pigs!"

"Pakikiramay tawag diyan, senyorita."

"Pakikiramay? Baka pakikipag-plastik?"

Inalis niya ang tingin sa plato at itinaas para tignan ako nang masama na matapang ko namang sinalubong.

Totoo naman. Anong pakikiramay? Duh! As if the De Silva's would love to see me there. Certainly, that family despises me, like how I dislike Amber and Spencer Lagdameo. So why even bother to flaunt my awesomeness there? They don't deserve my magnificent presence. Para naman kasing makiiyak rin ako at makikihagulhol.

"Whatever you call that, you need to be there."

"You sound like Salvador Elizondo himself, don't you know that?"

Nagkibit-balikat lang siya.

I wasn't expecting such a reaction from him. Being compared to that old geezer is not even flattering. Didn't he know that Salvador Elizondo is the bastards of all bastards? I grew up watching that old geezer's rudeness and bullshits. Walang araw noon na hindi ko ito nakikitang nanampal at naninigaw ng mga tauhan niya. Kapag hindi naayon sa gusto niya ang mga nangyayari sa hacienda at kompanya, hindi ito magdadalawang isip na manakit.

Pareho silang dalawa ng anak niyang si Selene. Ginagawang bisyo ang pananakit ng mga taong pakiramdam nila nabili na nila ang buong pagkatao.

"Hey, you." Dinuro ko siya gamit ang tinidor na hawak. "Don't you even get flattered if someone compared you to that old man. Hindi mo kilala ang matandang iyon."

"I know him better than you do."

I move a muscle in my face. "Why?"

"I'll tell you when you grow up."

"Bastard."

He smirked. "That's my other name."

He stood up after wiping the sides of his mouth.

Tinignan ko ang plato niya dahil hindi ko naman siya nakitang sumubo tapos may papahid-pahid pa siya sa bibig niyang nalalaman.

"Are you done?"

"Yes. After you finish your food, prepare yourself."

"Huh?" nagtataka kong sambit saka muling sinilip ang plato niya.

Blooming Rose in the Dusky NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon