Chapter Twenty-Four
Revelation
I cleared my throat and gathered myself for a proper seat when I realized that I had my reaction exaggerated. Ngayon ko lang naisip na wala namang nakakagulat sa sinabi ni Tyler para magulat at kabahan ng ganoon.
"What about Spencer's identity? Ano ang dapat kong malaman sa pagkatao niya?"
Tyler smiled apologetically. "I'm sorry. I hope I didn't sound pushy. Wait, did I?"
"Not really but you made Spencer Lagdameo sounds like a terrorist."
Tumawa ito nang mahina. "I apologize. I was just trying... well..." Umayos ito ng upo. "I didn't mean to intrude, but I heard that things have been patched between you two."
Muli akong nagulat sa narinig. I arched my brow and chuckled in mock disbelief.
"Where did you get that?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
Syempre sa kapatid niya. Sa kapatid niyang umiyak at maghayag ng busilak niyang pagmamahal para kay Spencer Lagdameo kanina lamang. Kapag naiisip ko 'yon, naiinis na naman ako.
"From my sister."
Tumango-tango ako. "Amber. Ano ang sinabi niya?"
"Not much really. Pero naabutan kong umiiyak sa clinic niya. Wala na akong ibang maisip na dahilan kun'di si Spencer."
"Spencer? Hindi Kuya?" taas kilay kong tanong.
For the last time I remembered, magkapatid sila ni Spencer dahil tinatawag niya itong 'Kuya' habang tinawag namang 'anak' ng Papa niya si Spencer.
"Spencer," Tyler replied casually.
"Why?"
"Things changed."
I dryly nodded. "Oh?"
"Kaia," Tyler mentioned my name seriously.
Kung gaano nakakagulat ang bigla niyang pagsulpot at ang sinabi niya tungkol kay Spencer, ganoon din nakakagulat ang titig at himig ng boses niya. Parang may dala siyang bomba na handang sumabog kahit kailan.
"Yes?"
"Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko noon." Tyler bit his lips and shook his head wryly. "That was certainly wrong. I'm sorry if I made you feel cheated. Alam kong mabibilang lang ang panahon na nag-usap tayo noon pero gusto kong malaman mo na totoo at sinsero ang lahat ng mga sinabi at pinakita ko sa'yo noon. Lahat. Pati 'yong galit ko kay Spencer dahil sa ginawa niya kay Ate. I admit it."
"You know what? I am not comfortable talking about this."
Ibinaon ko na sa limot ang ginawa nila sa akin noon pero ngayon na binalikan nito, bumalik din ang inis at sama ng loob ko sa kanila lalo na kay Spencer.
"I'm sorry."
"It's okay. Hindi ko naman talaga matatakbuhan at mapipigilan na ungkatin ang bagay na iyan panghabang-buhay. Do you have any idea why he did that? Sinabi niya ba sa inyo ang dahilan kung bakit niya ginawa ang pankukunwaring iyon?"
"He needs to protect the company from Don Salvador Elizondo's ex-wife and from your father's father. Hindi nilang pwedeng malaman na isa kang tunay na Elizondo dahil magagamit ng mga taong iyon ang katotohanan para makuha ang kompanya. I don't understand... I really found that bullshit."
Marahan akong tumango. "I see."
"I'm sorry, Kaia." Tyler looked at me apologetically. "I'm sorry. I always regret the time I spent stopping myself rather than showing my real feelings."
![](https://img.wattpad.com/cover/188506093-288-k174418.jpg)
BINABASA MO ANG
Blooming Rose in the Dusky Night
Ficción GeneralKaia Isabelle Elizondo is not one of those helpless creatures waiting for prince charming to appear on her doorstep, sweep her off her feet and bring meaning to her life. She doesn't need a natural hero with six-pack abs and whose skills ensure he'l...