Chapter Nineteen

5.8K 338 36
                                    

Chapter Nineteen

Fiance

Pumalit ang sunod-sunod na pintig ng puso ko sa musika. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng puso ko? Hindi ko rin mawari kung galit ba iyon o talagang ganoon pa rin ang epekto niya sa akin?

Kinuyom ko ang mga kamao bago tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan ko na parang walang nakita at narinig.

"Kaia Isabelle,"

Naramdaman kong tumayo siya at sinundan ako kaya binilisan ko ang mga hakbang. Ayaw ko siyang makausap. Ayaw ko siyang makaharap. Matagal ko na siyang kinalimutan maging ang ginawa niya sa akin noon.

Aaminin ko na nang mga unang taon na iniisip ko na gantihan siya kasama ng mga taong nanloko sa akin. I tried to get my revenge pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko mas lalong lalaki ang sugat dito sa puso ko kung gagawan ko sila ng masama kagaya ng ginawa nila sa akin.

Mas lalong hindi ako sasaya, mas lalo akong malulugmok, mas lalo akong hindi makakaahon kaya pinili kong kalimutan na lang ang lahat. I forced to forget their existence and tried to live a new life. Pero bakit ayaw pa rin nila akong tigilan?

"Kaia Isabelle,"

Huminto ako sa paglalakad nang naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Naalala ko ang ginawa niya sa akin nang gabing iyon kaya biglang nanginig ang katawan ko na pilit kong ikinubli.

I turned around and looked at him coldly. "Yes?"

Marahan kong binawi ang braso at ipinuwesto sa likuran para itago ang panginginig ng mga kamay.

Matagal siyang tumitig sa akin. Blanko man ang ekspresyon ng mga mata niya, alam kong hindi niya pinatos ang pakikipag-plastik ko.

"How... how are you?"

My trembling fists clenched with absolute disgust. Hindi ko alam kung paano niya nagawang sambitin ang mga salitang iyon na parang tunay siyang may pakialam kong kumusta ako?

He is very good at acting. This is his expertise.

"Why do you ask?"

He cleared his throat. "I'm... well... it's good to see you back."

"Likewise.", I said dryly.

Napansin kong tumitig siya nang matagal sa mukha ko. Partikular sa mga pasa ko kaya iniwas ko ang tingin.

"Excuse me."

"Wait!" pigil niya ulit sa akin sabay humarang sa dinaraanan ko.

"Yes?" Kumurap ako. "May sasabihin ka pa? Why are you doing here by the way?"

Umayos siya ng tayo sabay ibinulsa ang mga kamay sa suot niyang pantalon. Pasimple ko siyang hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Wala pa ring pinagbago sa ayos at porma niya. Ganoon pa rin siya manamit. Hindi mo mahahalatang mahirap, walang puso... at mamamatay tao.

"Your grandparents invited me for a dinner."

I gently nodded. "I see you. You're quite close with them, are you? How often do you visit here?"

"My first time after four years."

"Ahh.. Sa labas kayo nag-uusap?"

Hindi siya nakasagot. Tumitig lang siya sa akin. Ayaw kong makipagtitigan pa sa kanya nilampasan ko na siya.

Naramdaman kong sumunod siya sa akin kaya gusto kong bilisan ang mga hakbang pero ayaw kong isipin niya na iniiwasan ko siya. Binagalan ko pa ang paglalakad at hinintay siya na makasabay sa akin.

"It's not what you think it is."

Nilingon ko siya nang marinig ko siyang magsalita. "Pardon?"

Nilingon niya ako at sinalubong ang mga mata ko. "It's not what you think it is."

Blooming Rose in the Dusky NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon