Chapter Twenty
Kidnap
I wasn't able to sleep that night. Dilat na dilat ang mga mata kong hilam ng luha hanggang umabot ang panibagong umaga. Ang pinakakainis sa lahat, hindi ko alam kung ano ang iniiyakan ko. I don't know. Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya. Wala rin akong pakialam kung totoo ba iyon o hindi? Spencer ought to live a life somewhere. Whether he truly cared for me or not, his place is not in here.
"Ma'am,"
Mula sa tanawin sa mga labas, dahan-dahan akong pumihit paharap at tinignan si David.
"Yes?"
Lumapit ito sa akin at may ibinigay na mga papel. Iniisa-isa kong tinignan. It's Spencer's bank transaction for the past four years.
He had enough millions in his bank accounts-- both locally and internationally. Marami rin siyang withdrawal na naganap sa ibang bansa. Particularly in New York. Marahil totoo nga siguro ang sinasabi niya na sinusundan niya ako at naroon siya sa suite ko upang iligtas ako at hindi upang patayin.
This is probably still part of Salvador Elizondo's plan. Kaya marami siyang pera dahil kailangan niya ng pantustos para masundan ako kung saan ako pupunta.
"Do you know about this, David?" Mula sa mga papel, inilipat ko ang tingin kay David. "Alam mo ba na sinusundan niya ako?"
"I don't know, Ma'am."
"Pero alam mo kung ano ang pinagawa ni Salvador Elizondo sa kanya?"
"I know about the plan to trick your grandparents. But I didn't know the mission he vowed to fulfill."
"Sa tingin mo ba, parte pa rin ng sinumpaan niya kay Salvador Elizondo ang pagsunod sa akin para masigurado ang kaligtasan ko?"
"Considering the millions on his bank account, it's probably, yes."
Binaba ko ang kamay na may hawak na papel saka itinuon ang tingin sa kawalan.
I heavily sigh. Hindi niya na ito dapat ginagawa. Amber was right with his words before.
He has a life, too. They have a life, too. He's not getting any younger. At his age, he should settle down already. Hindi niya pwedeng ubusin ang oras niya kasusunod sa akin.
I pursed my lips and faced David again. "David,"
"Yes, Ma'am?"
"Do you know where's Amber de Silva now?"
Marahan na tumango si David. "Yes, Ma'am."
I gently nodded. "Okay. Please bring me to her."
Sinigurado kong nakaalis na sina Jacquelyn Elizondo at Albert Fajardo bago ako umalis ng mansion. Si Phil ulit ang nakita ko sa labas. Mag-isang nakatayo sa harden na parang may malalim na iniisip.
Nakikita ko ang sarili ko noon dito at ngayon ko lang na-realize na nakakaawa pala talaga ako tignan. Mabuti nga itong batang ito hindi nakikipag-usap sa mga rosas kagaya ng ginagawa ko noon.
Pinakilos ko ang kilay bago nagtungo sa garden dahil gusto kong mang-asar. Ang bagay na ito ang pinakana-miss ko sa lahat. Wala akong maasar doon sa New York dahil hindi basta-basta naasar si Ashton lalo naman si David.
"Do you love roses?"
Nakita kong kumurap ito at gulat na ibinaling ang tingin sa akin. Umiling ako nang makita ang mabilis na pagkakasalubong ng kilay. The hostility and cockiness reminds me of someone.
"Are you gay?"
Muling nagkasalubong ang mga kilay nito. "What?"
"You love roses. That's unusual for a guy."
BINABASA MO ANG
Blooming Rose in the Dusky Night
Художественная прозаKaia Isabelle Elizondo is not one of those helpless creatures waiting for prince charming to appear on her doorstep, sweep her off her feet and bring meaning to her life. She doesn't need a natural hero with six-pack abs and whose skills ensure he'l...