Chapter Twenty-Five

7.1K 381 186
                                    

Chapter Twenty-Five

Question

There's no way that I wouldn't get even. Ang plano ko ay magpakita kay Spencer ngayon para sampalin siya pero hindi ko na iyon nagawa dahil pagkatapos kong marinig ang mga tanong at sagot niya mabilis akong tumalikod at tumakbo papalabas ng kwarto na parang hinahabol.

Si Ashton na abala sa pagpapa-cute sa mga bodyguards, nagulat at natigil sa ginagawa.

"Kaia girl, anong nangyayari sa'yo?"

"Let's go, Ashton." Hinawakan ko ang kamay nito at hinila. "Let's go."

"Ha? Teka, hindi ko pa nakuha ang number ni koya. At teka? Tapos na ba kayong mag-usap? Ang bilis naman yata."

Hindi na ako sumagot. Patuloy ko lang na hinila si Ashton patungo sa basement. Doon na ako nagsalita nang makapasok na kami sa sasakyan.

"I think he has amnesia, Ashton."

Ashton's eyes widen. "Ha? Amnesia? As in Dao Ming Xi?"

"Anong Dao Ming Xi?" Dinala ko ang mga kamay sa steering wheel para doom kumuha ng lakas. "May amnesia siya. Si Spencer."

"What? Paano mo nasabi? Nag-usap ba kayo? Dineny ka ba? May pa 'who are you' ba nang makita ka?"

"No. But he is asking weird questions. And the way he stared at me... galit siya sa akin. Ganoon 'yon titig niya sa akin matapos kong mag-eskandalo sa kasal nila ni Amber."

"What? Nag-eskandalo ka? Sa kasal nila?"

Pumikit ako at umiiling. "Forget it. Let's go."

I started the engine and maneuvered the car outside the basement. I had so many questions pero hindi na ako magsasalita. Hindi na rin ako magtatanong. Dadagdagan ko lang ang sakit sa loob at puso ko. I should leave and live a life somewhere. Away from all of these. Away from them.

Ashton was kept on bugging me about Spencer's condition. Pero ayaw ko na talagang magsalita hinggil sa kanya. Ayoko na siyang pag-usapan. Hindi rin naman ako sigurado. Paano kung nagkukunwari lang pala siya para hindi ko siya masumbatan? I don't know. Mas lalo akong nahihilo. Ayoko ka na talaga. Gusto ko ng mamuhay nang tahimik.

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo, Kaia girl?"

I nodded. "Yes. So zip your mouth and hold your tongue. Walang pwedeng makakaalam kung saan ako nagpunta kun'di ikaw lang."

"Paano kung ipa-kidnap ako at pagtangkaan na gahasain ni Spencer Lagdameo, ha? Hindi pa rin ako magsasalita? Ipagpapalit ko ang pagkababae ko sa'yo?"

"That wouldn't happen." I declared with assurance.

"Paano ka nakasisigurado, ha?"

"Dahil bukod sa wala siyang pakialam sa akin, hinding-hindi ka pagtatangkaan na gahasain no'n."

Sumimangot ito kaya natawa ako nang mahina.

Kinuha ko ang passport sa kamay nito at ang dalawang bagahe saka nagpaalam.

"I'm going."

"Kaia girl, hindi mo kayang mamuhay mag-isa. Lalo na sa New York. Malungkot mag-shopping at pumunta ng bar mag-isa."

Ngumiti lang ako at isinuot ang sunglasses. Tumalikod na tapos itinaas ko ang kamay na may hawak na passport at marahan na iwinagayway.

"Bye, Ashton."

"Kaia girl! Huwag mo akong iwan!" nguwa naman nito nang malakas na parang kung sinong iniwan ng jowa.

Kahit umabot na ako sa departure area rinig ko pa rin ang malakas nitong pagnguwa. Sa tingin ko matatagalan pa ito sa pag-alis dahil may drama kaya umupo na muna ako at hinintay itong matapos.

Blooming Rose in the Dusky NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon