Chapter Nine
Visitor
Marahas kong itinapon sa kama ang shoulder bag dahil sa inis-- No, hindi inis-galit. Galit ako. Galit na galit ako kay Amber de Silva, kay Spencer Lagdameo-sa lahat! Galit na galit ako sa kanilang lahat ayaw ko silang makita at makausap!
Pabagsak akong humiga sa kama saka marahas na sumisipa-sipa sa hangin.
Damn it! What the hell that just happened? Bakit ganoon? Bakit nag-yes ang Amber na iyon? Damn that woman! Hindi siya dapat nag-yes! Hindi siya judge ng Pilipinas Got Talent! Higit sa lahat hindi sila bagay ni Spencer Lagdameo!
"Hindi ba, Senyorito?"
Itinaas ko sa hangin si Senyorito at malamlam na kinausap.
"Sabihin mo sa akin na hindi sila bagay. Hindi sila bagay dahil masyado silang perfect tignan. Iba ang nababagay kay Spencer Lagdameo. Mas bata sa kanya. Matangkad na may kulay brown tapos straight na buhok. Nagsusuot siya ng mga hikaw na mahaba at malaki tapos mahilig sa skirt at off-shoulder. Higit sa lahat, maldita na medyo spoiled brat at kulang sa aruga. Iyan! Iyan na babaeng iyan ang nababagay sa kanya. Hindi ba, Senyorito?"
Tumango-tango si Senyorito dahil pinatango ko kaya napangiti ako.
"Sabi ko na nga ba. Hindi si Amber ang nararapat sa kanya kun'di ang babaeng iyon! Ah, I love you, Senyorito! Pareho tayo ng perspectives in life!"
Hinalikan ko nang paulit-ulit ang unggoy bago niyakap nang sobrang higpit.
"I love you so much!"
"Kaia Isabelle,"
"Iyang senyorito na iyan hindi ko love."
Sumimangot ako at napatingin sa pintuan nang marinig ang boses ni Spencer Lagdameo mula sa labas.
"I hate him! Hindi ko na siya kakausaping muli!" I roared as I rolled to the other side of my bed.
"Kaia Isabelle, are you there? Open the door. Let's talk."
I knitted my lips and rolled my eyes in silence. Bakit ko maman siya kakausapin? Who is he in the first place? I don't know him.
"Kaia Isabelle, I said open the door."
Hindi pa rin ako sumagot. Muli ko lang tinignan si Senyorito at hinalikan. Nakita ko si Pigtail sa tabi kaya ipinakilala ko silang dalawa.
"Pigtail, this is Senyorito. He's a friend, so be good to him, okay?"
Pinatango ko si Pigtail kaya ngumiti ako sa tuwa. Sa iba ko na naman sana ipakilala si Senyorito pero muli kong narinig ang pagkatok ng pintuan at ang boses ng bwusit na si Spencer Lagdameo.
"Bubuksan mo ba ang pintuan, Kaia Isabelle o hindi?"
Hindi pa rin ako kumibo. Umismid lang ako saka tumayo sa kama dahil ipakikilala ko si Senyorito sa mga mahal kong pigs.
Nasa isang sulok sila ng kwarto at nakalagay sa isang napakalaking cabinet. I count them every day and I have a total of 1,758 pigs in different shapes, sizes, colors and faces. Ang dami-dami na nila kaya gusto ko sana ng extension sa kwarto pero wala na ang matanda kaya wala ng susunod sa gusto ko.
Natatakot ako na baka ma-suffocate sila that's why I am planning of working na. I need money for my pigs. Hindi ko sila kayang makikita na masu-suffocate.
Isa-isa ko na sanang ipakikilala si Senyorito sa mga mahal kong baboy pero hindi ko na nagawa dahil biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.
Nakita ko si Spencer Lagdameo na dumiretso sa paglalakad patungo sa akin. Masama ang tingin niya at magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay kaya bigla akong nag-panic.
![](https://img.wattpad.com/cover/188506093-288-k174418.jpg)
BINABASA MO ANG
Blooming Rose in the Dusky Night
Fiksi UmumKaia Isabelle Elizondo is not one of those helpless creatures waiting for prince charming to appear on her doorstep, sweep her off her feet and bring meaning to her life. She doesn't need a natural hero with six-pack abs and whose skills ensure he'l...