Chapter Seventeen
Truth
Labag man sa kalooban, pinilit kong humakbang papasok sa bahay na hindi ko na hinihiling pa na mapuntahan muli. I remembered the last time I went here. Nagbanta ako at nagpakawalanghiya sa harap ng mga tao mas matanda sa akin dahil kay Spencer na alam kong may tinatago at inililihim sa akin.
"Oh? Look whose here for a visit, Albert."
Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko ang magalak na pagsalubong ni Jacquelyn Elizondo sa akin pagpasok ko sa loob.
"Ang pinakamamahal nating apo! Hi, sweetie!" Lumapit ito sa akin at bineso ako kaya mabilis na umikot ang mga mata ko. "It's great to see you!"
"God knows that the feeling is not mutual." walang habas kong saad sa mukha ni Jacquelyn Elizondo.
Humalakhak naman ito na parang nagbibiro ako at hindi nang-iinsulto.
"I know, my dear. I know. But whatever hard feelings we had from each other, you're still welcome here. C'mon!"
Hinawakan ako nito sa braso at iginiya sa veranda kung saan nakita ko si Lolo na nakatayo at nakatanaw sa akin.
"What do you want for a drink?"
"No. Thank you. I'm fine." sagot ko tapos uupo na sana pero hindi ko nagawa dahil sa sinabi nito.
"Don't worry, dear. Wala kaming lason dito."
"I know. Dahil makakapal ang mukha lamang ang meron."
Mabilis na napawi ang ngisi nito kaya bahagya akong ngumisi bago tuluyang umupo.
"Kuasapin mo itong apo mo, Albert. Baka hindi ko ito matantya."
Natawa ako nang malakas nang marinig ang ibinulong nito sa lolo ko.
"Glad to hear that. Akala ko ikaw lang ang hindi ko kayang tantyahin."
"What brought you here, Kaia Isabelle?" palit ni Lolo sa usapan bago pa makasagot ang namumula na sa inis na katipan.
I shrugged my shoulder and raised my brow. "Tell me the truth and I'll give you two the privileges and things that you wanted."
Nakita kong sumulyap ng tingin si Jacquelyn Elizondo kay Lolo na mabilis na kumunot ang noo nang marinig ang sinabi ko.
"Pardon, honey?" Jacquelyn Elizondo asked interestingly.
Ngumisi ako saka sinandal ang likuran sa upuan at pinagkrus ang mga braso na tinitigan ito.
"Huwag na tayong maglaro pa, Mrs. Elizondo, dahil hindi na tayo mga bata. Alam naman ng buong mundo na iisa lang tayong tatlo ng kulay. Iisa lang tayo ng layunin. You want money. I want my share, too. Ngayon na narito na ako at ako pa ang kusang lumapit, bakit hindi na lang tayo magtulungan para mapabagsak ang mga Elizondo."
The old woman laughed hysterically, too much of my disgust.
"Oh, dear." Muli itong tumawa kaya hindi na natuwa ang kilay ko. Kung kanina, gusto ko pa siyang bahagian ng mana, ngayon hindi na. "Oh, dear. You really don't know anything, do you?"
"Kung may alam ako, hindi ako pupunta rito para lang masilayan ang nakakainis mong mukha."
Tumigil ito sa pagtawa at nilingon si Lolo.
"No doubt. This attitude. This is an Elizondo and a Fajardo combined."
Muli itong tumawa nang nakaka-bwusit habang nagkasalubong ang mga kilay ko.
"Excuse me? What did you say?"
"Shall we tell her the truth, darling?"
Lolo had his gaze at me as he replied. "If she wishes."
BINABASA MO ANG
Blooming Rose in the Dusky Night
Genel KurguKaia Isabelle Elizondo is not one of those helpless creatures waiting for prince charming to appear on her doorstep, sweep her off her feet and bring meaning to her life. She doesn't need a natural hero with six-pack abs and whose skills ensure he'l...