Chapter Fourteen

5.6K 327 45
                                    

Chapter Fourteen

Light

"If you are looking for a rustic place to reconnect with nature the Texas Hill Country has unique accommodations to suit your needs and wants, Ms. Kaia. Aside from that fact, Hill Country is an easy and scenic place. The area also holds the appeal of having the best vistas and the coldest, clearest water in Texas."

The woman in her mid-20's smiled at me as a way to end her presentation. Kanina pa siya nagsasalita. Kung ano-ano na rin ang mga lugar at tanawin ang naka-flash sa wide screen. But I am not in the mood to interact. All throughout the presentation, I was being silent. Diretso ang tingin ko sa screen pero ang utak ko wala sa sinasabi niya maging sa mga magagandang larawan.

"Ms. Kaia?" the woman called my attention politely. "Are you alright, ma'am?"

Hindi pa rin ako umimik o sumagot kaya nanghingi na ito ng tulong kay David na mabilis na lumapit sa akin.

"Senyorita, may gusto ba kayo na lugar na hindi nasama sa presentation?"

Marahan akong umiling bilang sagot.

"Nakapili na ho kayo?"

Tumango ako saka tinignan si David. "Sinabi ko na kay Spencer. Sa Lolo ko. Doon ko gustong tumira."

Tumayo ako sabay inilapag sa mesa ang brochure na hawak saka tumalikod para lumabas. Kanina ko pa gustong lumabas. Pinilit ko lang ang sarili na manatili dahil ang akala ko malilibang ako. I was really thinking that it will but it didn't even help even a bit.

I was slouching while walking in a slow pace along the hallway. I had my gaze fixed at my stilletos while walking. They say that good shoes take you to good places. I want to be in good places kaya lahat ng mga sandals at sapatos ko magaganda. Lahat branded at mamahalin. Isang beses ko lang din sinusuot maliban kong may paborito ako. Pero bakit hindi ako dinadala ng mga ito sa magagandang lugar? Bakit sa pinakamasalimuot at pinakamalungkot na lugar?

"Senyorita," narinig ko ang boses ni David mula sa likuran ko. "I already phoned your grandfather and he said okay."

I chose not to respond. Huminto ako nang umabot sa tapat ng kwarto ni Spencer at tumingin kay David.

"Where is he?"

"He's... he's in the company, ma'am."

David was lying. Alam kong nasa loob si Spencer nagtatago pero nakikinig.

Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan sa trip niya. Maayos naman ang pag-uusapan namin kahapon. He agreed to my request. Although he didn't talk to me after that anymore. Hindi pa siya nagpapakita sa akin hanggang ngayon. Aalis ako nang hindi siya makikita sa huling pagkakataon dahil sa arte niya. What a sour loser? Parang first time magkagusto at magkaroon ng feelings sa isang babae para umaktong ganyan. Sa aming dalawa ako ang dapat mag-inarte dahil ako ang babae, hindi siya. Tsk!

"Really?"

Magalang na tumango si David bilang tugon sa tanong ko.

"How is he? Hindi ba umiyak?"

Hindi sumagot si David sa tanong ko at gulat lang na kumurap.

"Tell him to pull himself together. Hindi siya pwedeng maging malamya dahil maraming nakadepende sa kanya."

Tumigil ako para bumuntong-hininga nang malalim.

"Everything will be alright." I resumed in a low voice. "When there were ashes, there will always be new traces of faith. Wherever you go and whatever you do, have hope inside you. Everything happens for a reason."

Ilang segundo pa akong tumayo sa harap ng kwarto niya bago naglakad papunta sa elevator. Matagal pa nang natapos ang mga katiwala sa pagbaba ng mga gamit kaya nagpunta muna ako sa garden. Nalulungkot ako at mabigat ang dibdib ko.

Blooming Rose in the Dusky NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon