Chapter Fifteen
Minute
"Kaia!"
Mabilis kong pinaikot ang mga mata nang kinaumagahan at paglabas ko sa elevator mukha kaagad ni Tanya ang nabungaran ko. Kumakaway na naman na parang bulag ako at hindi ko siya nakikita.
"Kaia! Yohoo! Narito ako!"
"So?" taas kilay kong saad nang makalapit na mabilis nitong ikinasimangot.
"Tse! Ikaw na ang binisita, ikaw pa 'tong nagmiminaldita.
Huminto ako at hinarap si Tanya nang naka-krus ang mga braso.
"Bakit? Sinabi ko bang bumisita ka? Bakit ka nga ba narito?"
"Sabado ngayon. Umuwi ako dahil wala na akong pera. Nanghingi ako kina Mama."
My brows crumpled. "What? Iyong totoo, nag-aaral ka ba, babae, o nagtatrabaho?"
"Syempre nagtatrabaho." proud nitong sagot.
"Nagtatrabaho tapos nanghihingi ng pera? Gaga ka ba?"
Pinaikot nito ang mga mata. "Hello! Ang mahal kaya ng cost of living doon sa city. Lahat binibili. Hindi ka maniniwala, Kaia, pero iyong malunggay na ninanakaw ko lang sa kapitbahay namin pinagbibili doon. Pati bayabas na nakikita lang natin dito sa kung saan-saan pinagbibili. Grabe!"
"Tapos? Hindi naman iyan ang point. Ang point, nagtrabaho ka pa kung manghihingi ka lang din naman sa mga magulang mo?"
Ngumuso ito. "Ngayon lang 'to. Magdadala na ako ng rice cooker at kalan para magluluto na ako at hindi na bibili araw-araw."
Kumunot ang noo ko. "Anong kalan?"
"Duh! Iyong lutuan na uling ang ginagamit. Shunga ka ba, Kaia?"
"Alam ko kung ano ang kalan!" I shouted. "Ang ibig kong sabihin, bakit kalan ang dadalhin mo? Bakit hindi electric stoves or whatever?"
"Duh! Ang mahal kaya niyan. Alangan naman dalhin ko 'yong sa bahay namin tapos sina Mama ang pagagamitin ko ng kalan? Shunga ka ba, Kaia?"
"Isa na lang, palalayasin na kita."
Hulakhak ito tapos niyakap ako sa braso.
"Ano ba? Get away!"
"Sus! Arte! Nagugutom ako, Kaia. Pakain ng cake."
"Wow! Nagde-demand?"
"Hindi, ah. Bakit naman ano magde-demand? Iyong black forest gusto ko, Kaia."
"May forest doon sa likuran. Iyon ang kainin mo."
Humagikhik lang ito sabay hinila ako patungo sa kitchen.
"Ano ba? Bakit mo ako sinasama? Ayaw kong kumain."
"Hindi ka naman kakain. Ikaw lang naman ang mag-uutos."
"At bakit ako?" I raised my brow. "Ako ba kakain?"
"Hindi. Pero ikaw ang senyorita rito. Susunod sila sa gusto mo. Nga pala, speaking of that." Huminto ito tapos tumingala sa itaas. "Nasaan si Spencer. Sabado ngayon. Walang pasok. Bakit hindi ko siya nakikita?"
"Malay ko. Mukha ba akong tanungan ng nawawalang kalabaw?" maldita kong pahayag.
Hindi ko naman talaga alam kung nasaan siya. Sinilip ko siya sa kwarto niya kanina pero naka-lock. Umalis yata or whatever.
"Grabe, Kaia. Hanggang ngayon, hindi pa rin ba kayo friends ni Spencer?"
Hindi ko alam kung nagbubulagbulagan o sadyang tanga lang ba talaga itong si Tanya? Pero kung alin man doon, nagpapasalamat ako.
BINABASA MO ANG
Blooming Rose in the Dusky Night
General FictionKaia Isabelle Elizondo is not one of those helpless creatures waiting for prince charming to appear on her doorstep, sweep her off her feet and bring meaning to her life. She doesn't need a natural hero with six-pack abs and whose skills ensure he'l...