LUNES. Kumalat ang balita sa buong campus tungkol sa pagkamatay ni Jean. Ipinakita sa punong guro ng university ang diploma na nakuha kay Jean pagkatapos ng kamatayan nito. Labis ang kanilang pagtataka kung bakit ito nagkaroon ng diploma kahit hindi pa man sumasapit ang araw ng graduation. Hindi pa rin niya naipapagawa ang mga diploma at naaayos ang mga emportanteng dokumento ng mga graduating students kaya saan galling ang diploma ni Jean? Nakuha daw ito sa kanyang mga kamay noong mahulog ito sa bintana nila sa nasusunog nilang bahay. Naging palaisipan ito sa buong campus. Nag-alay sila ng kandila sa malaking litrato ni Jean na naka-paskil sa dingding bilang pakikiramay.
Samantala, habang naglilinis ng bahay si Lea ay ngayon lang niya ito napansin. Nawawala yata ang itim na toga na kinuha niya kina Michelle. Ang isinumpang toga. Saan ito napunta? Pabalik-balik na lang siya at paikot-ikot sa kakahanap dito ngunit bigo siyang makita ito. Agad niyang tinawagan si Michelle at sinabi na nawawala ang toga. Labis din ikinagulat ni Michelle at naalala niya na bigla na lamang niya ito nakitang nakapatong noong gabing nakauwi siya matapos ma-confine ng kalahating araw sa ospital. Nakalimutan lamang daw niya sabihin kung bakit napunta doon ang toga dahil sa mga pangyayari nitong mga huling araw na umiikot sa kanyang isipan at nagdudulot ng depresyon sa kanya.
PAGKAUWI ni Michelle ng gabing iyon galing sa paaralan ay agad siyang sinalubong ng kanyang ate Mish Chie. Sa kilos nito ay bumakas ang pagka-praning. "Michelle. May ipapakita ako sayo!" sabi nito at hinila ang braso ng kapatid at isinama sa loob ng kwarto.
"Ano ba yun ate?" nagtatakang tanong ni Michelle, ngunit sa kanyang loob, kinakabahan din siya sa di-malamang dahilan.
"Ate tignan mo itong class picture nyo, oh! Tignan mo yung nangyari sa picture dito ni Jean. Bakit nagka-ganito?" tanong nito at ipinakita ang class picture. Nang makita ni Michelle ang litrato, nahiwagaan siya ng husto. Dahil may marka ng ekis ang mukha ni Jean sa litrato! Tila isang matalim na bagay ang ipinang-marka dito, papaano nangyari iyon? Sabik na malaman ni Michelle kung anong klaseng pangitain na naman iyon. Nagkataon na wala siyang load na pantawag kaya ang ginawa niya ay kinuhanan ng litrato ang mukha ni Jean na may ekis pagkatapos ay ipinadala niya ito kay Lea sa pamamagitan ng MMS Message at nilagyan ng caption na: "Tita Lea. Alam nyo ho ba kung ano ang ibig sabihin nito? Bigla nalang po lumitaw yan kanina sa class picture. Ang ekis sa mukha ni Jean." Ilang minuto ang lumipas bago natanggap ni Lea ang MMS Message. Nang mabasa niya ang caption at pinagmasdang mabuti ang larawan ay nireplayan niya si Michelle sa pamamagitan ng Text Message:
"Ang ekis sa larawan ay nagsasaad na ganap ng patay ang isang isinumpang estudyante na nakasoot ng toga. Malalaman nyo kung patay na ang mga estudyanteng sumoot ng toga kapag may lumitaw na ekis sa mukha nito sa class picture. Malakas ang kutob ko na iyon ang dahilan kung bakit nanatiling malinaw ang litrato nyo sa class picture, dahil ang kapalit nito ay mamarkahan ito ng ekis upang maipahiwatig na patay na ang estudyanteng tinutukoy nito."
Sa nabasa ni Michelle ay panibago na naman iyon sa mga listahan ng kanyang mga alalalahanin. Panibagong problema na iikot na naman sa kanyang isipan.
MARTES. Habang nasa canteen sila ay kanina pa napapansin ni Michelle na tila abala yata si James sa kausap nito sa cellphone. Ni-hindi man ito bumati sa kanila. Kaya naman lihim niyang sinundan ang lalaki sa library na madalas nitong tambayan kapag break time. Narinig ni Michelle ang lahat ng mga sinabi ni James sa kausap nito sa cellphone.
"Hello Bianca? Babe? Kamusta ka? Kumain kana ba? May pasok kami ngayon, eh. Break time lang namin kaya ako nakatawag. Balak ko sana bukas na umalis. Tatakas na ako para sayo, alam mo naman na mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat mapuntahan lang kita dyan sa Cebu. Handa kong iwan ang lahat para sayo. Patutunayan ko na deserving ako sayo. I love you Bianca! I really really love you!" umiiral na naman ang kadramahan ni James pagdating sa babae. Halos magpa-alipin siya kapag mahal niyang tunay ang isang babae.