Diosa

512 16 1
                                    

Solong anak si Jet. Ulila nang lubos. Mula nang mamatay ang mga magulang ay pinili niyang umuwi na lang sa bukid at doon mamuhay nang nag-iisa.

"Hindi ka ba nalulungkot dito, Jet?" tanong ng pinsan niyang si Fred nang minsang dayuhin siya nito ng inom sa kanyang kubo.

Bumuntung-hininga si Jet "Talagang malungkot ang nag-iisa, Fred."

"Mag-asawa ka na kasi. Nasa edad ka na naman."

"Magtitiis na lang akong mag-isa," pailing niyang tugon.

Buhat nang pagtaksilan si Jet ng kanyang first love ay nawalan na siya ng gana sa pag-ibig. Naging woman hater siya at naipangako sa sariling hindi na muling iibig pa. Ayaw na niyang maranasan ang muli

pang magtiwala at masaktan.

"Sakit ng ulo lang ang mga babae," aniya pa sa pinsan." Pag-iigihin ko na lang ang mga taniman."

Wala sa hinagap ni Jet na masisira ang pangako niyang iyon.

Isang araw ay pumunta siya ng gubat. Nangangahoy siya sa kasukalan nang marinig na may tinatahulan ang aso niya Tinunton niya

ang kinaroroonan ng alaga.

"Tiger! Tsuuuuuu!" tawag, niya sa aso.

Nagulat si Jet nang makita ang tinatahulan ng aso. Isa iyong napakagandang babae. Kung paanong napunta ito sa gubat ay isang malaking tanong. Ang nakapagtataka pa ay hubo't hubad ito nang matagpuan niyang nakahandusay sa damuhan.

Pinulsuhan niya ang babae. "Buhaypa 'to. Nawalan lang ng malay."

Napansin niyang may putok ito sa likod ng ulo at mababaw na taga sa likod. Tinalo ng hangarin niyang matulungan ang babae ang pagtataka kung paano at saan nito nakuha ang mga sugat na iyon. Pinangko niyaito.

"Kailangang magamot agad siya. Maraming dugo na ang nawala sa kanya," sabi niya. "At ang taas din ng lagnat..."

Dinala niya ito sa kubo at pinagpala; "Mayamaya lang ay mawawala na ang sinat niya," anas niya habang panay ang punas dito ng malamig na tubig.

Walang tulog si Jet nang gabing iyon. Magdamag na binantayan ang kalagayan ng babae. Gandang-ganda siya sa napakaganda at napakaamong mukha ng dalaga. Hindi niya makontrol ang sarili na pagmasdan ito.

Ipinagluto ni Jet ng mainit na sopas ang babae. Gising na ito nang balikan niya.

"Kumain ka para lumakas ka," nakangiti niyang sabi.

Gutom na gutom ang babae. Nasisiyahang pinagmasdan ito ni Jet habang kumakain.

"Ako nga pala si Jet. Ikaw ano ang pangalan mo?" nakangiti parin niyang pakilala sa sarili.

Natigilan ang babae. Rumehistro sa mukha ang pagkalito. "H-hindi ko alam," ang pagkuwa'y sabi. "Wala akong natatandaan."

Sinarili na lang ni Jet ang hinala na nagka-amnesia ito.

Napakaganda ng babae, kaya ang naisipang ipangalan dito ni Jet ay Diosa. Tila diyosa kasi ang kagandahan nito. Makinis ang maputing kutis. Mahaba ang kulay gabing buhok na bukod sa pinong mga hibla ay tuwid na tuwid. Maganda ang kabuuan ng mukha nito mula sa mapungay na mga mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi.

Ang katawan naman nito ay papangarapin ng sinumang lalaki.

"Nag-iisip ka na naman, Diosa," aniya sa dalaga nang makitang nakaupo sa malaking bato at malamlam ang mga matang nakatanaw sa papalubog na araw.

"B-baka sakaling maalala ko kung sino ako ..' kung ano ang pagkatao ko," hirap ang loob na sagot nito.

Mali, pero ang gusto ni Jet ay huwag nang magbalik ang alaala ng magandang babae. Ayaw niyang maala nito ang tunay na katauhan para makasiguro siyang hindi na ito mawawala sa kanyang piling. Sa simula palang kasi'y naramdaman na niyang umiibig siya rito.At ngayon ay malaking problema niya kung paano ipaalam dito ang pag-ibig na muling tumibok sa puso.

koleksion ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon