"Okay class dismiss!" yan ang 3 words na kapag nanirinig mo masaya na dahil uwian na! Maliban sa i love you ha?
Friday noon kaya naman mas masaya dahil walang pasok sa kinabukasan.Tinawagan ako ni Rayver.
"Tol' inuman tayo bukas ah, sa bahay ko, 3pm ha?"
"O sige sige!"
Si Rayver ang lider namin sa grupo namin, tuwing Saturday ay bonding time namin, kasama sa barkada ay sina Bong, Matt, Glenn, Jacob, Lucas, Jason at ako.
*******
Sabado na, at dumiretso na'ko sa bahay nila Rayver, pero bago yun. Dumaan muna ko' sa 7/11 bumili ng pulutan namin at alak, para-reserve? hehe.
Nakita ko sa kanto sila matt, jacob at lucas sumabay na ko sa kanila.
"O san yung iba?"
"Andun na nauna na sa bahay, inaantay ka namin e, san ka ba nanggaling?"
"Bumili ako nito o!"
Dumiretso na kami sa kanila, sakto naman at wala ang mga parents nila dahil nasa Cavite. Kaya sinolo namin ang bahay.
Nadoon kami sa sala lahat, dun kami nag-inuman nila Rayver, nilabas na ang beer at pulutan. Para mas masaya ay merong videoke na inarkila si Rayver kaya naman panay ang agawan namin sa mic.
Kung sino ang mas mababang score sa videoke, iinom.
Malas ni Jacob, dahil siya lagi ang may pinakamababang score, kaya ayun LASING! haha
Masayang-masaya nung gabing yun(drama?) lasing na lasing ang lahat kasama ko.
Buti na lang at wala doon ang mga magulang ni Rayver kaya naman kami ang gumamit ng kwarto nila, pati si Rayver ay doon natulog.
Hanggang sa may napansin akong anino na umaaligid ligid sa buong kwarto, hindi na ako nag-abala para alamin yun pero parang iba eh.
Siguro naman dahil sa kalasingan kaya kung anu-ano na lang ang nakikita ko. Tinulog ko na alng hindi ko na rin matiis.
******
Pagkagising ko ay nasa labas na sila ng kwarto, ako naman ayun may-hangover.
Tinignan ko at nakita na magulo ang sala, pero tandang-tanda namin na inayos naman namin yun, ang mga bote ng beer nakatumba ang videoke din, kaya nagtaka kami kung sino ang gagawa nun kaya naisip namin na baka may pumasok na magnanakaw.
Kinwento ko naman sa kanila ang nakita ko kagabi at sabi ni Matt at Bong may nakita rin daw nila na may umiikot ikot na anino sa kwarto.
Niligpit na nalang nila ang kalat dahil maya-maya ay padaingnaang mga magulang ni rayer.
Nakita ko si Rayver na parangn ninenerbyos, nahuhulog niya yung bote, kaya naman nilapitan ko siya at tinanong kung ano bang nangyayari.
"Alam niyo ba yun nakita niyo kagabi?"
"O anu yun?"
"Eto yung bantay nung bahay, kapag nakita niyong umiikot siya sa kwarto nagagalit yun, siguro dahil sa ginawa natin, nag-ingay tayo. Kaya naman bilang parusa, pinagwawasak niya yung bote, siya ang nagkalat sa bahay."
"Ba't ngayon mo lang sinabi."
"Baka kasi di na kayo bumisita dito ehh."
"At saka buti nga yun lang ang ginawa sa tin' e, kasi yung iba kapag nag-iinuman sila dad at mom dito kasama mga friends nila, kapag natutulog sila, nagpapakita pa mismo sa kanila yung anino at natatakot naman yung mga bisita nila kaya ayun, never na silang bumabalik dito."
"Buti naman kung ganon."
Maayos na ang buong bahay at umalis na rin kami, hinatid na kami ni Rayver sa labas.
Siguro ganun lang talaga sila, pinoprotektahan lang nila ang bahay, mag-iingat sa mga lugar na iyong pupuntahan, may mga lugar na dapat at hindi dapat.