The Ondoy Ghost Story

473 9 0
                                    

"Ito ay hango sa totoong salaysay ng isang Taxi Driver noong magbakasyon ako sa Pilipinas ng Disyembre ng 2010."

****

...

April 26, 2010, Summer. Bakasyon ng mga Studyante. Pitong buwan matapos tumama sa Pilipinas ang Bagyong Ondoy. Mainit a...t ilang buwan na ring walang ulan. Isang Taxi Driver sa Marikina ang tumatakbo sa kahabaan ng Gil Fernando Ave. Ng my pumarang babae na nasa Late 30's ang edad.

Taxi Driver: San po kayo ma'am?

Pasahero: Handa kong magbayad kahit magkano..ikutin naten buong Marikina. Hinahanap ko kase ang Anak ko.

Dahil sa naawa naman ang Driver kaya pumayag na rin ito.

Taxi Driver: Mga ilang taon na po ba ang anak nyo Ma'am?

Babae po o Lalaki?

Pasahero: Sampung taong gulang. Babae.

Taxi Driver: Kailan pa ba sya nawawala?

Pasahero: Pitong Buwan na..

Taxi Driver: Naipablotter nyo na po ba?

Pasahero: Pumunta ako ng Prisinto pero di nila ako pinapansin.

Binalewala lang ako.

Taxi Driver: Ganun po ba? cge po.. iikutin natin yung mga posibleng mapuntahan nya.

Makalipas ang Halos dalawang Oras.

Taxi Driver: Ma'am.. mukha pong malabo naten makita ang Anak nyo.. isa pa.. magaalas-dose na ng gabi..samahan ko na lang po kayo sa Prisinto.

Pasahero: Huwag na.. ilang beses na rin akong nagpabalik-balik doon. Pero para silang Binging hindi ako naririnig.

Taxi Driver: Ganun ba? San nyo po ba huling nakita ang anak nyo para mapuntahan naten ang Lugar.

Pasahero: Sa bahay.. malakas ang ulan noon. Walang hinto ang pagulan dala ng Bagyong Ondoy. Binaha ang Bahay namin hanggang umabot sa kisame. Aakyat sana kaming mag-ina sa bubong pero natangay kami ng malakas na agos ng baha at duon kami nagkahiwalay.

Taxi Driver: Ma'am, wag po kayong magagalit. Di kaya patay na anak nyo?

Pasahero: Nararamdaman kong buhay sya. Ipara mo na lang sa Tabi at bababa na ko.

Hininto ng Driver ang sasakyan sa gilid ng daan.

Taxi Driver: Ah! Ma'am.. bale umabot po ng 550 pesos.

Inabot ng Pasahero ang Pera.

Taxi Driver: Ah... ma'am wala na po ba kayong ibang pera jan? Eh Puro basa po tong perang binigay nyo eh at puro putik pa po..

Walang sagot na narinig ang driver..kaya tumingin sya sa Likod para kausapin ang babae.

Taxi Driver: Ma'am.. puro basa po tong..

Laking gulat nya ng wala na doon ang kanyang pasahero. At napansin nyang Basang Basang ang Upuan at Sahig, punong-puno din ng Putik ang lugar na inupaan ng babae. Nagtaka siya dahil

malinis naman ang naturang Babae nung pumara ito. Nakasuot pa nga ito ng puting-puti damit.

Tumingin sya sa paligid para hanapin ang babaeng pasahero baka bumaba na ito. Pero mas nangilabot sya ng makita ang lugar na pinaghinuntaan nya ng sasakyan ay nasa tapat pala ng "Sementeryo". Sa Takot, agad nyang hinarurot ang sasakyan palayo sa lugar na yon.

koleksion ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon