Graduation Dead VII

446 8 0
                                    

"Nay matutuloy po ba yung punta nyo mamaya sa La Union? Maiiwan po ba ako dito mag-isa?" tanong ni Jason sa kanyang inang si Lyca Diabone habang magkasabay silang kumakain ng agahan.

"Oo anak. Yung papa mo nauna nang lumuwas noong isang araw. Hindi naman kita pwedeng isama dahil nag-aaral ka at walang magbabantay dito sa bahay natin." Sagot ni Lyca sa anak na binata.

"Ma naman! iiwan nyo ako dito?"

"Anak, importante itong pupuntahan ko. Trabaho namin ito ng papa mo. Dati kahit isang linggo kaming wala nakakaya mo naman mag-isa dito sa bahay. Ngayon naman parang takot ka maiwan. Dapat siguro bawas-bawasan mo na ang panonood mo ng mga nakakatakot na pelikula para hindi naaapektuhan ang pag-iisip mo!" sermon ni Lyca kay Jason sabay inom nito sa mainit-init na kapeng nasa tasa.

"Ma, hindi nyo kasi naiintindihan, eh..." pagpaparinig ni Jason. Natatakot siyang maiwan mag-isa sa bahay dahil alam niyang siya na ang susunod kay James.

"Anak. College kana at graduating na! Sana matuto ka ng tumayo sa sarili mong mga paa! Hindi yung kailangan ka pa naming bantayan ng beinte kwatro oras na parang bata!" kapag ganoon na ang tono ng pananalita ng ina niyang si Lyca, humihinto na lamang siya upang hindi masigawan. Nanlumo si Jason ng sabadong iyon. ibig sabihin ay maiiwan siya sa bahay na iyon sa loob ng dalawang araw. Paano niya maililigtas ang sarili niya? Naalala niya ang sinabi ni Michelle. Huwag dapat silang maghiwa-hiwalay ng magkakaibigan. Kaya nagpasya siya na makikitulog na lamang isa sa mga kabarkada niya upang manatili siyang ligtas.

NANG tanghaling iyon ay umalis na si Lyca para bumiyahe sa La Union. Nagtext siya sa kaibigan niyang si John Mark na kung pwede ay doon muna siya manuluyan sa loob ng dalawang araw habang wala ang mga magulang niya. Pumayag naman ang lalaki. Nang magkita sila sa kanto ay sabay silang nakipagkita kina Michelle at Abigail. Nagpasya si Jason na doon muna sila mag-usap sa bahay nila para mabantayan ito.

"Guys parang may napapansin ako..." ani Michelle sa mga kasama habang nag-uusap sila sa lamesa sa kusina. "Ano naman yun?" tanong ni Jason pagkatapos ay inilapag niya ang mga baso sa lamesa para painumin ng Juice ang mga kaibigan.

"Tungkol ito sa pagkamatay nina Jean at James. noong nabubuhay pa sila, diba naalala nyo yung sinabi ni Jean sa atin? Ang kursong kukunin daw niya ay Culinary Arts. Pagkatapos sabi ng mga napagtanungan ko, gas daw ang dahilan sa pagkasunog ng bahay nina Jean, pati ang charger. Sabi ng iba, nakaligtaan daw ni Jean yung niluluto niya kaya iyon yung unang dahilan ng sunog sa bahay nila. Diba ang pagluluto ay related sa Culinary Arts? Tapos si James naman, natatandaan ko noong kami pa, sabi niya sa akin pangarap daw niya maging sea man. Tapos ang ikinamatay naman niya, tumaob yung barko na sinasakyan nila at nalunod siya. Diba ang sea man sa barko nagtatrabaho? Napansin nyo ba yung mga pagkamatay nilang iyon? parang may kinalaman sa kursong gusto nilang kunin." Kwento ni Michelle sa mga kaibigan.

"Oo nga no, Michelle. Parang may kakaibang nangyayari talaga. Hindi lang basta-basta patayan ang nagaganap..." pakli pa ni Abigail.

"Ikaw ba Michelle ano nga pala yung kurso mo?" tanong muli ni Abigail sa kanya.

"Nurs ang kukunin ko." Sagot ni Michelle.

"Ako naman gusto ko maging pulis." Sabi ni Jason.

"Ako naman Teacher." Si John Mark ang nagsalita.

"Ako naman Computer Programming." Ani Abigail.

"Diba Jason ikaw na yung susunod kay James? tapos ang gusto mo ay maging pulis. So ibig sabihin nito, kung sakali mang matuloy yung sumpa, baka pulis din ang makakapatay sayo?" ang sabi ni Michelle.

"Ano ka ba naman. Huwag nyo akong takutin! Kaya nga ako nagpasama sa inyo dahil binilinan nyo ako na dapat tayong magsama-sama para maharangan natin ang sumpa!" may takot ang tinig ni Jason.

koleksion ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon