Bagong lipat ang pamilyang Rodriguez, napagpasiyahan ni Ben na lumipat sila dahil ito ang malapit na place sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Unang pagkakakita nila ay malaki ang gate nito, kakalawangin, pero wala silang choice dahil mahirap ng maghanap ng malilipatan.
Pagpasok nila sa bahayay madilim, wala pa kasing ilaw, hindi pa kinakabitan kaya kandila lang muna sila, masapot ang loob ng bahay.
"Hayaan niyo na, konting linis lang at gaganda rin ito."sabi ni Ben
Kaya inakyat na muna nila ang gamit nla sa kani-kanilang kwarto, sobrang laki ng bahay, ang mga gamit na ginamit sa bahay ay parang mga luma na, may mga gamit na naiwan ng dating may-ari.
Bumaba na silang lahat at nagsimula ng maglinis.
"Anak, Jake, halika nga dito, tulungan mo ko, iusog natin tong sofa doon."
"Okay, dad."
Tulung-tulong silang naglinis ng bahay. Si Angel naman ang asawa ni Ben ay nagwawalis ng bahay ang anak nilang si Kate ay ang nagpipispis ng mga alikabok.
Si John naman ang nagtatanggal ng mga sapot sa kisame.
********
Hanggang sa natapos na nila, mas luminis ang bahay.
"Hooo! Sabi ko sa inyo e, konting linis lang at gaganda rin ito."
Nagpahinga muna sila sa sofa at si Angel naman ay pumunta sa kusina para magtimpla ng juice kasama si Kate, gumawa sila ng sandwich para makakain nila.
Malaki rin ang kusina, binuksan nila ang ref.
"Ang baho! matagal na rin siguro tong hindi nalilinis."
"Oo nga!"
Nilinis muna nila ito at sinaksak na para agad itong lumamig. Ng inaayos nila ang ref ay biglang..
"Asan ang sandwich?"
"Hindi ko po alam."
"Siguro ay kinuha na ng mag-ama."
"Siguro nga ho."
"Tara puntahan natin sila."
********
"Asan na ang sandwich? Siguro kinuha niyo nu?"
"Ha? Anong sandwich? Andito lang kami tanong mo pa sa kanila e.?"
"E sinong kumuha nun, imposibleng may kumuha nun! Sinong kumuha multo?"
At bigla silang may narinig sa itaas. Natakot silang lahat. Agad nila itong pinuntahan kung ano ba ang narinig nila.
Wala naman silang nakita.
"Baka naman pusa lang dad." sabi ni John
"Baka nga. Baka nakapasok dito."
"O siya, maghanda ka na lang ulit ng makakain natin ok?"
Bumalik na sila sa kusina at nakita ang plato ng sandwich na wala ng laman.
"P-pano to napunta dito? H-h-hindi ba wala to kanina dito? At saka asan na yung sandwich?"
"Siguro nga mommy pusa lang yun."
Gumawa na lang ulit sila ng sandwich at kumain na.
*********
Gabi na, madilim buti na lang at gumagana ang chandelier doon, Bukas pa kasi nila papakabitan ng ilaw ang bahay nila.
Nagluto na si Angel ng makakain nila.
Sabay-sabay na silang kumain, nagkwentuhan at nagtakutan. Pagkatapos ay nagligpit na sila, umakyat na silang kwarto at umuulan ng malakas.
"O matulog na ha? Goodnight sa inyo."
"Goodnight din dad, mom."
Sila naman ay natulog na rin sa kwarto.
Sa kwarto nila Jake ay may narinig sila na bumukas ang pinto. Hindi naman nila ito pinansin siguro ay ang daddy nila yun kasi tuwing gabi ay chinecheck niya kung tulog na ba ang mga ito.
Hindi pa doon natatapos ang lahat. Biglang nagbukas sara ang bintana pati pinto umuuga ang kama, kaya naman pumunta kagad sila sa mga magulang nila at sinabi kung anong nangyayari.
Sinabi nila na yung bintana na nagbubukas sara yung pinto.
Pinuntahan nila ang kwarto at ayos naman ang lahat, nakasara ang bintana, pinto at ang kama ay ayosdin, kaya naman pinatulog na uli sila at sinabing wag kalimutang magdasal.
Nagdasal sila at wala ng gumambala sa kanila.
