Cellphone 1.2

329 9 0
                                    

"Imposible! pa'no to napunta dito, eh, sinira ko na to ah!"

Kinilabutan siya dahil dito, nantayo ang mga balahibo niya.

Lunch na uli nun at nagsama-sama na ang 4..tulala na naman si Gigi

"O! tulala ka na naman diyan, bakit ba?"sabi ni Sarah

Hindi niya alam, kung ikikwento niya ba o hindi dahil baka hindi naman siya paniwalaan ng mga ito at baka sabihin na nababaliw siya, kaya kumain na lang sila at nagkwentuhan, nagtawanan.

Alam na niya kung papano niya maso-solve ang problema niya, pinuntahan niya ang cellphone repair na pinagbilhan niya ng cellphone niya. Doon, nakita niya si Robby ang nag-ayos ng cellphone niya, nilapitan niya ito at kinausap.

"Robby, ako to' si Gigi"

"O! Gigi, bakit naong problema? Napadalaw ka?"

"May alam ka ba dito?"

Sabay tutok ng cellphone sa mukha ni Robby

"a, w-wala, b-b-bakit?"

"Sigurado ka?"

"OO?"

"Sabihin mo ang totoo, may alam ka ba sa cellphone na to'? Sumagot ka kundi mag-eeskandalo ko dito!"

"Oo na, sige na!"

At nagkwento na nga si Robby tungkol sa cellphone.

"Yang cellphone na yan ay binigay lang sa akin ng kaibigan ko, ipapa-repair niya daw kaso nung naayos ko, tinawagan ko siya para kunin itong cellphone pero huli na, sabi ng mama niya, patay na ito, hindi nila alam kung ano ang ikinamatay, nakita na lang daw nila ito na nakahilata sa kwarto, maputi ang kanyang mga mata, pagpunta ko sa burol niya at nakita ko siya doon, iaabot ko sana ang cellphone pero sabi ko sa sarili ko na hindi na naman niya ito kailangan kasi wala na namang gagamit noon, kaya naisipan kong ipagbenta"

"Sigurado kang yun lang ang alam mo?"

"Oo, bakit?"

"Kasi may tumatawag sa akin na number lang, tinetextan niya ko ng mga death threats, may alam ka ba dun?"

"Hmmm? May nasabi siya sa kin ehh, sabi niya kinuha niya daw yung cellphone kung san? hindi ko lang alam kung saan?

"Saan niya kaya nakuha?, Sige alis na ko, maraming salamat robby ha?"

"Ayos lang yun, Sige!"

Umuwi na si Gigi sa bahay, tinignan niya ang nilalaman ng cellphone yung mga pictures at doon nakita niya ang hitsura ng lalaki matangkad ito, may bigote, katamtamang mata, matipunong katawan, matangos na ilong..

Ng biglang tumunog ulit ang cellphone niya...

koleksion ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon