Sa loob ng Dilim 1.2

317 8 0
                                    


Agad niyang tinawagan ang kanyang asawa.

"Hello, Chris! Punta ka na dito!"

"Ha? bakit?"

"Basta!"

"O sige! Relaxka lang diyan. I'll be there."

Humahagulhol sa iyak si Neri, kumakabog ang dibdib niya, umiiyak siya sa sobrang takot.

Dumating na si Chris, niyakap niya ito at si Neri naman ay napanatag na dahil nadoon na ang asawa niya.

"What's wrong hon? Wag kana umiyak."

Agad tinawagan ni Chris ang parents ni Neri, sinabi niyang pumunta sila dito dahil umiiyak daw sa sobrang takot ang knilang anak.

Gabi na ng dumating ang kanyang mga magulang galing Bacolod. Agad nilang niyakap si Neri niyakap naman ito ni neri ng mahigpit, nagmano naman si Chris sa mga ito.

"Ano bang nangyari anak? Bakit ka ba umiiyak? Tinawagan kami ni Chris at sinabing umiiyak ka daw kaya naman pumunta na kami!"

"Mommy, ewan ko kung maniniwala ka pero may multo dito sa bahay! Doon sa attic!"

"Ano? multo? Hindi totoo yan anak, walang multo-multo, hayaan mo dito muna kami magsi-stay ng mommy mo, Ok ba yun?"

Napangiti si Neri sa sinabi ng kanyang dad. Nagluto na ng dinner ang mommy ni Neri, kumain sila ay nagkwentuhan pagkatapos ay niligpitan na ni Chris ang mga ito. Inihatid na ng mag-asawa ang mga parents ni Neri sa kanilang kwarto.

"Dito na po muna kayo mag-stay sa Master's Bedroom tita."

"O sige! Salamat iho ha?"

"Walang anuman po tita."

"O sige po goodnight na."

"Sige, goodnight din."

Bumalik na sa kwarto ang mag-asawa, binuksan nila ang ilaw sa pinakang-hallway para maliwanag at para na rin hindi matakot si Neri.

Agad namang nakatulog ng mahimbing si Neri, pero si Chris ay nadoon pa sa table nila sa kwarto, may isinaasikaso pang mga paperworks dahil kailangang isubmit ito bukas.

Tinanggal ni Chris ang kanyang salamin at nag-unat unat, hindi niya nalaman na nakidlip pala siya ng biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa hall hanggang sa namatay ito ng kusa. Bigla namang nagising si Chris dahil dito, sinuot niya uli ang kanyang salamin at agad pinuntahan ang pinakang main switch ng mga ilaw, nakabukas namanang mga ito pero baka naman nag short circuit lang kaya inoff niya na ito at bukas na lang aayusin dahil inaantok na siya.

Papunta na sana siya ng kwarto ng biglasiyang may nakitang babaeng nakaputi sa dulo ng hall una ay akala niyang si Neri iy.

"N-n-neri? Ikaw ba yan?"

Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang humarap ang babae, nagulat siya sa kanyang nakita!

end of Part 3..

koleksion ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon