Wala pang anuman ay tumawag na naman ang lalaki.
"Akala niyo ba mawawasak niyo ang cellphone! Hindi mangyayari yun! hahahaha!"
In-off ni Gigi ang cellphone niya at biglang dumating na si Robby.
"Buti na lang Rob at nakadating ka."
"Oo naman! O ano ng nangyari, tumawag na naman ba yung lalaki?"
"Oo!"
Nasa loob na ng kwarto ni Gigi sila doon ay inaaabangan nila ang 3:56am hindi sila natutulog, pursigido talaga sila na matapos na ang lahat..
Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Gigi.
"Imposible! In-off ko na to' ahh!"
Sinagot niya ang cellphone. Ngunit walang sumagot. 3:50 na! malapit na ang oras. Kabang kaba ang dalawa, Ng biglang may malakas na pwersa na tumulak kay Robby, napaumpog ang ulo nito sa kisame dahilan para mawalan ito ng malay.
Pinipigilan ng lalaki ang gagawin nila, sabay pagkawala ng malay ni Rob ay ang sabay na pagbukas ng bintana at may malakas na hangin na pumasok sa kwarto, nagbubukas-sara ang mga drawers at cabinet, nagliliparan ang mga bagay, umuuga ang kama!
Umiiyak siya sa takot at napansin niya na wala sa kamay niya ang cellphone, pagkatingin niya ay biglang may lumutang sa harap ng bintana ang lalaki ito, nanlilisik ang mga mata at hawak ang cellphone!
Tumataw ito ng malakas parang tawa ng demonyo!
"Sabi ko sa inyo eh, Hindi niyo magawang sirain ito! Uunahin ko muna kayo!
Pumasok sa loob ang lalaki habang hawak ang cellphone 3:54 na noon! meron na lamang silang 2 minuto para masira ito.
Sinubukang kunin ito ni Gigi pero hindi ito makalapit dahil may pwersa na nagtutulak sa kanya, agad na nagising si Rob at tumulong sda pagkuha ng cellphone. Hindi ito nagpahalata sa lalaki kaya gumapang siya papunta sa likod nito.
Kukunin na niya sana ang cellphone sa kamay nito ng biglang sinaksak ito, duguan si Rob dinilaan pa ng lalaki ang kutsilyo na balot ng dugo! Habang tinititigan ng lalaki si Rob ay nagkaroon ng pagkakataon si Gigi para makuha ang cellphone, agad niyang hinablot ang cellphone sa mga kamay nito at bigla namang sinakal ito ng lalaki, sasaksakin na sana ito ng lalaki ng biglang ibinato niya ang cellphone kay Rob."
Saktong 3:56 na hinagis ito ni Rob sa sahig at binitawan niya si Gigi, naglaho na ang lalaki at ang cellphone, nagyakapan ang dalawa, nawalan ng malay si Rob dahil sa sugat na natamo niya.
Dinala siya sa ospital, nadoon ang kanilang mga magulang, tinanong ng mga magulang ni Robby kung anongg nangyari, pero pag sinabi niya ay hindi ito maniniwala kaya sinabi niya na lang na napaaway siya at may dalang kutsilyo ang lalaki at nasaksak ito.
Naging mapayapa ang buhay ni Gigi at hindi na rin ito ginambala pa ng lalaki.
Kung meron kayong cellphone, mag-ingat.................KAYO!!
Wakas
