"MOMMY! Mommy! Nakita ko po'ng kotse ni Lolo Basyong... ay, Lolo Teo pala, sa garahe ng bahay niya! Dumating na po siya!" eksayted na ba1ita ni Ky1a kay Yvon.
"Talaga, Kyla?" Galak na in-off ni Yvon ang digital washing machine at sinalubong ang tuwang-tuwang anak.
Inakay na niya palabas ng bahay ang pitong taong gulang na bata. Nakasalubong nila sa tarangkahan ang Kumare Nelly niya na ang bahay ay katapat lang nila.
"Saan kayu pupuntang mag-ina?" usisa ng kumare niya.
"Diyan lang sa malaking bahay, mare. Makikipagkumustahan. Bumalik na raw si Mang Teo! Nakita ni Kyla," pagbabalita niya sa babae.
"Abah! Teka at sasama ako! Na-miss ko na ring kahuntahan ang matandang iyon!" at nagmamadali itong sumabay sa mag.-ina.
Lihim na napangiti si Yvon. Alam niyang ang na-miss ng kumare ay ang panghihiram ng pera sa matanda na inililista lang nito sa tubig! Kagayarin ng iba pa nilang mga kapitbahay.
Dead end ng kantong iyon ng pang-middle class subdivision na kinatitirikan ng malaking two-storey house ni Mang Teo. Dalawang magkasunod na bakanteng lote ang pagitan ng bahay nina Yvon at ng bahay ng matandang lalake.
Nagtaka ang magkumare. Naka-lock ang gate na grills. Dati ay laging bukas ito basta nasa loob ang matanda.
"Mang Teo, kumusta na po kayo!" Nilakasan na lang ni Yvon ang boses. Inulit pa niya ang pagbati nang hindi lumingon ang singkuwenta anyos na matandang nakaupo sa paborito nitong rocking chair sa labas ng malapad na terrace.
"Hello, Lolo Teo! Miss ko na po'ng mga kuwento n'yo!" Inilusot pa ni Kyla ang braso sa grills at kumaway sa matanda.
Lumingon sa kinaroroonan nila ang matanda. Umasim ang itsura ng mukha nito nang makita sila.
"Umalis kayo! Alisss!" pagtataboy nito.
Napaatras sa pagkabigla ang tatlo. Tila dumagundong sa loob ng malawak na bakuran ang sigaw ng matanda.
Pagkatapos ay tumayo ito. Nagmamadali at halos patakbong lumabas ng terrace papuntang gate.
Sa takot ay kumaripas ng takbo si Nelly. Hinila na rin ni Yvon sa braso ang anak at tumakbo na rin sila.
"B-b-bakit ba biglang nagbago'ng uga1inu'n?!" Humahangos pa rin si Nelly nang datnan nina Yvon sa labas ng tarangkahan nila. Sapo ng dalawang kamay nito ang tiyan.
"H-hindi lang nagbago... tila bumangis pa, mare! Ang mga mata niya... napansin mo ba? Parang... parang nagbabaga!" sindak ding sambit ni Yvon habang mahigpit pa ring hawak sa braso ng umiiyak sa takot na anak.
SININAT nang gabing iyon si Kyla.
"Natakot talaga siya sa inasal kanina ni Mang Teo, love..." pagsusumbong ni Yvon nang dumating ang asawang si Frank.
"Akala ko nga'y patay na'ng matandang iyon! Hindi ba't sabi niya'y may terminal cancer siya kaya nga umalis at magpapagamot daw sa Maynila? Lampas isang taon bago siya nakabalik! Six months lang ang alam nating taning sa kaso niya! Hindi kaya multo niya 'yung buma1ik?!".
"Sobra ka naman, Frank! Baka naagapan ang kanser at gumaling siya!" kontra niya sa lalake.
"O ibinenta niya'ng kaluluwa sa demonyo para dagdagan pa'ng buhay niya! Payat na at mahina iyon noong umalis dito, hindi ba! Ngayon, ang sabi mo'y malakas siya't lumaki pa'ng katawan!" pakli ni Frank.
"Bakit ba ang bigat-bigat ng loob mo kay Mang Teo eh ang dami naman siyang nagawang kabutihan sa mga tao rito?"
"Simu1a nang dumating siya sa komunidad natin ay nagsimula na ring mag-away ang mga mag-asawa rito! Natuto kasing mangutang ng malaking halaga sa kanya ang mga nanay pambili ng mga appliances na hindi naman kailangan kundi pampasikat lang!"